We Met Again
"WAAAA!!!" Tili ni Mary.
"Putangina naman! Mary ang aga aga pa ang ingay mo na!" Sigaw ko sakaniya.
Nagpapahinga kasi ako dahil mamaya ay may lakad ako papunta sa tagaytay dahil nga may meeting kami ng clients ko about sa lupang bibilhin.
"Beeeeesh!!!! Halika may chika ako!!!" Tili na naman ni Mary habang naglululundag papalapit saakin.
"Ano!?!?! Ang aga aga!" Sagot ko, pero siyempre kuryoso din sa chika niya.
Agad niyang ipinakita saakin ang mensahe na natanggap niya galing sa kliyente ko "Tignan mo! Omgg, yayaman ka na yata, give me some of the money haa?"
Hindi ko siya sinagot dahil binabasa ko pa ang mensahe ng isang kliyente na nagngangalang Charmaine Smith.
'Hi, i would like to tell you that i'll buy the last land that you're selling, i'll pay it twice so hindi naman nakakahiya dahil halata namang pinag hirapan mo 'to. How much is it ba? Let's meet at 8 pm, In the cabin near the strawberry farms"
Agad akong nairita dahil ito ang ex-girlfriend ni Zeke, Oo siya! Siya yung babaeng kahalikan nung hinayupak na yun!
"Oh ano na! Hindi ka ba natutuwa?" Kuryosong tanong ni Mary.
"Besh, sayang naman yun, malaking pera rin yun noh" Dismayado pa niyang dagdag.
Tumayo ako at nag lakad papalayo. "Hindi ako tumatanggap ng pera sa taong hindi kailanman nairespeto ang isang tulad ko" pagkasabi ko nun agad akong lumabas para pumasok sa banyo at maligo.
Sa pag patak ng tubig sa ulo ko naalala ko lahat ng ginawa namin ni Zeke, Kung paano niya ako halikan sa noo, Kung paano niya ako yakapin at sabihing mahal na mahal niya ako.
Hindi ko namalayang pumapatak na pala ang mga luha ko galing saaking mga mata, hanggang sa tuluyan akong humikbi dahil sa nangyari noon.
Mahigit ilang taon na ang lumipas pero yung sakit nandito pa din, nagagalit ako, naiinis ako kay Zeke kasi sabi niya Mahal niya ako at hindi niya ako kailanman iwan kahit sino pa ang humadlang sa relasyon namin.
Pero nakita ko siya, kitang kita ng dalawang mata ko kung paano niya suklian ang mga halik ni Zyra, Kung paano niya hawakan ang bewang ni Zyra habang nag hahalikan sila.
NATAPOS na akong maligo kaya't nag ayos na ako ng hitsura ko para sa meeting.
Nag lagay lamang ako ng liptint at mascara para mag mukhang simple pero kabog, nag suot nalang don ako ng Long sleeve polo at Pants, Pinatungan ko ito ng High Heels.
Pagkatapos ay inilugay ko na lamang ang aking straight at maiksing buhok para simpleng simple.
Agad akong rumampa sa labas at ng paalis na ako ng bahay....
AY SHUTA! Yung wallet ko naiwan! Hindi pa ako makakapag bayad ng pamasahe jusko.
NAKUHA ko na ang aking wallet kaya larga na ulit ako palabas ng bahay at sumakay ng taxi.
Habang nasa byahe biglang tumugtog ang awiting 'I won't give up' ni Jason Mraz.
Nag flashback na naman sa utak ko kung paano kinanta ni Zeke ang awiting ito habang sinasabi ang katagang "I will love you until the world darkens, whoever else disagree in our relationship,I will still choose you, just hold on love,we can do this" after that day nahuli ko siyang kahalikan si Zyra.
Maybe promises were made to be broken.
Nagulat ako ng biglang nag salita si Kuya Driver.
"M-Ma'am, okay lang po ba kayo? Heto po tissue" sabay abot saakin ni Manong ng tissue.
YOU ARE READING
When He's Mine
RomanceA woman named Presley Aster Tolentino enters a company where she will meet the man she loves all, she is happy when she is with him until she sees him doing something in the office with his ex-girlfriend, so he stays with left and promised himself t...