The new janitress
"T-Tito wala na po talaga akong pera na maibibigay sainyo, pero sana naman po wag ninyo akong paalisin dito" pagmamakaawa ko kay Tito Rick dahil pilit niya akong hinihingian ng pera at tinatakot na papaalisin niya ako sa bahay nila dahil dagdag palamunin lamang daw ako.
Pitong taong gulang ako simula nung mawalan ako ng magulang dahil sa aksidente, sila Tita ang kumupkop saakin, Mabait si Tita, Si Tito naman ay sa una lang mabait, lagi niya akong sinasaktan dahil lasinggero ito. Ang anak naman niyang babae na si Stephanie ay spoiled at sobrang salbahe.
"Ricky! Ano ba!? Tama na, nasasaktan na yung bata!" Awat ni Tita kay Tito dahil hawak na ni Tito ang balikat ko, Oo masakit na pero hindi ko ipinapahalata yun.
"Ano ha!? Kakampihan mo na 'to!?" Tumawa si Tito "Ano mas mahal mo na 'to kesa sa anak mo ha!? Lumayas ka na nga, sisirain mo pa ang pamilya ko!" Sabay tulak saakin ni Tito na siyang naging dahilan sa pag bagsak ko sa sahig.
Napaupo ako at naiyak, "Anak, mas mabuti pa sigurong umalis ka muna, pasensya na" agad akong niyakap ni Tita at agad akong binitawan.
Agad akong tumakbo papalayo, habang tumutulo ang mga luha ko pilit ko itong pinapawi dahil tuluyan akong babagsak kung iiyak ako.
NAG hanap muna ako ng masisilungan dahil umuulan na.
Nakakita ako ng isang pamilya na tumatawa habang sumisilong sa may tindahan.
Nakaramdam ako ng inggit, Kung hindi ba namatay ang mga magulang ko ganito din kami kasaya?
"Excuse me ate? Umiiyak ka po ba?" Tanong ng isang batang babae.
Siya yung anak ng mag asawa na nakita ko.
Agad kong pinawi ang mga luha ko at "A-Ah hindi hehe, napuwing lang" sagot ko, tumango na lamang siya at tumakbo papalapit sa mga magulang niya.
Ilang minuto ang nakalipas bago pa tumila ang ulan.
Hapon na pala at hindi pa ako kumakain, sakto at may rebisco pa ako sa bag.
Ito nalang ang kakainin ko at siyempre mag titira ako para mamaya.
Mag hahanap ako ng trabaho ngayon.
Agad akong nagsimulang mag libot para mag hanap ng trabaho, Aha! May nakita na ako!
"Excuse me kuya?" Tawag ko kay kuya na naninigarilyo.
"Ano?" Masungit na sagot nito.
Attitude, pft palunok ko sakanya yung yosi niya char.
"Naghahanap po kayo ng katulong?" Tanong ko.
Tinitigan muna ako mula taas hanggang baba ni kuya, ano to nang iiscan? human scanner?
"Tch, meron na kaming nakuha" sabi nito kaya umalis nalang ako dahil parang nangiinis pa si kuya.
Ilang oras pa at may natagpuan akong malaking building at may karatula sa pinto na 'Wanted Janitress' agad kong tinignan ang requirements na kailangan doon.
We have a vacancy in our team for a Janitor to work across a number of buildings. You will perform a variety of maintenance and cleaning tasks to keep the buildings looking perfect. To work well in this role you should have basic maintenance knowledge around building repairs and some experience cleaning.
HMM ETO ANG NAKASULAT:Janitor Responsibilities:
General cleaning of the building and keeping it maintained and in good condition.
YOU ARE READING
When He's Mine
RomanceA woman named Presley Aster Tolentino enters a company where she will meet the man she loves all, she is happy when she is with him until she sees him doing something in the office with his ex-girlfriend, so he stays with left and promised himself t...