Chapter 8

43.8K 1.1K 102
                                    

TATLONG ARAW ang lumipas mula nang makasama niya si sungit sa ice cream parlour pero hindi pa niya ulit nakikita ang binata.  Habang si Cairn naman ay puro tawag lang ang ginagawa.

Even their plan for a night out two days ago was cancelled because Cairn told her, something came up and he was needed. And after that, he would just call her from time to time but didn't re-schedule the meet up.

Sayang. Gusto pa naman niyang mag sayang ng oras sa Ravage Bar dahil nabuburyo na siya sa apartment niya. Kaya lang ayaw niyang pumunta do'n ng walang kasama. Ang bitch naman na doktora ay wala rin. Ilang beses niya ng tinawagan pero laging busy tone lang. Wala tuloy siyang mayaya.

Now, she's at her office dealing with a lot of paper works and a boring day.

Again.

Napatingin siya sa device na nasa mesa niya ng mag beep iyon. It's an audio transmitter that is connected to her boss's office through bluetooth.

Tamad niyang inabot iyon at pinindot ang green button para tanggapin ang tawag ng boss.

"Come here."

Napaikot na lang si Sierra ng mata ng 'yon lang ang narinig niya at naputol agad ang tawag. Hindi man lang siya hinintay na makasagot ng okay.

Tumayo na siya at dinala ang pad at ballpen, just in case she has to write down notes.

"Boss," bati niya nang makapasok ng office nito.

Nagtaas ito ng tingin mula sa laptop nito at itinuro ang upuan na nasa harapan ng mesa nito.

Sierra sat down and waited for her boss to tell her what she has to do.

Isinara ng boss niya ang laptop nito bago sumandal at tinignan siya ng seryoso. Kumunot tuloy noo niya at medyo kinabahan.

This is unusual behaviour for her boss to look at her seriously. Lagi itong mabilis magbigay ng instructions sa kanya dahil mas gusto nitong mag-isa.

Loner ang topakin na 'to eh.

Mabilis na inalala ni Sierra kung may nagawa ba siyang mali. Baka kasi meron at ngayon ay firing time na. But as far as she could remember she has been doing fine and efficient with her job.

"Boss tapokin 'wag kang ganyan, kinakabahan ako."

Umiling ito.  "You have to leave—"

Malakas na napasinghap si Sierra. "Boss topakin 'wag kang magbibiro ng ganyan!"

"I'm not kidding kabute," seryoso nitong saad na walang mababakas na biro sa mukha.

"Why? Did I unknowingly do something wrong that results in you losing billion-dollar deal? Was I annoying lately that you can't deal with me anymore? Haven't I worked effectively?" Sunod sunod na tanong ni Sierra sa boss niya.

Shit... Naiiyak ako.

Kahit naman topakin ang isang 'to eh napalapit na siya dito. At parang ang lungkot isipin na hindi na siya magiging secretary nito.

"Tch, calm down kabute. I'm not firing you," bored na anito.

"Eh ano?" Hindi mapalagay na tanong ni Sierra.

"You'll be someone's secretary for six months," anito.

"Why and who?"

Nagbuga ito ng hangin at tumayo. "Ready yourself, we have a meeting with my brother, Kreston," tumingin ito sa wristwatch nito bago siya sinulayapan. "In half an hour," anito at lumabas na ng opisina.

Iniwan siya nitong nalilito at napapakamot ng ulo. Hindi man lang nito sinagot ang tanong niya kung bakit at sino ang magiging boss niya.

Tsk! May topak talaga.

Kreston CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon