Chapter Two: Oh Hell No!

140 5 2
                                    

(Dedicated to my dear friend, Jelai. Labyu Bhe xD)

Azalea (Louise's picture is at the side, minus the cat features) 

"Sabi ko sayo mag-ingat ka eh." 

Louise matatamaan ka na talaga sakin.  

"Pero hindi ka nakinig sakin." 

Louise matatamaan ka na talaga. 

"Kaya ayan tuloy." 

Louise. 

"Napahamak pa kayong dalawa--" 

"LOUISE." 

Sinigawan ko na talaga si labidabs. Hindi na lang kasi siya pwedeng manahimik eh nagpa-panic na nga ako dito eh. Nu ba naman yan. 

"Okay, okay. Relax. Baka ma high blood ka nyan." 

"Ikaw naman kasi eh."

Nag buntong hininga na lang ako bago pinatong ang ulo ko sa likod ng bench na inuupuan namin ngayon ni Louise na katabi lamang ng room kung saan ine-examine si Jason. Sinusubukan ko pang ipa-sink in ang mga nangyari kanina pero ayaw ko namang mas ma-stress pa ako. Hindi ko naman talaga kasalanan ang mga nangyari eh. Sino ba naman kasi ang tangang gagalitin ako ng ganun? Ha?  

"....Ano na ngayon?" 

Bumalik ang atensyon ko kay Louise na nakatingin sa ceiling habang naka cross arms. Labidabs ano ba wag mo nang palalain pa ang tension na nararamdaman ko. 

"Suicide tayo bhe."

"Ikaw na lang. Marami pa akong pangarap sa buhay."

"Natamaan ang puso ko Labidabs." 

"Buti nga." 

Hay, labyu talaga Labidabs. Ikaw na ang bes pren sa buong mundo.  Note the sarcasm please. 

Sana naman naiintindihan niyo ang dahilan ng pagpa-panic ko. Oo, inaamin ko, I hate Jason and I want to slice him apart, pero ang problema si Jason meron ng pera at kapangyarihan. Eh ako? Naku wala pa ako sa kaling-kingan ng yaman nila. Sana kasi nadiretso yung pagka bankrupt ng kompanya nila para naghihirap sila ngayon. Bweset talaga oo. 

Kung hindi niyo pa din gets (May parade ng LG mamaya, sali kayo), money equals power, and power equals rights. Mas may karapatan silang gawin ang anu mang gusto nilang ipagawa sakin dahil may kapangyarihan sila.  Yang pantay-pantay ang lahat ng tao na yan? Hindi yan nag a-apply sa klase ng sibilisasyon at henerasyon na kung saan naninirahan tayo ngayon. Wag niyo nang i-deny dahil alam kong alam niyo na totoo ang mga sinabi ko. 

O ayan nag drama na si Ate. Pwede na yang gamitin bilang speech sa graduation niyo.  

Pero I'm right naman diba? Ganyan talaga kalupit ang mundo ngayon. Isang pagkakamali ng mga mabababa, agad na napapansin ng mga nakakataas, at agad silang pinaparusahan dahil dito. O diba? Pwede nang ipag-speech? 

"Aza." 

Lumingon ako kay Louise na nakatingin sa ibang direksyon, somewhere down the hall, kung saan napatingin na din ako. 

....Fuck Shit.


Kilalang kilala ko ang mukhang yan, pati ang tindig na yan. Kasama na ang hindi mapawi-pawing simangot na para na atang naka super glue sa mukha niya. 

Kung nahulaan niyo kung sino ang bweset na lalaking yan, eto bouquet ng Hersheys sayo na. 

Yep, siya lang naman ang ama ni Jason na kung maka lakad parang siya na ang may ari ng Pilipinas. Hoy, business man ka lang, hindi ka ho presidente ng bansang ito. 

The Otaku and The HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon