Prologue

5 3 0
                                    


Pinagmasdan ko ang sulat ng aking namayapang kaibigan. It confuses the shit out of me. The letter divulge the names of her friends, which is a little bit strange.

"Sorry tita but i don't really know these people."

Kinuha naman ni tita Ynea sa aking kamay ang sulat na tila ba nakalimutang itago ng kanyang anak na si Sandra, ang matalik kong kaibigan.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa din sa akin ang kanyang pagkamatay. Maasikaso at maalaga ang kanyang mga magulang. Mismong ako nga ay inaantabayan siya sa mga ginagawa niya. Masakit isipin na hindi mo talaga kalkulado ang iyong buhay. Life is indeed full of surprises.

"Mabuti nga't nakasama mo pa siya sa mga nalalabi niyang araw. Paanong hindi mo kilala ang mga ito? Hindi ba'y magkasama kayong nangibang bayan?" Ani ni Tiya Ynea.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Dalawang buwan ko nang hindi nakakasama si Sandra. Ang paalam niya ay marami siyang ginagawa kaya hindi na kami madalas pang nakakapag usap.

Shit, nagsinungaling ba siya sa akin at sa mga magulang niya? What the hell is going on here?

"O-opo, pero hindi ko po k-kasi kilala ang mga nakasulat diyan. Pasensya na po."

Shit. Shit. Shit. I'm ruthless! Why did i frigging lied?!

Nababalisa ko siyang tinignan. Nakatitig pa din siya sa sulat ni Sandra. Nagpunas ulit siya ng luha at inilahad muli sa akin ang piraso ng papel.

"Itago mo ito, Eli. Matalik kang kaibigan ni Sandra ngunit hindi niya man lamang ito naikuwento sa iyo. Iyan siguro ang isa sa mga isinulat niya na nakalimutan niyang sabihin sa iyo,"

Well, duda ako doon. Imposibleng may makalimutan siyang ikwento sa akin. We were together for so long, lahat ng nangyayari sa buhay namin ay hindi namin nakakalimutang sabihin sa isa't isa. Plus the fact that we really trust each other, kaya paanong hindi niya ito masasabi sa akin?

Dahan dahan ko namang kinuha ang papel at ibinuklat. Binasa ko muli ito sa isa pang pagkakataon, umaasang may maintindihan.

Entry #28

This is a pleasant day to remember. I will be forever grateful to have friends like them. Chia, Kelly, Samuel, Cross, Shin, Kellin and most specially, Joaquin. They are my hidden diamonds. I feel special when i'm with them, no, scratch that. I am literally special and one of a kind. A thousand miles of emotions can't describe what am i feeling right now.

Solely yours,
Cassandra

For heaven's sake, where am i supposed to find these people?!

I glance at tita Ynea whose currently talking to tito Joseph, her husband. Tumayo ako at dahan dahang lumapit sa kanila. Kailangan ko nang magpaalam. I need to breathe in some fresh air. This shit is stressing me out.

"Excuse me po, kailangan ko na pong umuwi tita, tito. I have some urgent errand at home. Condolences po. Babalik ako bukas." I said with a low tone voice.

"Yes hija, thank you. Ingat ka sa pag uwi." She kissed me on my right cheek.

I only smiled at them.

Sandra's sudden death makes my life teared into shattered pieces. We were partner in crimes and definitely sisters by heart.

May pagtatampo sa akin na iniwan niya ako bigla. Dumagdag pa itong sulat na kay iksi iksi ngunit tila ba siksik ng iba't ibang nakatagong impormasyon. Kinukwento niya sa akin lahat. Nakapagtataka lang na itinago niya ito sa akin. Maybe she has her reasons. This will be a silent ruckus that needed to unravel.

I glanced at my bestfriend's coffin for a split of second.

Kung ano man ang misteryo sa kabila ng pagkawala niya, natitiyak kong matutuklasan ko ito.

I am not named Shamus Eli for nothing.

Unforeseen CosmosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon