P r o l o u g e

1 0 0
                                    

"Do you have any questions for Ms. Lee, doctors?" The interviewer asked the doctors in front of me. I just finished answering their questions para sa fellowship ko dito sa University Hospital. I'm still feeling nervous, I'm not entirely sure if I answered the questions correctly.

"No, Miss. Laprell that would be all. It was really nice meeting you, Ms. Lee. See you on your first day." Sabi naman ng Chief ng Surgery na si Mr. Guevarra. He offered to shake my hand, so I politely shook his hands and bid my good bye to them.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng meeting room ay, pinagpapawisan ako ng malamig. Buong akala ko ay hindi ako papasa huhu. Thank you Lord!

I immediately took my phone out of my bag to send a message to Gabby.

"I'm done with my interview. I'll-"

"Addison Claire Lee!" May narinig akong sumigaw na sobrang lakas kaya muntikan ko ng mabitawan ang cellphone ko at hindi kopa din natapos ang tinatatype ko na mensahe para kay Gabby. Lumingon lingon ako para tignan kung sino man ang dimonyo na sumigaw ng pagkalakas lakas sa pangalan ko.

AT hindi nga ako nagkakamali. Siya talaga ang demonyo, sis.

"Pwede bang wag kang-"

"OMG. I passed my interview. Ikaw din diba? Congrats! Best friend talaga tayo!" Aniya na para bang alam na alam na niya na pumasa ako. Wew.

"Kupal ka, bagsak ako." Sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa cellphone ko. It's already 11:30am, kaya pala nakaka ramdam na ako ng gutom.

"Wag ako Adi. Psh. Summa cum laude sa medschool, tas dito summabit?"

"Alam mo ang dami mong alam, tara na. Saan ba cafeteria nila dito. Nagugutom na ako." Ani ko sa kanya at nagsimula ng maglakad. Ng maramdaman kong hindi pa din siya nakasunod sa akin ay lumingon na ako para tignan siya.

May kausap na ngang lalake ang gaga. Matangkad 'to at naka doctors coat. Wew.

"Talaga? I didn't know na dito ka pala nag work."

Ng papalapit ako sa kanila ay biglang nanlaki ang mata ni Gabby ng makita ako. Kaya napatingin din sa akin ang lalaking kausap niya.

"Adi? What brings you here?"

"We applied here for fellowship, Doc." Ani ni Gabby, lol biglang naging pormal makipag usap ang gaga. Hindi ko na pinansin ang lalaki at nilingon kong muli si Gabby.

"What are you still doing? I said i'm hungry."

"Mag Hi ka muna kay Doc Guevarra. Tas kakain na tayo." Aniya ng may nakakalokong ngiti sa mukha. Sarap kutusan.

"Let her be, Gab. Haha. Kakain ba kayo? Sakto i'm on break come on, samahan ko kayo." He offered. But I shook my hands, refusing.

"Hindi na pala ako nagugutom Gabby, let's just head home."

"Masama magpagutom."

"Oo ng-" I cut Gabby off. "And since when do you care?"

"I don't" Mabilis niyang sagot saka ngumisi ng nakakaloko, hindi ko na matiis at naglakad na ako paalis ng hospital. Nakakabwisit. OK na sana ang araw ko nakita ko pa yon!

"Hoy Addison Claire! Saglet lang!" Sigaw ni Gabby ng nagmamadali siya papunta sakin. I was about to scold her, when I saw him from distance. Looking at me. Painfully.

I rolled my eyes, kahit na alam kong hindi naman niya malalaman.

"Tara na!!!" Sigaw ko pabalik kay Gabby. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

S a u d a d eTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon