“Annicaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!! Gumising ka na!”
Nagising ako sa malakas na namang bulyaw sa akin ni Tita Rose. Tiningnan ko ang orasan. Hala!! Kaya naman pala kung makasigaw si Tita eh dahil late na ko ng gising at madami pa kong trabaho T________T patay na naman neto …
Pagkalabas ko pa lang ..
“Ay juskupo Annica! Tambak na ang trabaho mo dito !! ang dami nang kalat at alikabok, dali!dali!dali!” – Tita Rose
“Opo Tita. Sorry po ..” Ano pa nga bang magagawa kundi ang mag-sorry diba? Kaya eto ako ngayon linis dito, linis doon. Wala nang time mag-umagahan kasi panigurado sasabihin na naman nila Tita Rose na makupad ako.
Hayysss… Simula ng mamatay sina Mama at Papa ganito na ang naging buhay ko. Kinupkop nga ako nila Tita Rose pero hindi bilang kamag-anak kundi bilang ALILA ng pamilya nila.
Pero hindi naman sila ganun kasama, may KONTING-KONTING kabaitan pa naman na natira sa kanila at yun ay nung pinag-aral nila ko ng Highschool – sa PUBLIC! Di ba, halos wala nga silang binabayaran dun kasi scholar pa ko kaya libre na ang miscellaneous fees. Pambaon? Well, sakto nang pambili ng skyflakes at juice .
Since graduate na ko ng hayskul, full time na ang pagiging ALILA ko sa kanila. Bakasyon na kasi at hindi ko pa nakakausap si Tita tungkol sa dream college ko ang – JOHN ROBERTS ART SCHOOL. Pangarap ko kasi ang maging isang sikat na singer at composer pero tanging ako lang ang nakakaalam nito, alam ko naman kasing wala namang susuporta saken sa pangarap kong ‘yon.
Habang naglilinis ako, binuksan ko muna yung tv para mapanuod ko yung inaabangan kong musical show ni Ranz Lustre ----- ang ULTIMATE CRUSH ko lang naman sa tanang buhay koooooooo .. >__________< oo na ako na O.A
“Strands in your eyes that color them wonderful stop me from stealing my breath ..” aaaaaahhhhhh !!!!! ayan na pala si Ranz. OMG lang talaga as in OH MY GILAGID lang talaga , nakaka-inlove talaga ang kagwapuhan nya … kiliiiiiiggggg !!!!
Isa pang dahilan kung bakit gusto kong mag-aral sa JRAS ay dahil doon din magaaral si Ranz. Hindi naman masamang mangarap diba ? Malay mo, malay naten sa school na yun kami magka-developan ni Ranz :Dv wag na tonta, libre lang ang mangarap .. :*
“Papatayin ko yang tv na yan Annica pag di ka pa nagtrabaho jan!” holoo !! si Jenny pala. Ang masungit kong pinsan na nagmana kay Tita Rose.
“Sabi ko nga eh, maglilinis na ..”—ako
“Aba! Dapat lang noh! Tse! Sabay walk-out ng bruhang si Jenny. Tss! --______-- kung di lang talaga ko mabait, matagal ko nang binuhusan ng asido yun. Arte !
Hayyyyyy.. Ranz Lustre .. <3
(Ranz Lustre POV)
“and ………. Cut!” utos ni Direk Jojo. Hayy salamat tapos na din ang shooting.
“See you next time Ranz” sabay beso saken ni IU, ang ka-partner ko sa musical show namin. Hindi na ko kumibo, di ko kasi sya feel. Maganda nga pero nuknukan naman ng arte. Buti na lang ako, POGI na , MABAIT pa .. B-)
“Ranz! Pinapatawag ka ng manager mo” – Direk Jojo
“Okay Direk” .. Ano na naman kayang isesermon sakin ni Mr.Sy. Tsimis? Mall shows? Concert? O_______O
Pagpasok ko pa lang sa office niya ay pinaupo na kagad nya ko. Buraot na naman ang ichura. Lagi na lang .. bigla na lang nag-vibrate ang cp ko kaya tiningnan ko kagad kung sino ang nagtext.
BINABASA MO ANG
REAL ME
Teen Fictionthis is a story created for a person who cannot show his/her true and own identity :))))