KILLED 3: THE MAN FROM NOWHERE

54 2 9
                                    

Pawis na pawis ako habang nagddribble ng basketball ball. Humarang sa akin ang isang matangkad na lalaki ngunit mabilis akong lumusot mula sa depensa niya. Hinagis ko ang bola at walang mintis na nashoot. Napahiyaw ang isang kabayo sa gilid na nanonood sa amin.

"Whoooohhh! Luke ang galing mo bes!"

Syempre, isang ngisi ang ginanti ko sa aking loyal fan.

Natapos ang laro namin at syempre nanalo ako. Agad kong tinapik ng pagkalakas-lakas ang aking kalaban. "Ano na? Pameryenda ka na ah!"

"Aray naman Luka! Napaka-amazona mo talaga!" angal niya sabay haplos sa kanyang balikat.

"Maarte ka lang talaga!" wika ko habang pinupulot ng bola.

"Hindi ah. Halikan kaya kita diyan!" He snorted and leaned closer to me.

My brows raised. Nanghahamon talaga ang lokong ito. "As if naman magagawa mo!"

"Oo. Kaya kong gawin!" He said and leaned even closer.

Walang takot kong sinalubong ang kanyang pagtitig at di ako umiwas. "Sige nga PeeMak kung kaya mo!" hamon ko rin.

Mas lumapit din siya sa akin at halos dikit na ang katawan namin. Dikit na rin ang tungki ng parehong matangos naming ilong. He leaned closer but luckily, I am holding the ball with my hand and pushed it to his face. Kaya iyon ang nahalikan niya. Hahahahahaha!

Inis na napapunas ng mukha ang loko sabay agaw ng bola mula sa akin at basta nalang hinagis ng pagkalakas sa kung saan.

May parang kung anong nabasag pero di na namin pinakialaman.

Nanlisik ang kayumanggi niyang mga mata. "Ikaw! Makakatikim ka talaga—"

"Makakatikim ng ano?!"

"You shouldn't be throwing your ball like that. You could hit someone."

Gulat kaming natingin sa lalaking bigla na lang nagsalita. Palakad ito palapit sa amin hawak ang bolang hinagis ni PeeMak habang bahagyang hinahaplos ang gilid ng noo. Seryoso ang mukha nito. The tall man was wearing a black, formal suit and he looked regal. Sa gilid ng kalsada ay nakaparada din ang isang mamahaling sasakyan, iyong car na walang bubong. Napansin ko ding basag ang isang side mirror nito.

Oh boy! Don't tell me—??

Di nakaligtas sa akin ang bahagyang pag-awang ng kanyang mga labi at pagkagulat nang madako ang tingin niya sa akin. It's like he saw a ghost.

"Siya po ang may kasalanan, Ser!" agad na salubong ni PeeMak.

"Huh?! Ako?! Eh ikaw kaya naghagis ng bola!"

"Hinagis ko kasi inaasar mo ako! Kaya ikaw may kasalanan!"

"Hindi ah! Di ba Juanito?!" tanong ko sa aking loyal fan na nakanganga sabay tumutulo ang laway.

Nananatiling seryoso pa rin ang mukha ng lalaki. Para siyang mangangain ng buhay. Tapos kami ni PeeMak, nagsisisihan pa.

"Where are your parents?"

It felt like I swallowed my tongue when his green eyes looked directly at me. Ba't ako lang tinitingnan niya? Dapat pati rin si PeeMak.

"Ahmm, Sir, w...wala po dito." Totoo naman ah. Nasa kulungan si Papa dahil pinaiimbestigahan pa siya. Wala din naman akong Mama kasi matagal na siyang patay. Baby pa lang ako noon kaya hindi ko nasilayan kung ano talagang hitsura niya. Iyong tatay naman nitong si PeeMak ay nasa duty din sa malayo at tulad ko, wala rin siyang nanay.

"I supposed you will have to take responsibility of the damage you did to my car then."

"Po?!!" sabay kaming napabulyaw ni PeeMak. Wala kaming pera! Sa hitsura pa lang nang sasakyan, tiyak milyones ang halaga niyan.

To The Man Who Killed My MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon