Kabanata 1 - Mga Dayo

1.1K 26 13
                                    

"Tara boy, hanggat maaga pa!"

Nagmamadali sabi ko, kasama mga tropa, natutuwang mamangka sa ilog.

Unang araw ng bakasyon, kompleto ang barkada na nag titipon tipon sa bahay ng kaibigan ko, si Joko..

Tambayan namin ang bahay nila, sari-saring klase ng tao meron ang barkada ko may driver, singer, basketbolista, dancer, adik, pulis, tindero ng inihaw, tambay, pulitiko, kapatid ko, boksingero mga bata at matanda man. Masaya ang lugar na yun, ibat ibang pangyayari araw araw.

Pito kami sa tropa ang closed. Isang pulis, sekyu, tambay, may paintor, isang tanod at ako isang driver. Magkakabarkda na kami simula noon bata, marami na ngyari sa tropa namin. Magkalayo layo man ang mga edad namin, iisa lang naman mga utak namin, wala kaming tinatago sa isat isa, walang iwanan sa hirap at saya.

"Pagkatapos natin mamangka, akyat tayo sa bundok, tiyak marami ng ligaw na naman manok don, ilang taon na rin tayo d napapadpad don" sabi ni Jimboy, isang tanod.

"Sige, ayus! dala ko tong airgun ng kapatid ko." sabi ko.

"Teka, magbaon na rin tayo makain at iihawin" dagdag ko..

Picnic lang ang peg.

"Basta isakto alas tres ng hapon dapat nakabalik na tayo sa bahay, may duty pa ako at may laro pa tayo mamayang hapon" sabi ni maymay ang pulis. Siya ang pulis naka distino mismo sa lugar namin.

Pasikat pa lang ang araw ng binaybay na namin ang ilog, dalawang bangka ang dala namin, isa ang bangka na pag mamay ari ng tatay ni Jetjet na siya ang paintor at isang bangka na di alam kung kanino at kung saan nakuha lng namin sa tabi ng ilog!

Tahimik at malinaw ang ilog, mga nagkukulitang mga bata at mga nagtsismisang mga babae habang  naglalaba sa tabi ng ilog ang matatanaw. Masaya ang araw na yun na parang wala ng iniisip, basta mag gala.

"Patay ka sa may ari ng bangka na yan Bert," ani ni Joko sa kay Albert.

"Tanga ka pala e, paano nya malalaman na kinuha ko to, wala namn cctv doon, hindi ko naman kukunin kung may camera don" paliwanag ni Albert

HAHAHA! tawanan

"Hindi yun e, ang problima pag meron makakita sa makasalubong na dala natin yan. singit ni Bambam ang pinakamatahimik sa tropa.

Dalawang oras kami namangka at naliligo sa ilog.

"Tute, mag 10am na, tabi muna tayo, malapit na tayo , hanap na tayo makain para sa.pananghalian natin, bigas lang itong dala natin at kunting ihawin at para masaing na" pakiusap sakin ni Albert.

Tinago at tinali namin ang bangka namin sa tabi ng ilog. Malayo  na rin narating namin sa haba ng ilog. Bihira lang may pumupunta sa lugar na ito, maliban sa malayo at kailangan sadyain, may mga kwento pa tungkol sa pook nato, na may mga dumadayo na hindi na raw nakabalik, at may iilang istorya sa  iilang baliw  na taga sa amin na nangaling daw sa lugar na to.
Hindi na umuubra ang kwento nyan sa aming magbabarkada. Noon pa natuto kaming magsagwa't mamangka at marunong na kami lumangoy, madalas pa noon napapaligaw kami sa lugar na ito.. Para maligo sa talon, mangaso, tumambay, magkamping at minsan kahit iilang mga taga baryo namin nagagala din dito kasama mga kaibigan at pamilya nila.. Pero ewan ko ba, sabi sa istorya, halos taga sa amin ay hindi pa nakita at napuntahan ang lugar na to.. Para sa akin hindi lang nila alam paano puntahan..

Madalas may mga dala na kaming mga gamit, nakahanda na, gumagawa ng siga minsan pag madilim na at para din malaman na may nagkakamping dito.
Pagkatapos namin mailatag mga gamit at maayus na ang bangka namin ay sunod ay gawin na at nasanay na sundin ang kanyang kanya tuka.

ProbinsiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon