Kabanata 2. Bahala na!

113 2 0
                                    


"Alas tres na men!" ano?? Malayo-layo pa to sa bayan, isasauli ko pa ang bangka na kinuha ko, at may laro pa mamaya, baka nga naman na nauna pa sa atin mga yun, d ba? may sariling bangka sila at kulang lang ng gas? Bakansa kabila lang ang bangka nila tinali at sinamahan na lng nila maymay ang mga yun papunta sa atin, at doon na malamang nagpagas. Teka Jok, may nakita ba kayo ni Bambam na dumaan kaninang bangka Jok?" reklamo ni Albert

"

tatlo sila at ang tatlong babae. O baka naman saan pa nagpupunta at nagagala kilala mo naman tarantadong yun tsaka kabisado na nila hangang sa ibang falls dito, baka niyakag pa nila Maymay" sabi ko

"pwede nga yan, tila maharot din sguro mga chiks na yun , naghahanap ng laman din, basta hindi tayo aalis, hangat wala mga yun, sama sama tayo pumunta dito sabay sabay din tayo babalik" siryusong singit ni bambam.

Mauubos na halos ang dalawang kaha ng yusi sa kakahintay, mag aalas 4 na ng hapon isang oras ng paghihintay ng bahagya na kaming nakatulog ng biglang na lang na parang may dumaan sa ilog. At paunahan kami ng bumangon at hinananap sa paligid ng ilog kng anong meron.. Takimik at walang bakas na nagulo ang linaw ng tubig.

"potek men, ano yun? Sure ako meron dumaan talaga! iniingkanto ata tayo dito" sabi ko

"sandali! sandali! bulong ni Bambam

Kanya kanya kami ng palag..

Hindi namin alam kung ano narinig namin, ayaw namin paniwalaan na may iba pang kasama sa lugar na yun. Nakatayo lang kami sa tabi ng ilog nakatingin sa kawalan. Napukaw na lang ang ulirat ng mabiwmtawan ni Joko ang kaha ng sigarilyo sa ilog.. At sabay din nya itong hinabol..

"Bwisit ka Jok, yun na lang natira e mababasa pa!" sabay namin reklamong tatlo..

Sabay sabay kaming apat nag sindi ng yusi ng.. Bumalik sa amin isipan ang mga nakabalot na istorya sa lugar, at sabay sabay kami iisa ang iniisip..
At sa amin walang naniniwala sa multo at engkanto. Wala sa isipan namin na may engkanto o ano man nilalang meron sa mundo maliban sa tao. Ang tanging nasa isip lang namin apat ang pangamba na nag alala naman mga pamilya namin.

Nagkaintindhan kami sa pangin habang hinihithit ang yusi..
Kilala na namin ang isat isa.

"Ok ganito, dalawa ang uuwi dalawa ang maiiwan dito, kaysa maghintay tayo na hindi natin alam, ako at si Joko dito na, kayo ni Bambam ang babalik bert!" pakiusap ko sa kanila.

"Sige babalik agad kami kung ano ang balita, hihingi na rin ako ng tulong sa Barangay.. Mag ingat kayo dito, bibilisan namin at pasensiya na kailangan ko talaga isauli din to ng bangka" sagot ni Albert

Mag alas sais na rin at mabilis sila naglayag pabalik ng bayan. Kampante naman kami kahit paano dahil sa dala naming airgun, baseball bat at isang nahabang patalim na dala ni Joko para sa manok.. Lagi namin baon pag napadpad kami sa lugar na to, ginagamit din namin to sa pangangaso ng ibang hayop sa bundok.

"Makiramdam ka Jok, matagal tagal ang hihintayin natin, basta makauwi tayo, tiwala lang hahaha! kung mga babaeng yun nakapaglipas ng gabi dito na walang ilaw ay hindi ko alam paano nila nakayanan yun maliban lang kng may malaki at may.ilaw bangka nila.. At kanina nagawa pa nila makipagkulitan sa talon na parang taga dito lang, parang hindi man lang nag alala, pero duda na ako noong unang kita ko pa lang, parang iba e.. Hindi ako naniniwala pero parang iba sila e, ramdam ko at kingina naman kasi si maymay naturingan pa naman pulis. Hay! Kunti nalng yusi natin men!" kwento ko kay Joko

"alam mo naman yun pag nakaamoy ng laman yan si Maymay ay parang sobra pa sa aswang yun, malandi talaga" tawa ni Joko

"Alas sais na tute, tara na, natatakot akong magpalipas ng gabi dito. Hindi natin alam kung ano meron dito" Sigurado ako hindi na sila babalik, maliban sa malayo tiyak hindi papayagan ng mga magulang nila" dagdag pa ni Joko

"Madilim na kung mamangka tayo Jok, ni wala tayong dalang ilaw, mas lalong dilikado, alam mo wala na tayong magawa, palipasin na lang natin to, dalawa naman tayo, humanda ka na lang din at tsaka kung nabalita nila Albert sa lugar natin, hindi naman nila tayo hahayaan dito" pagpapatahan ko sa Kanya

Lingid kay Joko, ay talaga naman gusto ko na umuwi, pero mas alanganin kung magbaka sakali kaming maglayag sa ilog pauwi sa sobrang dilim at bilis ng agos ng tubig.

Nasa tabi ng ilog lang kami magpapalipas ng dilim, nasa limampong talampakan ang layo patawid sa kabila ng ilog. Tahimik na ang gabi sa lugar na yun, alas siete na pasado, andon pa rin kaming dalawa sa paanan ng bundok sa tabi ng ilog. Maliwanag ang gabi na yon, kitang kita mo pa ang pagsayaw ng l liwanag ng buwan gitna ng ilog. Masaya sana ang gabi dito kung kompleto kaming tropa!

Naglalaro si Joko sa cp nya at ako namn nakatitig lng sa apoy na ginawa namin at naghihintay na abutin ng antok

"Alam mo hindi ako takot sa multo at engkanto, ahas, buwaya, o ano man hayop sa gubat, nakakatakot kung meron mga namumugad na mga rebelde dito, tigok! Lalabas tayo sa youtube na pinuputulan tayo ng ulo" biro ko kay joko.

Mag alas otso na ng parang komportabli na kami kampante naman maliban sa lamok na nag aaligid sa amin.
Malaki ang siga na ginawa namin, makatulog man kami ay sigurado akong hindi agad agad itong mamatay atles kahit paano makikita at makkita ito.

Halos pumikit na ang mata ko noon ng parang may natatanaw ako sa tawid ng ilog, hindi ko alam kung panaginip to o gising lang ang diwa ko habang nakapakit ako

Mayat maya..

"te... teee.. teeeeeh..." Pabulong tawag ni Joko

"May tao sa kabila ng ilog, tingnan mo, gising ka hoy!" bulong nya.

ProbinsiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon