Kabanata 3

31 1 1
                                    

KAIBIGAN

Kung gaano kalakas ang ulan na parang isang unos ang kahapon, ay siyang linaw ng isang buwan sa kalangitan na nanalamin sa tahimik na ilog ngayon gabi.

Sa liwanag ng buwan at kalmadong daloy na tubig ay napansin ko tila balisa si Joko ng maanigan ng aking mga mata sa pagkabalik ng aking diwa ng tinatawag nya ako sa mahinang boses..

Sumilip ang aking mata sa kanya mula sa pagkaidlip at napansin kng parang tulala ito sa nakita..

"Ano ba yun Jok" reklamo ko sa kanya . Habang ng akmang akong bumangon ng bigla nyang hinarang ang kanyang kanang kamay sa aking dibdib.. Parang ibig sabihin ay wag akong gumalaw.

Dahan dahan ko hinaplos ang aking mukha galing sa pagkakaidlip ng nabaling ang akin tingin kung saan nakaturo ang bumibilog nitong mga mata..

Nalilito't nakakunot ang aking nuo habang dinidilat na sinusuri kung anong meron..

At mabilis nyang binulong..

"Sa may ilog.."

Biglang tumigil ang aking paghinga ng makita ko ang tinutukoy ni Joko.

Ilang sandali   nanigas sa nakita kung saan nakamata sa kung anong klaseng nilalang sa tapat namin..

Dalawang tao..? isang nakayapak na babae matuwid na nakatayo, nakawagwag ang magulo nitong buhok na nakatakip sa kalahati niyang mukha, may malaking mantsa sa suot nitong laylay na puting blusa at ang isa pa nitong kasama na parang may problima at pinipilit ang katawan na makabangon sa pagkagapang nito sa lupa.

Diretso ang ulo ng babae sa direksyon kung saan nakatungo ang tingin sa papanaw na siga ng apoy sa harap namin..

Parang naghihintay lang ito..
Habang ang kasama nito ay kasulukuyang pumipiglas sa hirap na pagkakabangon..

"Jok.. aswang na yan.. " bulong ko habang dahan dahan inaabot ang itak na tabi ko.

"Anong gagawin natin" takot na balik  sa akin ng kasama ko.

"Hindi ko alam, tao man yan o ano man yan jok, alam natin na iba ang pakay nila sa atin.." sagot ko kay Joko habang hindi nawawala ang aking tingin sa dalawang nilalang sa tawid ng ilog..

Natatakot man sa oras na yun ay alam naman namin na wala na kaming pweding gawin kundi depensahan ang aming sarili sa kapahamakan.

Gaya nga ng sinabi ko, salinlahi na hindi kami naniniwala sa multo o aswang o sa kahit anong klaseng nilalang. Sa oras na yun isa lang ang alam namin, nasa peligro kaming magkaibigan..

At sa parehong oras na yun, hindi kami nakakasiguro kung ano ang pweding mangyari..
Naging tila istatwa kaming nakahigang dalawa sa pagkahintakutan kasabay ng paliit ang apoy ng siga namin, na itong nagbibigay ng liwanag at buhay sa gabing iyun..

"teeh.. te.." bulong ni Joko sabay urong namin dalawa..

"Si Maymay ba yan?" tukoy nito sa kasama ng babaeng nakikibaka sa pagtayo.

Sa pagsangguni sa suot nitong damit na tila ba parehong pareho sa suot ng kasama namin..

"Potek! si Maymay nga Jok.. Paano't ano ito.." Pagtataka ko habang nagagaliiti sa nasaksihan..

ProbinsiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon