Base ito sa sarili kong mga karanasan na nakakatakot . Hindi ko alam kong malikot lang ang pag-iisip ko o ano man . Pero ang sigurado ako , hinding hindi ko ito makakalimutan .
Isang Gabi , nasa kwarto ako ng kaibigan ko . Na ang katabing bahay nito ay amo ng mama ko . Kumbaga yung kwarto ng kaibigan ko is Extension lang ng bahay ng amo ni mama which is kusina . But may kwarto at CR siya . Mag-isa lang ako that time kasi may pinuntahan yung kaibigan ko . BTW yung kaibigan ko is anak ng amo ni mama , na nakakakita umano ng mga Ligaw na Kaluluwa . Palagi akong sinasabihan ng kaibigan ko na mag ingat daw ako sa kwarto niya dahil may nakikita daw talaga siya . Pero binabalewala ko lang kasi di naman ako naniniwala that time . Sanay naman din ako sa kwarto niya kasi palagi akong natutulog dun . At nagsimula ang mga hinding-hindi ko makakalimutan na mga karanasan . Naga Charge ako habang malakas ang music na nasa kwarto , pinuntahan pa ako ng mama ko sa kwarto at sinabihan ako na iwanang naka open lang ang pintuan ng kwarto . Pero sabi ko sakanya wag na , di naman ako natatakot dito . At sabi ng mama ko , ikaw ang bahala .
Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan , iniwanan ko muna ang CP ko sa kwarto kasi naga charge ako . Nagtagal ako sa cr kasi naninigarilyo ako , may narinig akong boses sa labas ng cr . Kahit na malakas ang music at pati yung gripo is bukas narinig ko parin na may boses. Di ko nalang pinansin .
Natapos din ako sa paninigarilyo at sa "YOU KNOW WHAT I MEAN" XD
Dahan dahan akong pumunta ng kwarto . . . . . Pagbukas ko ng pintuan Nagulat ako ! Paano kasi naka unplugged na ang CP ko sa charger nito . At ang pinagtataka ko paano ito maa'unplug na wala namang ibang tao sa kwarto , at kung may tao man na magbukas ng pintuan ng kwarto , eh maririnig naman kahit na maingay .
Di ko nalang ito pinansin , kasi medjo natatakot na din ako . Kasi ilang days nalang undas na that time .
Hanggang ngayon nagtataka parin ako , multo ba ang may gawa nito o sadyang natanggal lang ito ??
BINABASA MO ANG
Horror stories .
HorrorBase ito sa mga sarili kong karanasan na nakakatakot . Sana magustuhan niyo .