(A/N)
Continuation ito ng Charger na story ko .
Di ko nalang pinansin yung nangyari kanina , kasi ayun nga medjo takot na ako that time . Well matatakutin naman talaga ako . Nilalabanan ko lang talaga ang takot . Im a type of person kasi na , pati siguro FAMAS ay gagawaran ako sa pagiging super at grabeng gumawa ng imagination ko . Na pwede nang gawing movie . Hahaha .
At ito na nga , pinalakasan ko nalang yung volume ng music . At sarado parin yung door ng kwarto .
Habang tumatagal , inaantok na ako sa kahihintay ng kaibigan ko . Pinuntahan niya kasi ang iba naming kaibigan .
Ng may marinig akong boses sa labas , una di ko pinansin yung boses kasi akala ko yung amo lang ni mama na sumisigaw o may tinatawag .
Pero pamilyar talaga yung boses . At saktong may tinatawag din ito .
Habang papalakas ng papalakas ang boses , ay nakaklaro ko yung tinatawag niya . Malaki ang boses ng naririnig ko lalaki at tinatawag ang pangalan ng mama ko .
Ini-off ko yung music at biglang nawala ang boses .
Tinawag ko ang mama ko sa labas ng bahay at yung amo niya yung nakarinig , nagtanong siya bakit daw ?
Sabi ko naman , la tinawag mo si mama ? O may tumawag ba kay mama dito sa labas ?
Sabi niya wala man daw , nandun lang sa loob ng bahay si mama .
Naiiyak na ako ma sinasabi ko sa amo ni mama ang nangyari , at biglang lumabas si mama . At nagtataka siya kung bakit daq aki umiiyak . Sabi ko ma may tumatawag ng pangalan mo , lalaki . Eh sabi ni lola wala man daw nagatawag sayo .
Umiiyak na ako na nagpapaliwanag .
Hanggang ngayon , natatakot parin ako sa nangyari sa akin . Pero ngayon medyo nakakarecover na ako sa mga nangyari . 2 Years Ago na ito nangyari .

BINABASA MO ANG
Horror stories .
HorrorBase ito sa mga sarili kong karanasan na nakakatakot . Sana magustuhan niyo .