Chapter 5: My best friend slash sister

11 0 0
                                    

Dalawang tao. Nakaupo sa Manila bay. Lovers. Nagiintay ng paglubog ng araw.

Ang sweet!

Girl: ang sweet naman nila! Nakakinggit.

Boy: Alam mo hindi mo kailangan mainggit sa kanila.

G: bakit may sinabi ba akong naiinggit ako?

B: honey you said it a while ago.. (sabay hawak sa waist ko)

G: okay fine .. It’s just it’s nice to see people who are deeply inlove with each other.

B: baby you don’t need to look around just to see a couple who’s madly inlove. Just look upon me. It is already us.

Humarap ako sa kanya.

G: baby why so sweet?

B: because I am deeply, madly and super in love with the girl in front of me.

G: I love you too baby.Don’t leave me okay?

B: I will not.

And he gave me a hug that lasted for a minute.

Sobrang sarap sa pakiramdam ng taong may nagmamahal sayo. Thank you Lord at binigy mo siya sakin.

G: wait baby. Hindi na ako makahinga sa yakap mo.. wait.. taympers muna!

Ahhhhhh!! Uhhhhhh .. uhhhuuuhhhhhh ..

“Andy! Oy bata ka gumising ka!”

“ahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

“oy anong ngyari sayo? Nananaginip ka nanaman! Yan ang mapapala sa kapapanuod niyo ng horror ng mga kapatid mo e.”

“Hindi ako nananaginip ng masama. Actually ang ganda nga ng panaginip ko e.”

“eh anong sinisigaw-sigaw mo dyan?”

“wala lang. acting lang J”

“ay nako ewan ko sayong bata ka! Pinakaba mo ako!”

“Joke lang mommy!”

At binigyan ko siya ng SUPER MEGA HUG!

“bumaba ka na dun at mag-almusal. Puntahan mo si Bianca sa bahay nila.”

“bakit anong meron?”

“pupunta siyang Canada. Di niya ba nabanggit sayo?”

“Hindi eh! Teka ma! Puntahan ko nga muna yung babaitang yun!”

Nakakaasar naman!

Pupunta ng Canada? Bakit? Hindi man lang siya nagsabi?

Nakakatampo naman!

Ano basta-basta niya na lang ako iiwan dito?

Naiiyak na ako. Pero ayokong umiyak. Aba! Matapang ata to!

“Goodmorning tita! Si Aya po?”

“ah nasa taas siya. Puntahan mo na lang.”

“salamat po!”

“AYAAAAAAA!!!!” umakyat ako sa 2nd floor ng bahay nila Bianca

“nasa kwarto!”

Di na ako kumatok pa at binuksan na ang pinto. GANYAN KAMI KA-CLOSE!

“uyy! Ano yung nababalitaan kong pupunta ka daw sa Canada?”

“ay yun ba? Oo totoo nga”

“bakit di mo man lang sinabi sakin?”

“Saglit lang naman eh.”

“kahit na! Best friend mo ko kaya may karapatan ako!”

“ohhh .. shhhh wag na magtampo.”

Hinug ako ni Bianca. Ahhhhh!

Ayoko na ginagawa niya sa akin to eh! Nawawala lahat ng inis ko.

“eh kasi naman e, wala ka bang balak magpaalam sa akin? Kung hindi pa sinabi ni mama, hindi ko malalaman.”

“may balak naman ako eh, kaya nga kita pinapunta ngayon dito.”

“tsk. Too late na! nalaman ko pa sa iba! Teka nga kalian nga ba flight mo?”

“mamaya.”

“wow! Ayos ka din noh?”

“bakit? Anong problema dun?”

“okay. As in minutes ago nalaman ko na aalis ka na tapos ngayon few hours soon aalis ka na? mababaliw ako sayo best.”

--*okay patalastas. Baka sabihin niyo grammatically wrong ako sa paggamit ko ng word na soon imbis na later. Ayon sa prof namin sa English na MA at currently taking law sa DeLaSalleU. Ang word na soon ay ginagamit pag minutes, hours or days ang susunod action. Nakakagulat noh? Misconception daw talaga yan not only ng ma Pilipino kundi ng mga Asians. Kaya nga daw sa mga movie makikita natin 10yrs later.. 5 yrs later .. kasi ang later ginagamit sa malalaking interval ng panahon like years. May nakita ba kayong 5 yrs soon? Wala naman diba? Kaya dapat instead na see you later, see you soon dapat. Kasi pag later nako baka next yr pa kayo magkita? Haha gets niyo ba? Okay trivia lang J --*

“wala kang dapat ikabaliw kasi babalik naman ako! Ano ka ba! 5 months lang ako dun. Pag natapos ko yung modeling contract ko sa Canada, babalik agad ako.”

“sus! Pamodel model pa kasi! Mayaman nanaman kayo!”

“best you know naman diba? Hindi naman pera ang pinaguusapan dito e. It’s my passion.”

“okay. Okay. Ano pa bang laban ko sayo? Basta uwian mo ako ng Rasinets ha!”

“oo naman! Ikaw best ha? Ingatan mo yang sarili mo. At higit sa lahat ayusin mo yang sarili mo okay? Ang ganda-ganda mo pero hindi ka naman nagaayos. Sayang ang beauty mo te!”

“ewwww! Kadiri ka! Bawiin mo yang sinabi mo! Yaaaaakkk! Alam mo naman na ayaw ko ng sinasabihang M*g*n*d* eh! Don’t say bad words!”

“ayoko nga! Totoo naman e. You’re beautiful kaso ang boyish mo kumilos! Umamin ka nga! Tomboy ka noh? At matagal ka ng nag tatake advantage sa kagandahan ko!”

“yuck! Kadiri ka! Ewwww! Never!”

Ayun nag simula na kaming magharutan ni Aya. Pagbigyan na. Last na to e. Mamaya aalis na siya. (grabe parang hindi babalik?)

1st time naming magkakahiwalay ng mokong na to.

Kababata ko kasi siya.

Mahal na mahal ko yan. Kasi nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Parehong-pareho kami. Akala nga ng mga tao dati is kambal kami. Paano ba naman halos pareho lagi ang outfit namin, pati kulay, pati toys. Iisa ang taste namin except fashion. Mahilig siya ma-ayos at ako hindi. Ang role ko sa buhay niya kapag napagti-tripan niyang mag-ayos ay nag-aala Barbie doll niya ako. Ako lang naman ang praktisan niya sa pagmamake-up at pag aayos ng buhok. Geez. Kadiri pero dun siya Masaya kaya ako naman tong si support. Syempre love ko bestfriend ko kaya kung ano love niya ay love ko na din.

Ayan isa na siyang sikat na model. Hindi na siya muna nag-aaral. Ang dami kasi offers e. tsk kahit di naman siya magaral mabubuhay siya.

Ayoko na ngang isipin siya ..

Mamimiss ko si Aya.

Haysssss ..

Ang lungkot naman ng semester na to..

Wala ang best friend ko ..

ko pati na rin ang itinuturing kong kapatid na babae.

Lahat kasi ng kapatid ko lalaki. HELLO kaya nga ako ganito e.

Wala akong mapagsasabihan ng kwento..

Bulletproof HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon