10

4 0 0
                                    

Pagkatapos niyang sabihin 'yun, umalis kaagad ako ng office, tinawag si Andz para kitain ako sa condo, at umuwi. Nakalimutan ko na lahat ng mga trabaho ko. Pero hindi ko na masyadong inaalala 'yun kasi nandun naman siya.

Naghahanda ako ng mga snacks at inumin nang nakapasok si Andz sa condo.

"Bakit, Niks? Anong nangyari?"

So, kinwento ko na nga lahat sa kanya habang siya ay kumakain lang. 

"Ano nga pala nangyari sa inyo kagabi?" Tanong ko kay Andz habang umaabot ng pagkain.

"Hindi ko nga rin matandaan eh. Nagising na lang ako kasi may nangigising sa'kin. Si Jason ata 'yung nanggising kasi tanda ko pa na magkasabay kami sa taxi papuntang hotel. Paggising ko, nasa tamang room naman ako tapos nagirirng phone ko. Tapos, ayun nandito na'ko."

Nakakapagtaka naman ang mga nangyari. Bigla akong nahilo, may sigawan sa bar kagabi, nagising ako sa hotel room ni Kupal, at 'yung mga pinagsasabi niya pa kanina.

"Ay nga pala. Bago ko makalimutan. Bakit nga pala may sigawan kagabi? May dumating bang artista?"

Biglang nag-iwas tingin si Andz sa'kin. Tinatago niya ang muhka niya para hindi ko makita. Inalis ko ang hawak niyang baso at ihinarap sa'kin.

"Andz, tell me. What happened?"

"Nakita ko kasi si Jason ka-text 'yung boss mo kagabi. Tapos bigla na lang siya nagpakita kagabi. Tamang timing nga eh kasi parang pilit kang dalhin nung lalaki kagabi. Eh, hindi na kita matulungan kagabi kasi hilo na rin ako nu'n."

Binitawan ko siya at napasandal sa sofa kung saan kami nakapwesto. Si Kupal? Niligtas ako mula dun sa lalaki kagabi? Bakit? Atsaka, siya ba 'yung narinig ko kagabi na may sinabi sa tenga ko?

Pumasok ako sa opisina ng mas maaga ng usual time in ko. Habang nasa elevator, nilabas ko ang Samsung Note 10 ng office para i-check ang mga emails at calendar ko. Nadukdok lang ako sa cellphone hanggang makarating sa office. Pero laking gulat ko nang makita si Kupal sa loob ng office ko na tulog sa sofabed.

Naglakad ako nang tahimik papunta sa lamesa ko para ibaba ang mga gamit. Inilabas ko din ang kumot ko mula sa cabinet at dahan-dahang ipinatong ito kay Kupal. Tinignang ko ang muhka niya. Ang matangos niyang ilong, makapal na kilay at pilik-mata, at ang malaki ngunit manipis na labi niya. Nahilik pa ang loko. Hininaan ko ang aircon at nilagay ito sa swing para hindi siya tuluyang lamigin. Kawawa naman at parang bola na ang hitsura.

Teka lang. Kawawa? Si Kupal? Nagising ako sa mga pinagsasabi ko at bumalik na lang sa lamesa para magsimula na magtrabaho. Alas dyes na ng umaga nang makaramdam ako ng gutom. Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan ng office.

"Hi, Niks! May dala akong coffee and muffins!" Deklara ni Jason pagkapasok niya ng office.

Nagising si Kupal at tumayo kaagad mula pagkakahiga. Nagkatinginan ang dalawang lalaki na parehong nagtataka kung bakit siya ay nandito sa office ko. Muhkang magkakaroon pa ng staring contest dito. Tumikhim ako para ang makuha ang atensyon nila.

"Good morning, Jason. Nung isang gabi ka pa MIA ah. Buti naman dinalaw mo ako dito sa office." Pumunta ako sa isang upuan malapit sa coffee table at umupo.

"Ah, oo. Actually, Andz told me about everything. I went here to apologize and to invite you din for lunch." Inilapag niya ang kaniyang mga dala sa coffee table at umupo sa sofabed na hindi pa nililigpit.

Umupo na rin si Kupal sa sofabed at kumuha ng isang muffin at isang coffee cup.

"Hey! Dude, hindi 'yan para sa'yo! Para sa'min 'yan ni Niks!" Pilit na kinukuha ni Jason ang coffee cup mula kay Kupal.

Tumalikod si Kupal kay Jason para hindi nito makuha ang kape at sabay uminom na rin. Hindi na lang niya pinapansin si Jason at patuloy na uminom at kumain. Si Jason naman parang bata na inagawan ng candy. Ang cute lang nila tignan kasi muhka silang magkapatid.

Kumain at nagkwentuhan muna kami ni Jason habang si Kupal ay katabi pa rin ni Jason at gumagamit lang ng kaniyang cellphone. Hindi nagtagal pumasok si Rose sa loob ng office para ma-inform ako na ang candidate para sa position ko ay ready na for interview sa isang boardroom. Biglang tumayo si Kupal at pareho namin siya tinignang ng may pagtataka ni Jason. 

"Stay here, Nicole. I'll take the interview." Sabay labas ng office.

Nagkatinginan kami ni jason. "Ano kaya nangyari d'un?"

Huminga ako ng malalim bago ikwento sa kanya lahat nangyari kahapon. Siguro may kalahating oras din ang tinagal ng pagkekwento ko. Napatulala si Jason pagkatapos ko magkwento.

"Grabe. I didn't know that Lieg would have a side like that. Usually palagi lang siyang stoic and unemotional."

Biglang may malakas na iyak kaming narinig sa labas. Nakita namin ang isang babae na umiiyak habang inaalo ni Rose papuntang elevator. Nagbukas ang pinto ng boardroom at iniluwa nito ang isang galit na Kupal. Hindi siya nakakunot pero kitang kita sa mga mata niya ang galit. Buti na lang pala na halos glass ang office ko kaya nakakapanood kami ni Jason ng tantrums ni Kupal. hahaha

Napailing si Jason. "Oh, Lieg. You're still the same after all these years."

Napatingin ako kay Jason na may pagtataka. "Bakit? Eh, 'di ba, bago ako umalis ng main branch ganyan na din siya? May nangyari ba nung umalis ako?"

"I don't know if I can share this with you, pero sabihin ko pa rin. When you left, at first, everything was okay. Then, one day I got a call from him, he was saying that he missed her. I thought at first it was Jane pero when he said na "when she left the office" I got confused. I didn't know the 'she' he was talking about."

"Eh, Jason, sino ba yung she?"

Bigla akong tinitigan ni Jason ng mariin. "Bakit? Meron ba sa muhka ko?"

"Hindi, Nicole. Tinitignan ko kasi yung sagot sa tanong mo."

"Ako?" Napasigaw ako ng wala sa oras.

Tuliro lang ako buong magdamag pagkatapos ikwento sa'kin ni Jason. Bakit ako? Atsaka sino si Jane? Anong meron kay Kupal? Itong mga tanong na ito ay umiikot sa utak ko hanggang hindi ko na napansin na gumabi na at kaming dalawa na lang ni Kupal ang natitira sa floor. Umiiwas ako sa kanya pero sa huli, kaming dalawa pa pala ang maiiwan dito sa office.

Natauhan lang ako saglit nang maglagay si Kupal ng isang tupperware na may pagkain sa table ko. Nakita kong tapsilog ito - ang favourite food ko! Napatingin ako sa kanya at pinanood siyang umupo at naglabas din ng isang tupperware na may tapsilog din.

"Thanks. Pano mo nalaman?" Tanong ko habang inanggat ng kaunti ang tupperware ko.

"I asked Rose. Also, I've already found a replacement for you here. Next week kailangan mo ba bumalik ng Manila." Sagot niya sa'kin na hindi man lang ako tinitignan.

Kaya ba ang bilis niyang makahanap ng replacement ko kasi gusto niya na ako sa main branch ulit? Hala, kung anu-ano naiisip ko. Nakakabagabag naman kasi yung kwento ni Jason sa'kin kanina.  

Growing Back To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon