CAMPUS ROYALTIES •-• <1> •-•

168 1 0
                                    

•-• CHRISTINE •-•

"Oh my god. Ang ganda talaga ni Christine"

"Totoo, mayaman rin ang pamilya nila"

"Matalino pa yan. I've heard na valedictorian siya ng batch nila"

Kakainis naman itong mga 'to, first day palang ng classes wala nang ginawa 'tong mga 'to kundi chismis. Biglang dumating si Jewel

"Oh, Tin-tin nakasimangot ka na agad diyan, Hindi pa nga start ang Trigonometry class ni Professor Xavier ah"

"Kakainis kasi chismis na naman ang inaatupag ng mga 'to" Sabay turo doon sa mga nagbubulungan. Tapos dumating ang kambal na kapatid ni Jewel, si Jaira.

"Eh, wala ka ng magagawa doon Tin, as long as Campus Princess ka ng TOPline University, hindi ka nila tatantanan"

"Tama ka diyan kambal" sabay high five pa

"Grabe kayong dalawa ha. Best friends ko ba kayo o ano? Pinagtutulungan niyo ako eh." Nakakairita naman 'tong mga 'to

"Oo na. Sorry na girl, masyadong masaya lang siguro"

Pumunta na kami sa classroom namin, sakto pagkaupo ko dumating na ang prof namin sa Trigonometry. Okay I admit, valedictorian nga ako ng batch namin, pero really I'll be honest with you, I. HATE. TRIGONOMETRY. Hindi ko kasi type ang subject. Okay so hindi niyo pa ako kilala, I'll introduce myself...

My name is Christine Natalie Alonzo, the only daughter of Christina and Nathan Alonzo, and I mean only daughter, ibig sabihin ako lang ang babae sa family. I have three brothers, Kuya Christian Noah Alonzo, Kuya Christopher Nathan Alonzo at Kuya Chris Nathaniell Alonzo; mas nauna sa'kin, ako ang bunso ng pamilya at mukhang hindi na ako dadagdagan. Yeah, totoo ang mga sinasabi nila, na kesyo mayaman kami o kaya valedictorian ako. Lahat naman kaming magkakapatid sa TOPline University grumaduate ng valedictorian, kahit parents ko grumaduate sa Ateneo at LaSalle ay magna cum laude ang honor. Maybe it runs in the blood. High school student ako, 3rd year na ako at nasa top section.

Natapos na ang Trigonometry class namin kay Professor Xavier. Promise hindi ako nagiging bad influence, pero ako na nagsasabi kapag hindi 'cool' ang prof niyo sa Trigonometry, ang boring ng class niyo.

Natapos na ang mga classes namin sa umaga which was; Trigonometry, Science, English, Filipino and Environmental Science. Mamaya naman ang afternoon classes namin; Earth Science, Journalism, MAPEH, and Math.

Pumunta na ako sa baba para intayin sina Jewel at Jaira. kung tatanungin niyo ako kung bakit silang kambal lang ang friends ko dito, well that's where you are wrong. Sila ang best friends ko dito sa school, marami akong friends pero hindi ko sila close, yun iba friends by name or friends by face. ibig sabihin kilala mo lang sa mukha o matatandaan mo lang ang pangalan kapag kasama mo siya, pero iba ang case ko, dahil nga isa ako doon sa Campus Princesses and Princes o mas kilala bilang Campus Royalties, maraming FC sa'kin or in other words Feeling Close like they're saying Ate to you para lang maging kaibigan mo sila at maging kilala sa school as a friend of a Campus Royalty. Social Climber lang ang peg. Pero iba ang case kasi namin nina Jewel at Jaira, kasi pareho lang kaming tatlong Campus Royalties. di bale 5 ang Campus Princesses at 5 Campus Princes. Ang pagkakatanda ko ng list is...

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

CAMPUS ROYALTIES

1. Christine Natalie Alonzo

2. Jessica Mae Tuppil

3. Jewel Anne Garcia

4. Mary Anne Gamat

5. Jaira Ann Garcia

1. Dancel Nico Miranda

2. Chris Nataniell Alonzo

3. Christian Noah Alonzo

4. Christopher Nathan Alonzo

5. Lyron Louie Fernandez

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Oo alam ko, kaming magkakapatid Campus Royalties at graduate na sina kuya. Ewan ko bakit hindi pa sila naghahalal ng bagong Campus Royalties. At nag-ibang bansa na si Jessica 2nd year palang kami at isa rin siya sa best friends ko at grumaduate na si Ate Mary, magkabatch lang sila ni Kuya Chris. di bale tatlong Campus Princesses at dalawang Campus Princes na lang ang natitira sa TOPline University. Hindi ko kilala si Dancel Miranda at si Lyron Fernandez, pero sa pagkakaalam ko is magkatropa sila at parehong playboy ng university.

Nakita ko na sina Jewel at Jaira na nagiintay sa baba ng stairs. Pumunta na ako sa kanila at pumunta na rin kami sa canteen ng school, at ako na ang nagsasabi ang ENGRANDE. May mga different foods dito, may section para sa mga Italian foods, meron rin sa American o kaya sa Korean or Chinese o Japanese, anuman ang magustuhan mo

Pumila na ako sa Korean, gusto ko ng tteobokki at bulgogi. Naka order na ako at naibigay na rin sa'kin ang pagkain ko at papunta na ako sa table namin at pumwesto na ako sa upuan ko ganoon din sina Jewel at Jaira pero sa kabilang side sila, alam kasi nila na ayoko na may katabi ako.

Bigla na lang naghiyawan ang mga kababaihan sa canteen. May binulong si Jaira kay Jewel

"Nandyan na ang Campus Princes"

===============================

Uy guys, peace tayo ha hindi ako naka pag update ng mahabang panahon. Hindi ko kasi nahawakan yun tablet ko eh. Di bale

This chapter is dedicated my first people who voted my story kahit wala pang cover and doon sa mga unang taong who started following me.

NEXT UPDATE... Ewan ko, kung kelan ko makukuha ulit ang tablet :)

CAMPUS ROYALITIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon