Tssk... Sayang! (Her Side)

56 3 1
                                    

"Be, punta ka dito sa SM, gala tayo :)" - sabi sa text ni Raine, bestfriend ko.

Sabagay, summer naman ngayon, wala akong ginagawa, pumayag na ko.

"Sige, hintayin nyo ko sa entrance ng timezone." - reply ko.

Pagkasend ko sa kanya nun, nagayos na ko, nakaligo na naman ako kanina eh. Nagpaalam muna ako kay mommy tapos pinahatid nya ako sa driver namin.

Anyway, by the way, highway, Ako nga po pala si Zoe Alba, 18. Yun lang. Yung kaninang nagyaya mag-SM, bestfriend ko yun. Sya si Lorraine Gomez, Raine for short. Kapag nagyaya yun mag-Sm, madalas sa timezone kami pumunta kasma yung iba pa naming friends, sina Iris Mendoza, Sheyna Perez at Ivy Firman.

Nang makarating kami sa SM, bumaba ako at sinarado ang pinto ng kotse. Nakalimutan ko nga pala,

"Manong wag nyo na po akong hintayin mamaya, papahatid nalang po ako kay Raine" -tapos umalis na sya. Derederetso akong naglakad papunta sa timezone.

And as expected, nandun silang apat sa tapat mismo ng entrance ng timezone. NAKAHARANG SA DAAN. Nako, sabi na ko na eh, maabutan ko silang nakaganyan.

"Huy! Bakit kayo nakaharang sa daan?" -ako

"Bakit? Sa kanila ba tong daan?" -si Raine

"We're magaganda naman eh, kaya okay lang yan." - si Sheyna

Si Iris, ayun, naghahanap ng pogi.
Tapos si Ivy, nagcecellphone, for sure nagbabasa na naman sa wattpad yan.

"Tara na sa loob, magpapalit na tayo ng tokens..." -Ako

Nagpapalit kami ng token, 100 pesos each. So 20 tokens  yung napunta sa kin.

Nagpunta kami sa "Just Dance", kaso naalala ko, nakaskirt nga pala ako kaya sila nalang yung sumayaw, taga cheer nalang nalang ako. Sayang naman, gusto kong sumayaw eh.

"Uy infairness ang gagaling nyo kanina ah." -ako

"Of course! Kami pa? Were so magaling kaya. Plus we're pretty pa." -Sheyna

"Oo namaganda ka na, alam na namin yun. Di mo na kailangan iaanounce sa buong mundo yang kagandahan mo." -Raine

"I know naman na alam nyo na yun, but hindi pa alam ng buong mundo, thats why I should announce it" -Sheyna

Nagtatawanan lang kami at nagbabarahan sa gilid ng Just Dance.

"Tara, dun tayo sa may "Air hockey" - Iris

"Oo nga tara na dun, nakakahiya na si Zoe eh, tawa ng tawa. Di na natin kilala yan ah?" -Ivy

"Hahaha! Oo nga di natin kilala yan ah?" -si Raine

"Naman eh! Tumatawa rin naman kayo kanina eh!" - ako

"Who are you ba? Dont make usap to us nga. Shoo!" -Sheyna

"Ang daya nyo!" - ako

"Joke lang yun! Hahaha! Labyu bestfriend! Hahaha!" -Raine

"Hahahahaha!" -kami

Habang naglalakad kami papunta sa kabilang side, parang may napansin akong gwapong nilalang.

Wait, is that Joshua Rodriguez? Ang varsity player ng school namin na classmate ko at ultimate crush ko rin? 😍😍😍

"Girls, nakita nyo ba si Mr. Chinito doon malapit sa Just dance, naglalaro ng Tekken 6?" Sabi ko habang naglalakad kami.

"Sorry be, di ko napansin eh."-Raine

"Ako rin di ko nakita... pero may nakita akong pogi dun sa pupuntahan natin. :>" - Iris

" Ikaw Ivy, nakita mo ba si Mr. Chinito?"

"Ha?"- Ivy, namukhang walang kaalam alam sa sinasabi ko.

"Wala, wala, ikamusta mo nalang ako kay Cross Sandford dyan sa wattpad." -ako

"Ikaw She, nakita mo ba si Mr. Chinito?" -Ako

"Nope, why? Ikakaganda ko ba pag nakita ko sya?"- Sheyna

"Sabi ko nga hindi mo sya nakita eh."

Nung makarating kami dun sa may "Air hockey" tinanong muna ni Raine kung sino yung unang dalawang maglalaro, kahit gusto kong maglaro, naisip ko na wag nalang muna. Hahanapin ko si Mr. Chinito at ipapakita ko sa kanila na nakita ko sya at hindi ako namamalik mata. Iniscan ko yung buong timezone hanggang sa abot ng sight ko kaso di ko sya makita. Naalala ko na sa Tekken 6 ko nga pala sya nakita, syempre, concentrated yun sa nilalaro nya no...

*mentally face palms*

"Hey I just met you and this is crazy, but here's my number, so call me maybe"-oh wait, nagriring yung phone ko. Ay! Si mommy pala, bakit kaya sya tumatawag?

Sinagot ko yung cellphone ko tapos nagsign ako sa mga friends ko na sasagutin ko lang yung tumatawag. Lumayo ako konti para marinig ko ng maayos.

"Hello mommy?"

"Ah, Zoe, pwede bang umuwi ka muna?

"Ha? Bakit po?"

"Kasi nilalagnat si Zerich eh, aalis ako ngayon, merong biglaang meeting sa company, tapos yung yaya nya day off ngayon, pwede bang paki bantayan muna sya? "

"Ay ganun po ba? Sige po mommy, uuwi na po ako, mapapahatid nalang po ako kay Raine."

"Wag ka na magpahatid kay Raine, nakakahiya naman dun sa bata. Ipapasundo nalang kita dyan kay Manong, hintayin mo sya ah? Bye... love you"

"Bye po mommy, love you din po... ingat."- tapos inend call ko na.

"Mga be, may lagnat si Zerich, tapos aalis si mommy, day off din yung yaya nya. Walang magbabantay sa kanya, una na ko ah?"

At bago ko pa makalimutan,

"Eto nga  pala yung mga tokens ko, gamitin nyo na, sayang eh."

"Hatid na kita?" -Raine

"Wag na be, pinasundo na ko ni mommy kay manong eh.

"Oh sige, bbye nalang, ingat ah?" -Raine

"Bye be" -Ivy

"Byeeeee"- Iris

"Ge bye"- Sheyna

Tapos umalis na ko. While on the way, naisip ko, sana nilapitan ko nalang si Mr.Chinito kanina, chance ko na rin yun eh, sakto, nasa timezone pa kami, edi instant bonding dapat yun diba?

Sa dami ng mga suitors ko wala akong sinagot ni isa, gusto ko kasi na sya yung first boyfriend ko eh. Kaya eto ako, naghihintay lang. Ang panget naman kasi kung ako ang gagawa ng first move diba? Remember, dalagang Pilipina dapat.

Isang beses nga sinadya kong iopen yung topic tungkol sa special someone ko (na sya rin naman) nung malapit kami ng mga friends ko sa kanya eh. Para you know, maglabas ng sign. Kaso wala eh, bigo ang mission.

"Maam Zoe, tara na po, pinapasundo po kayo ni Maam sa kin eh."

"Sige po manong."

Pumasok na ko sa kotse ng tahimik. Napabuntong hininga nalang ako,

"Tssk... Sayang"

Sabi ko haban minamasdann lumayo yung kotseng sinasakyan ko sa lugar kung saan nandoon ang taong gusto ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Hello!!! Eto na yung "her side" ng 'Tsk, Sayang!' Hope you liked it guys! 😊

Vote, Leave a comment, or be a fan

Tsk, Sayang! (Her Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon