Chapter 2

2 0 0
                                    

Maaga akong nagising kasi nga excited aketch... Simula na ng college life ko sa Salazar Imperior College...

Naligo na ako at nagbihis kaagad... Taray ng uniform... Plain white shirt tapos may ipapatungan ng parang polo shirt na kulay blue with the name... 'Engineer' at ang logo ng school...

Natuwa din ako sa pang ibaba... Ang sabi sa letter... Any blue jeans lang daw... Salamat naman at di kung ano anong skirt o chinelen boom boom...

Tapos tuwing huwebes hanggang sabado pwede lang daw magsuot ng kung ano... Okay na din...

Agad na akong lumabas sa kwarto ko at nadatnan ang tiya kong balyena na kumakain na... Himala siyang nagluto auhhh....

"Umupo ka na!!" sabi nito.. Aba madaming pagkain.. Anong meron?? Umupo  nalang ako at kumain na din..

"Tiya?! Anong meron?! Dami atang pagkain!! Balik na naman kayo sa pagkababoy mo?!" sabi ko...  Tumawa lang ito... Aba... Himala nga... Sa tuwing sinasagot ko siya hinahambalos niya ako o di kaya binabatukan... Eh.. Ngayon parang wa epek ang pagka demonyo ko...

"Katherine!! Katherine!!! Hindi ako magagalit ngayon... Pagod na ang panga ko!! Kakadada sayo!! Alam mo ba kung bakit madaming pagkain?!" aba... Nagbago ihip ng hangin auhh...

"Bakit po?!"

"Para sayo lahat toh!!" nanlaki naman ang mga mata ko... Sa buong buhay ko.. Ngayon lang niya ako tinrato ng ganito... "Talaga!?" tanong ko...

"Oo naman... Dahil huling almusal mo na sa bahay na Ito!!" hala!! What's the meaning of this??

"Tiya?? Ano pong ibig niyong sabihin?!" tanong ko..

"Napapagod na ako sayo Katherine!! Ipapadala na kita sa Visayas sa tito mo!!" what?? Kakasimula ko lang ng school tapos dedemonyohin niya ako!!! Bwisit naman... Ipapadala?? Ano ako balik bayan box?

"Ayoko nga!! Dito ako sa maynila mag aaral!! Pero di ako titira sa bahay natoh!!" sabi ko sabay labas ng bahay... Bitbit ang bag ko...

May pera pa naman ako.. Yung pinahiram ni Emily may 10k pa namang natira...

Paglabas na paglabas ko sa daan isang kotseng kulay pula ang huminto sa harap ko... Gara auhh!! Fast and furious ang dating... Bumukas ang bintana nito.... Si Emily..

"Sumakay ka na!!" sabi niya.. Kaya napangiti naman ako at sumakay na...

Ganda... Luxurious... Mamahalin.... Teka... Bat di naka uniporme si Emily?? Anong course niya?

"Emily anong course mo!?" tanong ko...

"Uhm.. Politics!!" wow... Pero pag naging politiko ito... Siguradong corrupt.... Ahahha.... Joke lang...

"Auh!! Bat di ka naka uniform?!" tanong ko ulit...

"No need.. Wala namang umaangal ehh!!" sagot niya habang nagmamaneho...

Walang umaangal?? Ano yun... Parang nag aanu lang.. Hihi.. Umuungol pala yun... Mah bad!! Dumi na ng utak ko...

"We're here!!" sabi niya kaya napatingin naman ako sa bintana.. Nandito na nga kami...

Bumaba na ako...

"Kath!! Mauna ka na... Ipapark ko lqng toh!! Malaki ka na.. Kaya mo na yan!" sabi ni Emily kaya tumango nalang ako...

Pumasok na ako sa school... Hinarang ako ng guardia.. Manong guard naman.. Maglalaan pa ako ng oras para sayo?? Bwisit...

"ID?!" tanong nito... Hala.. Oo nga pala wala pa akong ID!!

"Manong guard... Bago po ako dito.. Mamaya ko pa po makukuha ID ko!!" sagot ko sabay irap...

"Ohh.. Sige... Pasok na!" sungit naman..

My Little DemonWhere stories live. Discover now