Prologue

459 13 5
                                    

Solana Aldea Albaniel
Jacoby Grayven Sydiongco




"Ma, is it the wicked witch again?" I can hear exasperation coming from my little girl's voice while I tuck the covers under her chin. Ngumisi ako pero hindi iyon ipinakita. Instead, I turned to face my other child who's busy reading a book on the other bed.

May kung anong sumipa sa puso ko noong makita kung gaanong kamukhang-kamukha niya ang kanyang ama, na madalas ring nakatutok sa kung anong libro na kinahuhumalingan nito. The same tilt of the head, the sleepy smile, the unkempt hair.. Ang tanging pagkakaiba lang yata nila ng ama ay iyong salamin na wala pa sa mga mata ng anak ko.

"Well?" Untag niya ulit.

I turned back to my daughter and smiled. Natawa na naman ako. For some reason, nahati ang ugali namin ni Coby sa kambal naming anak. Ezrah takes on his father's face and attitude, samantalang itong babae kong anak na si Jazeerah ang nakamana sa kaimpaktitahan ko. She easily loses her cool, and she always.. always has that coy look on her face as if plotting things out in her head, the best way that will benefit her.

She is a little devil and I have totally no idea on how to handle her since she's a handful.

Kung andito siguro si Coby ay baka nagawa niya. I remembered how he successfully handled me too, back then, when I was on my most.. evil attitude. Pero dahil wala.. at walang ama ang mga anak ko, eto ngayon at nangangapa ako kung paano ko silang didisiplinahin.

I sighed. "Mao gyud nak. Kay wala na akong ibang alam na fairytale ba."

Galit na hinawi niya ang itinabon kong comforter sa kanyang katawan at saka ako tiningnan ng masama. Her lisp comes out when she's angry like this, and I know what's coming next. Ilang beses na namin itong naging bangayan.

"Iz nah even a faiwytale! You didn't end up withz dzadeh becozth youw so bitchy Mama!"

Yup. They already know that. Alam nila ang kwento kung bakit wala na silang daddy.

"Well.. there is no rule that fairytales should have a happy ending." Banat ko naman. "Isa  pa nak, I got you both so it's still a fairytale for me, even if I did not end up with your father."

"No!"

"Maingay ka Erah."

Sabay kaming napalingon ni Jazeerah sa gawi ni Ezrah na hindi man lang tumunghay mula sa pagbabasa niya. Naningkit ang mga mata ko noong muli iyong bumalik sa babae kong anak.

She pouted.

"I want dzadeh! Favorite mo si Ezrah, tapos walang may favorite saken kasi wala akong Dzadeh!"

Ang arte arte ng pagkakabigkas niya ng salitang 'daddy' kaya lumalabas na ganon.  Hindi ko nga rin alam kung saan niya iyon nakuha dahil mama ang pagpapakilala ko sa sarili ko at papa naman sa ama nila. They knew their father. Ni minsan ay hindi ko ipinagkait sa kanila ang itsura ng ama nila, ni ang totoong dahilan kung bakit hindi namin siya kasama. They know the truth, well, partially.

Ezrah calls me mama and his father papa, while Erah calls me mama and her father, 'dzadeh.' Ang arte lang.. akala mo naman ang ganda ng kinatitirikan ng bahay namin ngayon.

"E hindi na nga natin alam kung nasaan si Dzadeh mo ha, Erah. Tigil-tigilan mo na yang kaartehan mo at baka sumbagon tika diha."

Lalong humaba ang nguso niya kaya humaba na rin ang nguso ko. Paano naman kasi ay magtatagisan na naman kami ng kaabnormalan nitong bruha kong anak, at hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. Masyado pang bata si Ezrah para maging moderator namin ng magaling niyang kakambal. He doesn't involve himself with female fights.

The Kontrabida Series 3: Solana Aldea AlbanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon