2- Jacoby Grayven

139 9 3
                                    


"Idol!"

Nagmulat ako ng mata nung marinig ang boses ng dalawa kong salot na bestfriend sa loob ng kwarto. Bumukas ang kurtina na nagdidivide sa bawat bed sa loob ng infirmary at iniluwa noon ang mukha ni Trenton na may hawak na plastic habang nasa likod niya naman at may hawak na bulaklak si Yllona.

"Pucha. Gwapo ng bangas natin pre ah." Si Yoona.

Napaingos ako nung mapaglaro niyang ginulo ang buhok ko kagaya kung paano niyang laruin ang buhok ng nakababata niyang kapatid. Tsk.

I groaned playfully and threw her hand off me. "Whatcha doin here you suckers?"

"Binibisita ka namin ka-kosa. Hahaha." Malakas na ani ni Trent na sinabayan pa ng malakas na pagtawa.

"Mga bungol."

Nagtawanan kami hanggang sa mapadpad ang tingin ni Yoona sa sugat ko. Biglang nagseryoso ang mukha niya kaya nagbawi ako ng tingin saka mas ipinokus ang mukha sa pinto para lang itago ang namumula at putok kong mukha. Still, I can feel her intense and almost angry vibe.

I stiffled my deep breath.

"Si Red?" Iyon lang ang itinanong niya pero alam na naming tatlo kung anong ibig nung sabihin.

Nanahimik kami lalo na ang mapang-asar na si Trenton. Kahit siya ay napadpad na rin sa mukha ko ang tingin. Nawala na rin ang kaninang malaking ngisi sa kanyang mukha.

"Hindi niya sinasadya--" Simula ko.

"Nyeta Jacoby, andito pa rin ba tayo?!" Pagalit na atungal ni Yoona, ni hindi na ako pinatapos sa sinasabi.

I moved my jaw to suppress my anger. Ayokong magkairingan na naman kaming tatlo dahil sa walang saysay na bagay. "Let's just drop it, okay? Mag-aaway na naman tayo dahil dito, e alam niyo naman na yung viewpoint ko."

"So it really is Red."

Binalik ko ang tingin sa kanila at saka maliit na tumango. Alam naman na nila na kapag nandito ako o nag-aagaw buhay ay si Red palagi ang dahilan.

"Tanginang step brother mo talaga yan dude. May balak siguro yang patayin ka e." Galit na bulong ni Trenton habang wala sa sariling nilalagutok ang mga daliri sa kamay.

"He's just confused." Pagtatanggol ko.

They both created a sarcastic snort. "Confused ampota. Bente anyos na siya pero confused pa? Wala man lang utang na loob ang bugok! Buti nga at hindi pinalayas ni Tito sa bahay yun e."

Nailing ako. "Kaya nga intindihin na lang natin. Baka nahihiya siya dahil sa nangyari."

"Nahihiya sa lagay na yan! Hahahaha! Pota, isipin na lang natin dude kung hindi pa siya niyan nahihiya ah."

Napabuntong-hininga ako. Red has been like this since his mom ran away with another guy a couple of months ago. Isang negosyante na mas maraming chain of hotels at mas malaki ang net worth kesa kay Dad. Mas matanda pero I guess social climbers doesn't care for the age or the face at all. Patunay na si Tita Dyna doon.

"Intindihin na lang natin. Hindi naman siya ganyan dati e."

Natulala ako nung maalala ang masasayang sandali namin bilang isang pamilya noon. I know that Daddy was heartbroken with Mom's passing, but Tita Dyna helped him get over it. Kahit may akay na anak si Tita ay tinanggap ito ng buo ni Dad ng walang pag-aalinlangan. What he didn't know then was that Tita only ever used him to get to his money. Noong may nakita itong may mas matabang pitaka ay agad nitong sinunggaban at iniwan kaming pamilya niya.

The Kontrabida Series 3: Solana Aldea AlbanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon