LIAN'S POV:
Hayyyyy!!
Ano na ba ang gagawin ko? >.<
Should I tell this to my friends?to Zer?or Gino?or Dust?
Or should I just keep this to myself?
Pero kasi, parang sasabog na ang dibdib ko pag hindi ko pa ito nailabas.
Pero kanino ko ilalabas? Should I go and drink till I forget about it? Siguro nga makakalimutan ko ito sandali pero siguradong paggising ko kinaumagahan ay maaalala ko na naman. Papahirapan ko lang sarili ko sa hangover.TSK!
Hindi ko na talaga alam kung ano ang nararapat kong gawin. Should I listen to my parents' explanation?
OOOOPSSS!! Hindi ko nga pala sila parents.
Pero Lian, they're still your parents.Hindi man sila ang tunay mong magulang ay sila naman ang nag-aruga at nagpalaki sa'yo! nagsusumigaw ang isang bahagi ng utak ko.
Well, totoo nga naman yun.
Hay!I guess, kailangan kong makinig na lang sa mga paliwanag nila at nang masagot ang mga walang katapusang katanungan sa isip ko.
Magso-sorry na din ako sa pagsigaw sa kanila kahapon.Alam kong kabastusan yun pero dala na yun ng galit,sakit,pait at kung anu-ano pang naramdaman ko kahapon dahil sa nalaman ko.
Tama! Makikinig ako sa mga paliwanag nila.
Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at naglakad patungo sa may gate.
Hustong nakalabas na ako nang maalala ko si Zer.
Shucks!OO nga pala.Ni hindi ko pa siya nakakausap mula kahapon hanggang ngayon.
Pumwesto muna ako sa gilid at inilabas ang phone ko.
Maraming missed calls doon at texts.Ang iba ay galing sa mga katropa ko.Ang iba naman ay galing kay Zer.
Inuna ko munang basahin ang mga messages ni Zer.Mgat text pa niya kahapon ang iba at tinatanong kung okay lang ako tas kung kumain na ako.May goodnight din.
Ang mga text naman niyang iba ay kaninang umaga lang nangungumusta kung okay lang ako.Parang hindi kami nagkita ng matagal sa dalas ng pangungumusta niya.Kinikilig tuloy ako. ^_^
May greetings din siya.Good morning at happy lunch.
Oo nga pala, ni hindi pa ako nakakapaglunch.Hindi rin ako kumain ng breakfast dahil wala akong gana at ayokong abutan pa ako nina Mama paggising nila.
Halfday ko ngayon kaya okay lang kung umuwi ako para sa lunch.
Nag-cocompose na ako ng reply para sa message ni Zer nang mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang paghinto ng isang itim na sasakyan sa tapat ko.Iignorahin ko na sana nang tumayo sa harap ko ang bumabang sakay niyon.
Napilitan tuloy akong mag-angat ng tingin at hindi ko na nakuhang isend ang message ko para kay Zer.Napatunganga na lang ako sa taong nasa harap ko.
Bakit hindi?
Ikaw ba naman ang makakita ng isang taong malaki ang bulas ng katawan.Namumutok ang muscles sa suot nitong fitted shirt na napapatungan ng black leather jacket then nakashades.Kalbo din ito.Sigurado akong lahat ng makakakita dito ay iisiping isa itong masamang tao.
Nanginig ako sa isiping iyon.Gustuhin ko mang umalis sa kinaroroonan ko ay hindi ko magawa.Tila ako itinulos sa pagkakatayo.
"Ms.Lian Joson?"
Nakup!Ang lalim ng boses!Yikes! katakot!
"A-ah..ano pong k-kailangan niyo?"Nanginginig na tanong ko sa kanya.Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya.Ibinulsa kong muli ang phone ko.Tuluyang nakalimutan ang tungkol sa message para kay Zer.
BINABASA MO ANG
My Ladies' Man!
RomanceZer, a guy who can easily make every woman do whatever he asks them to. Lian, a girl who is easily attracted to the opposite sex. When paired by a frustrated matchmaker for a couple-pretend scheme, would they be able to resist each other's charm?