CHAPTER 9:Sunrise

121 4 1
                                    

NAIZZER'S POV:

Hindi ko maiwasang hindi ngumiti nang malingunan kong nakatulog na ang Honeypie ko.Salita ako ng salita samantalang tulog na pala ito.Naiintindihan ko naman siya.Napuyat kasi kami pareho dahil nagkwentuhan kami tungkol sa mga walang kwentang bagay sa halos magdamag.At maaga ko nga siyang sinundo dahil pupunta kami ng Batangas.

In fact,hindi pa ito gising nang puntahan ko siya sa bahay nila.Ang katulong ang nagbukas ng gate para sa akin.kelangan ko pa siyang puntahan sa kwarto niya para gisingin.I woke her up by kissing her.I just couldnt help myself from kissing her.She looks so adorable and innocent while peacefully sleeping.

Nagulat nga ito nang makita niya ako sa kwarto nito.Tinakot ko siya  na kung hindi pa ito babangon ay ako na ang magdadala dito sa bathroom at magpapaligo.Tila natakot naman ito sa banta ko kaya mabilis pa sa alas-kwatrong tinungo ang banyo at nag handa para sa pag-alis namin.Naipagpaalam ko na siya sa parents niya kahapon pa kaya hindi na namin ginising ang mga ito.Alam ko din kasing pagod nag dad nito sa maghapong pag-asikaso sa mga hayop na dinadala sa clinic ng mga ito.nagbilin na lang sila sa mga katulong na sabihing umalis na sila.

Lian's father was a great veterinarian na nagmamay-ari ng clinic at tatlong pet shops.balita ko nga ay ito rin ang isa sa mga veterinarian na umaasikaso  sa mga hayop sa hacienda nina Gracie kung saan may farm/poultry ang mga ito.

At ngayon ngang habang nasa daan kami ay nakatulog ito.Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ang gaan-gaan ng pakiramdam ko tuwing kasama ko si Lian.Nagsimula ito noong halikan ko siya sa bahay nila.magmula noon ay hindi na siya nawaglit sa isipan ko.Sa lahat ng ginagawa ko at nakikita ko ay naaalala ko siya.Samantalang dati naman ay ni hindi ko siya tapunan ng pansin kahit pa nung katabi ko siya sa math subject namin.

Now I do believe that nothing is permanent in this world.People changes and so do feelings.

Napailing na lang ako nang muntik na siyang malaglag sa kinauupuan niya.Inihinto ko muna sandali ang sasakyan at inaaayos ang pagkakaupo niya at saka ini-recline ang upuan.Ni hindi man lang ito nagising.Tinitigan ko muna siya at nang hindi ako makatiis ay kinuha ko ang cp ko and took a picture of her.She really looked so cute habang medyo nakabuka ang labi niya.Makes me want to kiss her.

At nang unti-unti ko nang inilalapit ang bibig ko ay may biglang bumusina sa likuran kaya umayos na ako ng upo at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.Muli ko siyang sinulyapan saka muling ibinaling ang atensiyon sa pagmamaneho.

kelan ka pa naging mapagsamantala,Zer at pati tulog ay hindi mo pinapatawad?tuya ng isang bahagi ng utak ko.

It's just that its so tempting to taste those sweet warm lips again.Nakakaadik kasi ang labi nito,eh.

Anyway,30 minutes na lang at mararating na namin ang aming destinasyon.Hindi ko pa sinasabi kay Lian kung saan kami pupunta kaya siguradong matutuwa ito ng husto kung makikita nito ang sunrise sa Batangas na noon pa man ay gusto na nitong makita.That was according to Gino.Salamat na lang at malapit ang mga ito sa isa't-isa kaya natutulungan niya ako sa mga bagay na may kinalaman kay Lian.

Actually,nagulat nga din ako nang i-anunsiyo ni Gino na kasali ako sa trip ng mga ito.Hindi kasi niya ako nito isinali sa past two 'events' ng mga ito dahil may mga flings ako at that time.Pero ngayong single na ulit ako ay hindi na nito sinayang ang pagkakataong isali ako dun.At thankful ako na si Lian ang nakapareha ko.At least kasi ay medyo may konti kaming pinagsamahan dahil nga seatmates kami noon.

Mamaya paggising ni Lian ay sasabihin ko sa kanya ang iba pa naming activity for this day.I'm gonna make sure that we will both enjoy this day and I'm hoping that after this,we will know each other deeper.And sana ay maging mabuting magkaibigan nga kami.O di kaya magka-i-bigan. :) :D

My Ladies' Man!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon