Finale

998 47 12
                                    

Jeon Kim Min So

The day we've all waiting for is finally came.

Ang araw na mag iisang dibdib kami ng lalaki na hindi ko inaasahang dadating sa buhay ko.

We made love accidentally. At masasabi kong hindi aksidente ang pagkakabuo ng anak namin.

Tadhana ang siyang magbibigay sayo ng future mo, ngayon naniniwala na ako sa bagay na yon.

Masasabi ko na I finally found the love of my life kahit super ironic ng love story namin ni Shawn. Mas malala pa sa naging love story ni Mama at Daddy. Just kidding..

Walang tatalo sa super dramang pagmamahalan ng parents ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto ng hotel kung saan ako aayusan. Nasa kabilang room naman si Shawn kasama sila Justine at iba pang mga lalaki.

May kumatok sa pintuan ng hotel room ko.

"Pasok po." Sabi ko habang abala ako sa pagtitig sa sarili ko sa salamin.

Pumasok si Mama kasama si Daddy.

"Nandyan na yung make up artist and stylist mo anak." Sabi ni Mama na ngayon ay nakaayos na din.

Ang ganda ng Mama ko. She was wearing a white gown at hulmang hulma ang kasexyhan niya.

Even my Dad. Napaka gwapo at nakapa tikas. Hindi halata ang edad sa itchura nilang dalawa. Parang sila pa din yung parents ko na nasa mid 20's lang noon.

"Ikakasal ka na anak. Today is the most special day of your life. Cherish this moment with Shawn. Alam kong biglaan ang lahat ng ito but always kept in your mind na may dahilan ang lahat. Lalo na ang apo ko na nasa sinapupunan mo. Blessing yan." Sabi sa akin ni Mama na ngayon ay nanggigilid ang luha sa mga mata niya.

"Love, baka masira make up mo. Huwag kang umiyak." Sita sa kanya ni Daddy.

"Anak, I know you will become a great wife and mother to your child just like your Mama Taehyung and Mommy Ji Eun. Pagkakatiwalaan ko kayo ni Shawn sa buhay na binuo niyo ngayon." Sabi naman sa akin ni Daddy.

Niyakap ko silang dalawa ng sobrang higpit. Napaka swerte ko sa mga magulang ko. Wala akong ibang hiniling kundi ang magkabalikan sila at mabuo kami. Ngayon, binigay sa akin ang tanging hiling ko.

"Siya huwag kayong mag iyakan dyan, masayang araw ngayon walang nahimlay o ano." Sabi pa ni Daddy.

Tumango ako.

"Lalabas na muna kami anak. We'll see you at the venue." Sabi pa ni Mama at hinalikan ako sa pisngi.

Umalis na sila ni Dad. Ilang minuto pa may pumasok ulit sa hotel room ko. Yung make up artist at hair stylist ko.

Inayusan na nila ako at kasunod ang photographer na nagshoot pa sa akin sa loob ng kwarto.

Matapos maayusan, nagpasukan sila Gab, Alex, Shanaya, Hernan, Taegguk at Justine sa kwarto ko.

Masaya kaming nag asaran at nagkwentuhan. Hindi nawawala ang mga ngiti sa mga labi ko. Nagulat din ako dahil nandito si Tito Clyde kasama ang new girlfriend niya.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon