Wattpad Rating & Reviews

160 18 11
                                    

©2015 by MrAwesomeOne

Ang susunod na kwento'y naglalaman ng temang hindi angkop sa matinong tao. Ito'y naglalaman ng mapanuksong lengwahe, mapanisting ugali at mga nakakainis na sitwasyon.

Patnubay ng nakatatanda ang kailangan.

Hindi ko man sinasadya'y matapos nyong basahin ito'y magiging bully na kayo katulad ni Mauricia Petricelli Petruz.

And that's what the world needs-

Another bully.

**********


Ito po ay FICTION. Lahat po ng mababasa dito'y kathang isip at pawang imahinasyon lamang ng may akda.

(Pero shout out sa pinsan buo kong walang ideya na ginamit ko ang kanyang kindergarten picture para sa likhang ito.)

**********


At syempre, matapos ng babala ay ipapabasa ko sa inyo ang reaction ng aking mga steamed colleagues ukol sa pakulo kong ito.(Sinadya ko 'yang typo. Wag kayong pumalag.)

Lahat po ng nakasulat dito ay TOTOONG nanggaling sa kanila. VERBATIM. Walang labis, walang kulang.

Hindi po ako nagmakaawa.

Hindi ko sila pinilit, tinakot, inuto, kinulit, inabala, kinonsensya, binayaran, sinuhulan, kinulam, binarang, kinuntsaba o ano pa man. Kusang loob nila akong binigyan ng review at rating ayon sa aking ipinakitang kahusayan at katalinuhan sa guide book na ito.

PROMISE!


"Di ako magaling sa ganyan kuya. Tutulog pa ako dahil 4am pa lang dito."

-asrah028 (Labyrinth Academy Author)


"Superb! Ang dami kong natutunan. Kaunting tumbling na lang maihahalintulad ko na ito sa mga akda ng idolo kong si Bob Ong."

-PagOng1991 (Marikina Horror Stories Author)


"Madaling basahin ang guide book na ito ngunit mahirap sundin. It's easier said than done sabi nila. Tanong ko lang, ini-apply mo ba sa sarili mo ang mga nasa guide book na'to?"

-ierammarie


"Mr A, Pasensya ka na, may project kasi ako na tinatapos. Pero puwede mo naman ibigay ang link para macheck ko."

-timliwanag


"Tingin ko kailangan itong idagdag sa school curriculum next year o gawing textbook! Kapupulutan ito ng mga aral.. Mapapa-Awesome ka na lang e."

-erthou


"This story is simply AWESOME! The issues tackled in this guide book are spot on and can be used as a guiding light as you go on with your life! I have never read something so compelling that would actually make a grown man cry. I literally broke down reading the content of this book. The "THE ART OF BULLYING" is an eye-opener, and it broadened my perspective about life in general."

"It is definitely a must-read. Kudos to you Pareng Siga @MrAwesomeOne for pulling something amazing off of your sleeves. Rock on!" \m/

-BrownRanger


"Masyadong makabuluhan ang istoryang to. Di ko ma explain sa kahit anong lenggwahe kung paano magmumura dahil hindi kapani paniwala ang nakasulat sa librong to. Pero sa lahat ng gustong matuto kung paano makalibre sa lunch break nang walang kahirap-hirap, this book will teach you how." *devilish grin*

-Mariz Petricelli Petruz (Ang Bully Incarnate herself)


**********

*Author's Note:
First part pa lang malupit na diba?! O? Ano pang hinihintay mo? Basahin mo na!

At habang nandito ka na din, pindutin mo na yung VOTE. Mahiya ka naman sa dami ng inabala kong author!

*A.G. 9/1/91*


The Art of BullyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon