22

4.7K 178 6
                                    

Leo's Point of View

Ilang araw na ang lumipas pero wala paring balita ang mga pulis tungkol kay Ashley, si Nate naman ay hindi pa daw madetect ang location niya pero gagawin niya daw ang lahat para makuha ang location nito.

Nag-aalala na ako. Pati ang kambal panay narin ang iyak dahil namimiss na daw nila Mama nila.

Anyway, nandito ako ngayon sa sala I am  watching TV at ako lang mag-isa dito sa bahay the twin kasi ay pumasok na sa school, si Kathleen naman ay umuwi na sa kanila.

While watching TV, biglang nagring ang cellphone ko. Kinuha ko naman ito at chineck kung sino ang tumatawag, si Nate pala. Kaya naman dali-dali ko itong sinagot.

“Hello Nate?” Saad ko sabay patay sa TV.

“Hello bro! I have a good news. Pupunta ako diyan sa inyo ngayon bye!” Masiglang saad nito sabay end call.

What the? Dapat nagtext nalang siya, kung papatayin niya rin pala. Tsk!

Anyway, sana tungkol ito sa pagkawala ni Ashley ang sasabihin niya.

Mga ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mga anak ko.

“Daddy/Dad!” Masiglang saad ng dalawa sabay karipas ng takbo papunta sa kinaroroonan ko sabay yakap sa binti ko.

Pinantayan ko naman ang mga ito para hindi sila mahirapan.

“Daddy we miss you po!” Masiglang saad ni Harley sabay halik sa pisngi ko.

“Me too rin po Dad!” Saad din ni Zayn. At inudpod nila ako ng halik hanggang sa magsawa na sila.

“Daddy, where have you been po? Daddy nahanap niyo na po ba si Mama?” Sunod-sunod na tanong ni Harley.

Pero bago pa man ako makasagot ay biglang nagsalita si Zayn.

“Harley, Dad is busy because he's finding Mama.” Saad ni Zayn sa kapatid niya kaya naman napangiti ako.

Bigla naman humarap sa‘kin si Zayn...

“Dad nahanap niyo na po ba si Mama?” Seryosong tanong nito.

“Baby, sorry dahil hindi ko na kayo nabibigyan ng time pero I promise na babawi ako sa inyo pag nahanap ko na Mama niyo. And Zayn wala pang balita sa Mama mo pero may pupunta ngayon na tao at ipapakilala ko kayo sa kanya.” Nakangiting saad ko sa kanila. Tutal pupunta dito si Nate, ay ipapakilala ko na sa kanya ang mga kambal at gusto niya naman rin daw itong makilala.

“Talaga po Dad? Sino po?” Takang tanong ni Harley.

“Secret. Anyway sino ang naghatid sa inyo dito? Kumain na ba kayo?” Takang tanong ko sa kanila.

“Si Tito Vernon po, Daddy. Inihatid lang po kami sa labas ng bahay dahil may work po daw siya atsaka kumain na po kami, pinakin niya kami sa Jollibee!” Saad naman ni Zayn.

“Okay babies, umakyat na kayo sa kwarto niyo at maligo na okay, kasi ang asim niyo na!” Natatawang saad ko sa kanila na ikinasimangot naman nila.

“Daddy your so meanie!” Saad ni Harley habang nakapout sabay tayo at naglakad papunta sa kwarto nila.

Natawa naman ako sa inasal nito. Mga ilang sandali pa ay buglang may humalik sa pisngi ko, kaya naman tinignan ko ito, at nakita ko si Zayn.

“It's okay po Dad, nandito lang po kami ni Harley.” Saad nito. Napangiti naman ako sa sinabi niya kaya naman ginulo ko ang buhok niya at hinalikan ito sa noo.

“Thank you bud.” Nakangiting saad ko. Pagkatapos non ay umalis na ito at kumaripas ng takbo papunta sa kwarto nila.

Mga ilang minuto ang lumipas, when someone suddenly knock our door.

'Knock!' 'Knock!' 'Knock!'

“Come in!” Sigaw ko. Mga ilang sandali pa ay bumungad sa‘kin si Nate.

“So ano ang good news Nate?” Bungad kong tanong sa kanya.

“Bro naman dapat may bayad to!” Natatawang saad niya.

T*ngina talaga toh!

“Okay fine, i'll transfer the money later. So now what's the good news?” Seryosong tanong ko ulit sa kanya.

“Nagbibiro lang bro!” Natatawang saad niya.

Sinamaan ko naman ito ng tingin.

Bigla naman itong nabalisa na parang natakot.

“N-nahanap ko na ang location ni Ashley!” Saad nito na ikinangiti ko.

“Talaga Nate, may kwenta ka talaga!”  Natatawang saad ko sa kanya.

Sinamaan naman ako nito ng tingin.

“Biro lang. Saan ang location niya?” Dugtong ko pa.

“Nasa Cavite siya sa may lumang malaking warehouse doon.” Seryosong saad nito.

Nang marinig ko ang location ay parang nabuhayan ang loob ko.

“Salamat bro! Magbabayad ang gumawa nito sa asawa ko.” Saad ko sabay tayo at kinuha ang car key ko, pero bigla akong pinigalan ni Nate.

“Wait bro! saan ka pupunta?” Takang tanong nito.

“Sa Cavite, babawiin ko ang asawa ko!” Sagot ko sa kanya. Aalis na sana ako nang bigla may nagsalitang maliit na boses. Sabay naman kaming napatingin ni Nate sa pinaggalingan ng boses na yun.

“Dad, ‘wag muna po kayong padalos-dalos baka kayo po ang mapahamak kung kayo lang ang pupunta doon atsaka dapat po ipaalam niyo muna po ito sa mga pulis, para makagawa po kayo ng plan for saving Mama.” Seryong saad ni Zayn. Namangha nalang ako sa sinabi ng anak ko, parang nakikita ko sa kanya ang pagkabata ko sa kanya.

”Tama po Daddy, kasi po baka pati kayo mawala po saamin.” Saad naman ni Harley na nakakandong na sa lap ko. Hindi ko man napansin ang pagkandong niya dahil natuon ako kay Zayn. Nagakatinginan naman kami ni Nate at tinanguan lang para bang sinasangayunan niya ang mga bata.

“Daddy, sino po siya?” Biglang tanong naman ni Harley habang turo turo si Nate.

“Kids, this is your uncle Nate!” Nakangiting saad ko sa kanya. Lumapit naman si Zayn at si Harley kay Nate. Niyakap nila ito.

“What's your name baby?” Rinig kong tanong ni Nate kay Harley.

“I'm Harley and I'm cute like my Mama, and this is Kuya Zayn he is handsome like my Daddy!” Masayang saad ni Harley.

Nagkwentuhan lang sila para ngang wala ako sa tabi nila dahil na OOP ako. Dahil nga masiyahin si Harley ay naging close niya agad si Nate. Si Zayn naman ay parang nagaalinlangan pa.

Nang matapos silang nagbonding mag tito ay napagdesisyunan ni Nate na umuwi na, nagpaalam naman kami ng maayos sa kanya at nagpasalamat narin.

Nagpadeliver narin kami ng makakain namin for dinner, nang dumating na ang pinadeliver ko ay kumain na kami at pagkatapos nun ay pinahilamos ko na ang kambal at pinatulog na.

Nahiga narin ako sa kama namin ni Ashley. Habang nakahiga ako ay iniisip ko si Ashley, iniisip ko rin ang mga susunod na hakbang na gagawin ko para maligtas siya.

....

Someone's Point of View

“T-tama na please, a-ang sakit na!” Humahagulgol kong saad sa kanila.

Pero parang hindi nila ako narinig dahil patuloy lang sila sa ginagawa nila sa‘kin.

“Leo nasaan ka na ba?” Umiiyak kong bulong na tanong ko sa sarili ko.

HIDING SERIES 1: My Ex-Boyfriend Is My Boss (COMPLETED) UNDER MAJOR EDITING Where stories live. Discover now