Ako'y isang manunulat na gumagawa ng akda. Maraming humahanga sa akin, lalo na ang aking minamahal na si Zol.
"Mahal ko? Kailan paba matatapos ang iyong akdang sinulat? Ako'y nasasabik nang basahin ito."
Isang mala-anghel na boses na aking narinig mula sa aking kasintahan. Niyakap niya ako mula sa likod at hinalikan ang aking pisngi.
"Hindi ko alam ngunit, pangako'y hindi magtatagal ay matatapos din ito. Ikaw lagi ang paksa ng aking mga akda mahal!"
'Hindi magbabago iyon!' saad ko sa aking isipan at pinagpatuloy ang pagsusulat ng aking ginawang akda.
___
Habang ako'y patagal nang patagal sa industriya ng pagsusulat, napansin ko nagkakalaboan ang pag-ibig namin ni ZolAraw araw kami ay nagtatalo dahil lang sa hindi ko siya mabigyan ng oras sa kadahilanan na mas tinutuon ko ito sa pagsusulat.
"Ako'y narito na Van!"
Saad nito habang kanyang boses ay parang pagod.
Hindi ko alam kung saan siya nanggaling.
"Saan ka nagtungo Zol?"
Pagtatakang tanong ko rito. Ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko at nagtungo nalang siya sa silid.
'Pasensya Mahal Ko! Tinapos ko lang ang akdang aking pinangako sayong tatapusin ko sa lalong madaling panahon.'
Mga salitang gusto kong sabihin sa kanya ngunit isang buntong-hininga nalang aking pinakawalan.
___
"Mahal mo pa ba ako, Van?"Isang tanong na nagpaestatwa sa akin.
"Kailan ma'y hindi magbabago ang aking pag-ibig sayo Mahal kong Zol!"
Sagot ko sa kaniyang katanungan. Isang mapait na ngiti ang kaniyang pinakita sa akin.
Ang mga mata niya---alam kong nasasaktan siya. Mga luhang gustong kumawala ngunit di niya kaya. Alam ko yun!
"Van? Kung papipiliin kita!"
"Pagsusulat o Pag-ibig?"
Doon ako naging tahimik at hindi alam ang maisasagot.
"Zol...."
"Sagutin mo nalang ang aking katanungan!"
Pumawala ako ng isang buntong-hininga at sinagot ang kaniyang katanungan.
"Wala akong pipiliin, Kaya kong magmahal habang sumusulat ng akda."
Tumango siya sa aking naging kasagutan.
"Maaari naba tayong magpahinga?"
Sa tono ng kaniyang pagkasabi ay may halo itong pagod at nasasaktan.
"Gusto kong maghiwalay muna tayo. Gusto kong ipagpatuloy mo ang iyong pagsusulat!"
'Paano ko ipagpapatuloy ang aking pagsusulat kung mawawala ka din naman! Mawawala ang inspirasyon ko!'
Isang bulong na batid kong dinig niya.
"Gawin mokong inspirasyon, kahit na'y magkahiwalay na tayo!"
Mga luha'y pilit kong ayaw tumulo.
"Paalam! Mahal kong Van!"
Huling salita bago siya umalis.
Doon ko naibuhos ang aking luha ng matapos kong basahin ang istorya naming dalawa ng minamahal kong si Zol!
"Mananatiling ikaw ang paksa sa bawat akdang aking ginawa, kahit pa'y di kita kasama"
YOU ARE READING
ONE SHOTS STORIES(Not completed Yet)
RandomThis is the list of my one shots stories, most of it are tragics. It written based on the writers imagination. Expect also some grammatical errors and typos.