Prologue

62 3 2
                                    

"Chantal, halika na. Tinatawag na tayo ni Prof Manrique" lumingon si Chantal sa tumawag sa pangalan niya, nakaramdam naman siya agad ng kaba at kilig ng makita niya ito. Hindi niya maiwasang mag imagine ng mga bagay, katulad na naglalakad sila sa damuhan ng magka hawak ang kamay. Nag hahabulan sa tabing dagat, at kung ano ano pa. Para bang tumigil ang mundo ni Chantal ng makita niya ang kaniyang kaibigan na si Luis. 

"Hoy!" pag tawag nito sa pansin ni Chantal, napa kurap naman ito sa ginawang iyon ng kaniyang kaibigan

"Ano ba?! Kahit kailan damuho ka talaga." sagot nito at kunwaring naiirita sa kaniyang kaibigan. Kinurot naman agad ni Luis ang ilong nito at ginulo ang kaniyang buhok.

"Ang arte naman ng bespren ko, parang di uhugin dati." sabi nito ng natawa, umirap naman si Chantal dito at muling tiningnan ang mukha ng kaibigan, kung nakakatunaw lang ang tingin marahil ay kanina pa natunaw ang kaniyang kaibigan.

"Halika na, mamaya mo na gawin yan. Ikaw naman ang Valedictorian. Kung sino pa ang matalino siya pa ang sobra kung mag aral." parinig nito, tiningnan niya na lamang ito ng masama at inirapan bago ayusin ang mga gamit nito. Nang kukunin niya na ito ay inagaw sa kaniya ni Luis ang mga gamit niya.

"Ako na. Ayoko nahihirapan ka." sabi nito nanlaki naman ang mata ni Chantal dahil sa kaniyang narinig, namumula na rin ang kaniyang pisngi dahil sa hiya.

"A-ano?" nauutal na tanong nito "Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko, ako na ang mag dadala dahil ayokong mahirapan ka." pag uulit nito at doon ay lalong pinamulahan ng pisngi si Chantal.

"B-bakit?"

"Anong bakit?" nag tatakang tanong din ni Luis

"Bakit ayaw mo ako mahirapan?"

"Syempre, maliit ka na nga, padadalhin pa ba kita ng mga to? Edi lalo ka lumiit." sagot nito at agad na humagalpak sa tawa. Nginisian na lamang siya ni Chantal at nauna ng lumabas

"Hoy teka sandali, hintayin mo ako mabigat to!"

"Bahala ka sa buhay mo!"




GYM

"Hoy, bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ni Prof" salubong agad ni Benjamin sa kaniya

"Eh natagalan ako sa classroom e, tinapos ko pa yung papers tsaka may asungot na epal." sabi nito, tiningnan naman siya ng kaibigan niya ng mapang asar na tingin

"Sus, kunwari ka pa. Gusto mo rin naman na kinukulit ka niya." sabi nito, pinanlakihan naman siya ng mata ni Chantal at kinurot sa tagiliran.

"Hoy Benjamin Jose, manahimik ka nga at baka may maka rinig sayo, nako malalagot ka talaga sakin." banta nito

"Kasi naman teh, bakit hindi ka na lang mag confess? Bakit mo pa nililihim, malay mo gusto ka rin niya." sabi nito, napa buntong hininga naman si Chantal at lumakad papunta sa kaniyang locker para kuhanin ang jug at towel nito.

"Ikaw na rin ang nag sabi, malay ko lang. Wala namang kasiguraduhan, atsaka isa pa, okay na ako dito, kuntento na ako na ganto kami. At least kahit papaano nakakasama ko siya. Tsaka in silence, there is no rejection diba nga?" 

"Pero teh, hanggang kelan mo itatago yan? Hanggang kelan mo ililihim? Hanggang kelan ka mag titiis? Kasi teh, andami jan oh. Ang daming naka abang sayo, umaasa na mapansin mo sila" kumunot naman ang noo ni Chantal

"Saan? Wala naman, wala namang nagpaparamdam." sabi nito at lumakad na papasok ng gym, sumunod naman agad si Benjamin dito at umirap

"E paano mo nga malalaman at makikita ang halaga nila, e kung yung puso at mata mo umiikot lang sa isang tao? Mahirap talaga mapansin ang ibang bagay kapag mas may pinag tutuunan ka ng pansin, bakla." nag kibit balikat na lang si Chantal, at lumamit sa kanilang propesor.

"Oh, Ms. Pizaro, I was looking for you kanina pa, Where have you been?"

"I'm sorry Ms. may tinapos lang po akong papers kanina, bakit nga po pala?"

"Since everyone knows naman na, na you're running for Valedictorian, We have a new student here. Since you are the Student Council President, gusto ko na ikaw ang mag guide sa kaniya." tumango naman siya bilang sagot dito

"Oh ayan na pala siya." sabi ng kaniyang propesor, at ng pag lingon niya ay para siyang pinag bagsakan ng langit at lupa.

Sa dinami dami ng tao, bakit siya pa?

Tanong nito sa kaniyang sarili, ng makalapit na sa kinaroroonan nila ang babae ay agad itong ngumiti kay Chantal, binigyan niya naman ito ng tipid na ngiti bago bumaling sa kaniyang propesor.

"Charlotte!" tawag ng isang pamilyar na tinig para kay Chantal, nang makita niya ang masasayang ngiti ni Luis habang naka tingin kay Roxxane, sino nga ba naman ang hindi matutuwa kung makikita mo ang taong mahal mo sa skwelahan na pinapasukan mo.

Matagal ng gusto ni Luis si Charlotte, nakilala niya ito sa kaibigan niyang si EJ, mag pinsan kasi sila at ng minsan itong bumisita sa bahay nila EJ ay naabutan niya ito doon.

"Hey! Oh I remember, you go here nga pala ano? What a coincidence."

"What do you mean?"

"Dito na rin kasi ako mag aaral." napangiti naman ng sobra si Luis habang napa yuko na lamang si Chantal at pinipigilan ang mga nangingilid na luha, maya maya pa ay may biglang may humila rito, pag angat niya ng tingin ay si Benjamin, doon ay nag simula na siyang ilabas ang luha niyang pinipigilan niya kanina.

"Shh... tahan na. Okay lang yan. Sabi ko naman sayo e."

"Ayos lang ako Ben, alam ko naman, Simula pa naman nung Una."

Safe Place Called; HomeWhere stories live. Discover now