CHAPTER 12

328 22 2
                                    

Fara pov :

Agad akong pumunta sa canteen pagkatapos ng morning classes namin. Lumapit ako sa table namin at nandon na sina Pat at Lycksy hinihintay nila ako.

"binilhan na agad kita ng pagkain bes, ayan yung paborito mong spaghetti" sabi ni Pat sa akin sabay turo nya sa binili nyang spag.

"thank you" sabi ko naman sa kanya.

"kamusta?" napatingin ako kay Lycksy ng tanungin nya ako ngumiti muna ako bago nag salita ulit.

"I'm fine" sabat ko sa kanya.

"are you okay?" tanong nya ulit sa akin. Bakit parang ang concern nya ata sa akin ngayon? Tinignan ko sya sa mga mata nya tsaka na nag salita ulit.

"yeah, I'm okay" sagot ko naman.

"bakit may problema ba bes?" tanong naman ni Pat.

"w-wala" sabat ko.

"teka nga muna, san ba kayo nag puntang dalawa kahapon bakit bigla nalang kayong nawala" tanong ni Pat. Napatingin ako kay Lycksy na nakatingin din sa akin. Umalis din sya sa school kahapon? Saan naman kaya sya pumunta.

"sumama pakiramdam ko kaya umuwi na ako ng maaga" sagot ni Lycksy kay pat.

"bakit Di moko sinabihan kahapon na masama pala pakiramdam mo" pag aalala nito.

"by the way, excited na ba kayo next week?" pang iiba ko ng topic.

"of course bes hehe" agad na sagot ni Pat.

"eh ikaw Lycksy?" baling ko naman kay Lycksy. Ngunit nag kibit balikat lamang ito.

"kain na nga tayo" sabi ni Pat tsaka na nagsimulang kumain kaya naman kumain na rin ako.

"Damn" napatingin ako kay Lycksy matapos nyang sambitin ang murang iyun. Nanlaki ang mga mata namin ni Pat ng makita namin syang nabuhusan ng malamig na juice.

"oh gurl! I'm sorry" sabi ng hindi naman kagandahan na babae.

"no it's fine you don't have to apologise" sabi ni Lycksy sabay hawi nya ng buhok na nabasa.

"ano ba yan, bat kasi hindi ka nag iingat at tumingin sa dinadaanan mo" sabi ni Pat sa babae. Natawa lamang ito at tsaka na ngumiwi kay pat. Ngunit nagulat ulit kami ng buhusan nya ulit ng juice si Lycksy kaya naman pati uniform nito ay nabasa.

"hey! What are you doing?" sabi ko sa babae.

"I guess, you'll accept my apology now" sabi nito kay Lycksy. Napasmirk si Lycksy sa sinabi nito at seryusong tumingin sa babae. Bigla pa itong nagulat sa titig ni Lycksy sa kanya ngunit agad naman nyang ibinalik ang reaction nya sa dati.

"sira ba ulo mo? Bakit mo sya binuhusan ng juice" galit na ani ni Pat kaya naman naagaw namin ang atensyon ng mga estudyante dito. Nagsimula na naman ang bulungan dito.

"because she's a flirt!" sagot naman ng babae. Biglang kumunot ang nuo ni Lycksy sa sinabi nito. Tumayo si Lycksy at hinarap ang babae.

"anong pinagsasabi mo?" kalmadong tanong ni Lycksy sa kanya.

"oh dear, don't act like an innocent, we all know your story" sabi ng babae at agad naman itong sinamahan ng iba pa nyang kasama at pumwesto sa likod nito. Mala sarradeth lang ang peg?

"really? Spell it then" walang emosyong ani ni Lycksy sa babae.

"isa kang malandi! Inahas mo ang boss zyruz namin kaya ka nya niyayang maging partner at pumayag ka naman MALANDI KA TALAGA!" gulat kami sa sigaw ng isang maliit na babae na kasama nitong bumuhos ng juice kay Lycksy. Aba ang tapang naman nitong minion na ito ah sabay tawa ko habang iniisip ito. Bumaling ang tingin ni Lycksy sa maliit na babae matapos itong sumigaw maya maya pa ay biglang natawa si Lycksy ng malakas pati ako ay natawa na rin.

A BOYISH MEET THE GANGSTER BOYWhere stories live. Discover now