023

317 17 3
                                    

Wearing my oversized hoodie and leggings, I drove to one of my favorite coffee shop near my condo unit.

Actually, ako lang talaga ang may hilig sa mga kape, ngunit dahil na rin siguro sa pagiging magkaibigan namin ni Jonna, naging pamilyar na rin siya sa lasa nito at kalauna'y nagustuhan na rin ito.

The rain is pouring endlessly, which bought the familiar nostalgia and gloom, I am starting to feel.

Sa tuwing bumubuhos ang ulan, hindi ko mapigilang isipin ang lahat ng pinagdaanan ko. Mula nang mamulat ako sa katotohanang hindi lahat ng meron tayo ay mananatili, katulad na lamang ng mga magulang ko.

Sariwa pa sa isip ko kung paano sila nawalan ng buhay, kung paano bumagal ang kanilang paghinga, kung paano ko nasaksihan ang huling pagbukas ng talukap ng kanilang mga mata. Tila isa na itong bangungot sa aking buhay, hinding hindi malilimutan at mababalikan.

I snapped out of my thoughts when a loud honk of a car filled my ears, napagtanto ko na nakahinto pala ang aking kotse sa gitna ng kalsada. Agad akong natauhan at ipinagpatuloy ang pag drive, baka nandoon na si Jonna, tiyak na sasalubungin na naman ako nito ng nakakunot na noo at magkasalubong na kilay, napangisi ako sa aking naisip.

Nang makarating ako ay kinuha ko ang aking wallet at cellphone at ibinulsa ito sa aking hoodie. I immediately went out of my car, sinigurado ko muna na naka-lock 'yon para hindi manakawan.

Habang naglalakad ay inayos ko ang aking buhok dahil nagulo ito sa kotse, yumuko rin ako dahil sa mga patak ng ulan, wala rin kasi akong dala na payong.

I was about to run towards the coffee shope when I stumbled to someone's chest. Agad kong nalanghap ang pamilyar na bango, the musk scent filled my nose which I found comforting. I looked up to see who was it and I wasn't wrong when I thought that it was Midnight.

Alanganin akong ngumiti.

"H-hey," I stuttered.

He looked at me and was about to say something when someone hugged him from his side.

I looked at his side to see who is it and was surprised when I saw her sister.

Napaawang ang aking bibig at napatitig sa babae.

She has a straight hair, tantalizing eyes just like Midnight's, she has a tiny nose and lips. All I can say is she that she's really gorgeous!

"U-uh, hi?" I greeted her even though I am not sure if she would greet me back.

"Hi po! I'm Sunny po, and you are?" hindi ko inaasahang sasagot at babati siya sa akin pabalik at maglalahad ng kanyang kamay.

"Girlfriend niya," at saka ko ininguso si Midnight na nakatingin lang sa akin.

"Kuya, you already have a girlfriend? Nice! She's beautiful, tanggap ko siya Kuya!" agad na namilog ang aking mga mata sa kanyang sinabi.

"I was just kidding..." tumawa pa ako. "...but I do want to be his girl." naibulong ko na lamang ang mga huling salita at nag iwas ng tingin.

Muli ay kinain ako ng hiya, dahil alam kong kahit ano ang aking gawin ay hinding hindi ito magkakatotoo't mangyayari.

I was startled when my phone rang, I looked to see who's the caller and my eyes widened when I saw that it was Jonna.

Agad akong lumingon kila Midnight at itinaas sa ere ang cellphone upang ipaalam na sasagot lamang ako ng tawag. Lumayo ako ng kaunti at siniguradong hindi nila ako maririnig.

"Asan ka na bang bruha ka?" malakas na bulyaw agad ni Jonna ang sumalubong sa akin.

"Andito na 'ko sa labas, nakasalubong ko lang si Midnight bebe!" humagikhik pa ako na siguradong narinig niya.

"Ang landi mong bruha ka! Halika na dito, bibilhan mo pa ako ng milktea!" aniya.

"Yes Ma'am!" nilakihan ko pa ang aking boses na parang pulis para inisin siya, kaya nang bumalik ako sa harap nila Midnight ay abot sa tenga ang aking ngiti.

"Una na ako Doc. Samuel at Sunny!" I waved at them.

"Ingat ka, Ate, uhm what's your name nga po pala?" she smiled awkwardly.

I let out a laugh and smiled at her.

"Just call me Dawn! Doc. Dawn."

"So you're a Doctor po pala... Ingat po kayo ng boyfriend mo!" masayang sambit niya.

"Boyfriend who? Wala akong boyfriend Sunny!" kunot noong saad ko.

"Huwag na po kayong mahiya, kausap niyo pa lang po sa telepono kanina at tuwang tuwa ka pa po!" she pointed out.

"Oh, that! I don't have a boyfriend-" naputol ang aking sasabihin nang magsalita si Midnight.

"Let's go, Sunny." puno ng awtoridad ang kanyang boses.

Napasimangot na lamang ako.

"Nice meeting you Ate Dawn, uuwi na po kami ni kuyang masungit!" saka siya humagikhik.

"Ingat kayo!" I said with a grin and while waving at them cutely.

Dali dali akong pumasok sa coffee shop at hinanap si Jonna. Hindi nga ako nagkamali na sasalubungin niya ako nang nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay.

I went to our table and kissed her cheek.

Hindi niya pa rin ako tinatantanan sa kanyang mga tingin kaya sumuko na lang ako.

"Fine, I'll order!" I said with my hands on the air making it look like I surrendered to her.

We spent the rainy and cold night together, inside the coffee shop where a new memory was made. We even took a lot of pictures.

When it was near twelve am, we decided to call it a night.

Jonna went to the comfort room first while I walked towards the exit of the coffee shop.

Diretso ang aking lakad at hindi namalayang may nabunggo pala ako. Tiningala ko ito at nakita ang isang matipunong lalaki na may gwapong mukha, ngunit hindi pa rin nito matatalo si Midnight.

"I'm sorry..." I bowed my head a little.

"Nah, it's okay miss." he smiled.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad kasabay ang lalaki dahil palabas na rin pala siya. Nang makarating sa tapat ng aking kotse, hinarap ko siya at ngumiti ng alanganin.

"I'm Enzo, by the way. You are?" saka niya inilahad ang kanyang kamay.

Maglalahad na sana ako ng aking kamay nang may mainit at matipunong braso ang pumalibot sa aking baywang na siyang nakapagpa-tahimik sa akin.

"Midnight, her man."





Exquisite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon