Krisz Povs*
Pagdating namin sa kuta ng mga terorista ay naghiwa-hiwalay na kami para pumunta sa mga position namin. Pumasok kami ni Inah sa isang bahay na walang ingay.
Inihanda ko ang dagger na nasa kaliwang kamay ko pagpasok namin sa bahay, kaagad sumalubong sa akin ang katahimikan. Masyado ng malalim ang gabi para magising sila, meron naman pa ring mga nagro-ronda na kalaban at mas mahigpit ang pagbabantay nila kaysa sa pagbabantay ng mga jowa niyo. Charurot! Nakuha ko pang bumanat sa ganitong sitwasyon namin.
Nag hand-signal ako kay Inah na siyang ang tumingin sa itaas "You just have 8 minutes to be in your positions."rinig kong sabi ni Dos sa earpiece. Kaya mabilis kong sinimulan ang pagcle-clearing sa baba.
Aakma na sana akong aakyat sa ikalawang palapag ng may magsalita sa likod ko "Wag kang gagalaw kung ayaw mong mamatay ang babaeng to."saad ng lalaki habang may hawak na kutsilyo at nakatutok sa leeg ni Kwatro.
Putragis wala na kaming oras para makipag away pa. Kaya mabilis kong itinapon ang dagger ko sa may hita niya dahil basi na rin sa mga galaw niya ay di siya masyadong bihasa sa pakikipaglaban, kaagad siyang napaluhod kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon na sipain ang leeg niya mabilis ko ring kinuha ang kutsilyo sa hita niya at hiniwa ang leeg niya, hindi ko pwedeng may haharang sa mga plano namin.
Nakahandusay sa sahig ang lalaki at naliligo sa sariling dugo "Set up all you need to do."utos ko kay Kwatro at bubuhatin ko na sana ang lalaki ng makarinig kami ng kalabog sa may hagdanan. Nagising ang mag ina niya, bwiset! Wag naman sana nila kaming kalabanin.
Mahinahon akong lumapit sa may hagdan "We're not here to fight you."kalmadong saad ni Kwatro at mas lumapit pa sa dalawa "Wala kaming gagawing masama sa inyo kung susunod kayo sa amin, we just here to rescue our friends."paliwanag ulit niya sa kanila
Kita ko ang takot sa mga mata ng dalawa, ang batang nakahawak sa kamay ng kaniyang ina ay tahimik na umiiyak. Mukhang nakita nila ang krimen na ginawa ko sa tatay nila "Ako na ang bahala sakanila, just go upstairs."pahayag ko at kinuha ang kamay ng ina at hinala pababa ng hagdan.
Pinaupo ko sila sa isang gilid at itinali ang mga kamay at paa nila, rinig ko pa rin ang mga hikbi ng bata "Patawad sa mga nakita niyo, kailangan lang talaga naming pumatay dahil sa karahasan ng mundo."pahayag ko at ngumiti ng kaonti at tumayo na pero nagulat ako ng hawakan ng ginang ang kamay "Salamat, dahil ikaw na ang pumatay sa asawa ko. Hindi siya naging mabuting ama, kung ano man ang mga hakbang niyo ay sana'y patnubayan kayo ng diyos."saad ng ginang at ngumiti rin ng kaonti
Medyo nagulat ako sa sinabi ng ginang, hindi ko akalain rito pa talaga sa kuta ng mga terorista ko maririnig iyan. Kasi akala ko lahat ng tao rito ay kampi sa kanila at anumang oras ay pwede nila kaming isumbong.
Binilisan ko na lang ang pagse-setup ng sniper ko na may thermoscope, binalingan ko si Kwatro na nakaupo upuan harap ng computer niya.
"Are you all set?"tanong ni Uno sa kabilang linya "Yes."sagot naming sabay ni Inah, nasa under ng command ni Zach ang walong units habang kami naman ay under sa command ni Uno which is si Katrina.
"We're now moving."saad ni Uno kaya inilipat ko ang scope ko mula sa direction nila, ang scope ko ay kayang maka-detect ng heat temperature ng isang tao basta't pasok ito sa range ng scope.
"I already found their Omega Site."rinig kong sabi ni Kwatro "Deploying the bee's."dagdag niya, ang mga bee's ay parang mga disguise drone na imbento ni Uno. Diba ang cool!
"Maraming mga tauhan ang nakapalibot rito sa compound."saad ko at ilang minuto na lang ay magkikita na sila ng kalaban. Rinig ko rin na nagsimula ng umatake ang mga tauhan namin ng di nag iingay. Napanatag ang loob ko ng makita sa scope na natutumba na ang mga terorista, ngunit alam ko rin sa sarili ko na maaring marami ang masawi.