Krisz Povs*
Tagaktak ang pawis sa mukha ko, dahil sa pag push ups namin para parusa namin dahil na late kami. Kita sa mga kasama ko ang pagod pero nandoon pa rin ang determinasyon sa kanilang mga mukha.
"More faster soldiers!"sigaw ng Major namin, siya kasi ang nagpa warm-up sa amin. Tangina, ramdam ko ng namamanhid na ang tiyan ko. Wala pa nga kaming kain ng lunch, idagdag mo pang tirik na tirik ang araw ngayon.
"One hundred ten!"sigaw namin ng sabay sabay. At kaagad tumayo, rinig ko ang lalim ng paghinga namin. Kami lang kasi ng team ko ang nasa loob ng buong gymnasium dito sa headquarters.
"Today you have a new mission, Bravo team."pahayag ni major "You and your team were going to Australia, understand?!"
"Sir yes sir."sagot namin
"Captain come with me, I'll give you the information you need for your target. Dismiss."ma owtoridad niyang sabi at tumalikod na kaya nagmadali ako na sumunod sakanya.
It's been six year and a half? Hindi ako sigurado. Pero sigurado akong nakamit na namin ang mga gusto namin. Inah became an orthopaedic doctor, si katrina naman ay isang cardiothoracic doctor at si bella naman ay isang successful architect sa buong Asia.
Kahit nasa pilipinas kaming lahat, ay puro naman busy ang mga schedules namin. Pero nagkakaroon naman kami ng bonding time. But I can't help to miss them, wala naman akong magagawa dahil kailangan namin magtrabaho dahil may kaniya kaniya kaming pamilya na bubuhayin.
Si Inah may dalawang kapatid na pinapa aral at ang mga magulang niya naman ay nasa bahay lang, tapos si bella ay umaasang pamilya rin dahil ang mama niya at papa ay nasa bahay lang rin. Tapos si katrina ay may tatlong kapatid na pinapa aral habang ako ay may isang kapatid na pinapa aral. Nung tumiwalag kasi kami sa Mafia, lahat ng sustento ay iniwan namin. Hindi naman kami mayaman, yung tipo na makakain sa isang araw ay okay na. Nasa middle class guro kami.
Maraming katanungan siguro ang tumatakbo sa isip niyo at isa na roon kung bakit kami sumali sa mafia. Dahil lahat kami ay may pinagdaanan, at dahil na rin sa impluwensiya ng mga magulang namin. Dati rin silang kasali ng mafia.
So back to reality tayo guys, nakadating na pala kami sa office ni Major. Pagpasok namin ay umupo siya kaagad sa upuan niya tapos ako ay nakatayo lag sa harapan niya.
Napatawa siya "Umupo kana krisz, diba sabi ko kapag tayong dalawa lang ay wag kanang maging pormal para ka kasing ewan."saad niya, magkasing edad lang kasi kami ni Major Shin Daemon Cardigama. At isa rin siya sa nakasama ko sa mga training namin nung nagsisimula pa lamang ako rito.
Umupo ako bago sumagot "Whatever shin!"sagot ko rito at inikutan siya ng mata
May inilapag siya sa table niya na mga brown envelope "Nandiyan na ang kakailanganin niyo, all the information and other stuffs."pahayag niya at nagsindi ng sigarilyo, inalok niya pa ako pero tumanggi ako tumigil na kasi ako "This is your last mission bago ang leave mo diba?"tanong niya, pagkatapos kasi ng mission ay magle-leave muna ako sa trabaho ganoon rin ang team ko.
"Yeah, gusto ko munang mag relax."sagot ko sakanya
"Baka dadalaw-dalawin kita, mami-miss kasi kita."banat niya sa akin. Tsk, di naman nakakakilig puro niya kasi mga banat ay mga bulok. Nakakadiri talaga siyang tingnan, gwapo naman si Shin dahil kasama siya sa military kaya ano pang ine-expect niyo sa pangangatawan niya edi maganda. Marami ngang nagkakandarapang mga babae sakanya, pero di ko talaga siya type ganoon rin naman siya sa akin kapatid ang turingan namin sa isa't isa.
"Tumigil ka nga! Nandidiri ako sayo like ewww."conyo kong sabi at sabay kaming napatawa.
Nagkwentuhan pa kaming dalawa, hanggang sa nagpaalam na ako dahil magme-meeting pa kami ng team. Bukas na kasi kaagad ang alis namin patungong Australia. Pumunta na ako sa sarili naming conference room, bubuksan ko na sana ang pintuan kaso napatingin ako sa kabilang pinto. Conference room iyon ng Alpha team, sila ang mas mga nakakataas sa amin kasali si Shin sa team na iyan.
