'Walang Alam'
Hindi ito Lovestory.
Kwento ito ng pagod, pagod na kaisipan ng isang babae. Paulit ulit at walang katapusan. Umuulit ulit lang ang pakiramdam. Kung bakit? baka dahil, kaya nating magpatawad . Kayang lumipas ng panahon at maunawan ng dating walang alam na isipan ang mga bagay. Pero hindi kayang makalimot. Hindi tayo nakakalimot, nakahit anong pagintindi natin, bumabalik kasi hindi tayo nakakalimot. Hindi ito lovestory, pagod lang ako.Gaia nga pala ...
Pano ba makalimot ?
Mula sa mga alala ng mga taong nakasakit sayo. Paano makalimot sa mga tao at alaala na minsan naman naging masaya para sayo. Pano mawala ng hindi nalalaman ng lahat?
May iba pa bang paraan bukod sa pagpapatiwakal?Wala akong alam na magiging ganto ang kaisipan ko. Siguro nagluluksa ang batang ako, Pasensya ka na... Binago ka ng mundo .
Sinaktan ka nila, binago nila ang kulay mo. Nawala ang liwanag mo ng sinimulan mong aralin mabuhay sa mundo. Binago ng ikot ng mundo ang mga pananaw mo .
You are raise toughly, to survive but not to love and care. You grew up detached.
You lost the light along the way.Nalala ko noon, sabi ko sa kaibigan ko na nagaaral gumuhit. Medyo wala kasi syang tiwala sa gawa nya.
'hindi yan pangit, lahat ng ginawa ng Diyos ay maganda '
Tangina, it hits me so bad now. Because now I question my self all the time. Feel bad all the time because I feel and say I'm ugly.
I can't believe those words again. It hurts everytime I try to believe to those words again. Maybe that's my hard pill to swallow.Bago ako mag unang baitang sa elementarya kilala ako sa lugar namin na sumasayaw. Kilala kong mahilig at magaling sumayaw. Kaya nung pumapasok na ko sa paaralan at may presentasyon para sa isang programa ay nagpresenta ako. Nag-audition ako, pero sinabihan ako ng nung isa sa mga kamag-aral ko na...
"bat nandito? di ka kasali . Kami lang yung tinawag . sobra na bumalik ka na. di ka na pwede "
Yan nung grade one ako non, tapos nung grade two ako ito naman ang natanggap ko.
"bat ba kasali dito yan di naman marunog ang pangit pa "
Alam ko naman di ako maganda.
Maaring mababaw to para sa iba pero sana maunawaan nyo. Nung panahong yun sa edad na walo masakit sakin yun. Kaya hanggang ngayon tanda ko yun.
Nung nasa ika-anim na baitang naman ako o grade six . Isa, isa sa mga kaibigan ko sinabi to sakin.
" wag kang magbangs mukha kang kambing ,samin lang bagay to . gaya gaya "
Babaw di ba? pero kasi bata e. Tapos naipon na .
Hindi ko alam bat ako na pupunta sa group of friends ng mga babaeng maganda , siguro maganda noong panahon na yun ,famous kung baga sa eskwela. Baka ako yung confirmation nila na maganda sila. Kailangan pangit ang katabi nila.
Ito yung sinabi sakin nung unang taon ko sa High school ng lalaki kong kakaklase.
Disclaimer, di nya ko crush para asarin ,bully po talaga sya sa section namin." Alam mo ikaw lang pangit sa inyo magkakaibigan"
"ang itim mo kasi "
Natulala talaga ko , speechless ako non.
Don confirm kahit alam ko naman na. Pero lalong diniin sakin yung katotohanan.
Nagsorry naman sya siguro after years . Naalala nya pa pala, pero kahit humingi sya ng patawad, gumuhit na sakin yun.
Grabe yung pakiramdam na buong buhay mo pinaparamdam sayo ng mundo na pangit ka.
Kaya di ko na tinatanong yung ," Pangit ba ko?" Alam ko na yung sagot .
Pagod na Binibini,
Gaia Mendoza
(Ga~ya)
BINABASA MO ANG
Pagod na
General FictionPagod na ko. Para akong kandilang na uupos. Tuwing sinusubukan kong intindihin ang mundo, mas lalo akong nauubos. Gusto kong magsimula ulit, ipaganganak ulit. Bago, fresh start, kung baga. Baka sakaling mabawi nito ang ano mang pagod na meron ako .