Second year na ako ngayon. Well, ikaw rin naman.
Kaso lumipat ka ng ibang school pag ka graduate natin ng grade six. Lumipat ka sa isang all boys school. Sayang, valedictorian ka pa man din.
Pero okay parin naman. Nagkikita parin naman kita sa church natin, ikaw at ang bestfriend mo na naging crush ko.
Aaminin ko may crush na rin ako sayo nun pero parang mas crush ko parin yung bestfriend mo. Pero ang weird nga e. Kase, kahit na nalaman kong crush nya yung isang church mate natin at kahit alam kong may spark nanaman sakanilang dalawa ng ex nya nung grade six tayo e, di man lang ako nasaktan kagaya sa iba kong crush noon. Ilang linggo lang rin ang tinagal ng pagkakaroon ko ng crush sakanya.
Pero alam mo nalaman ko lang na sayo pala ako may gusto ng mga panahong nalaman kong yung gusto mo pala eh yung church mate natin. Hinayang na hinayang ako nun. Para pa nga akong timang na humiling sa star nun eh ang sabi ko pa,
Sana ako na lang.
Oh diba? Parang timang lang. Asa pa ako.
Simula nun ikaw na yung alam kong crush ko. Pero ni isa sa mga kaibigan ko ngayong highschool walang nakakaalam. Haha. Tuwang tuwa nga ako nung isang araw may kagaguhang ginawa yung kaibigan natin e.
Biruin mo?! Sinabi nya dun sa may gusto sayo six years ata? Na... Tayo raw!
Natuwa ako sympre kase halos lahat ng tao sinasabong tayo raw. Kaso sa kabilang banda, nalulungkot ako kase alam ko namang hindi talaga tayo.
Pero ang matindi, maraming nagakala na totoo.
Haha kung alam lang nila. Lagi kong hinihiling na,
Sana tayo na lang.
Pero nyeta e. Kaso hindi tayo. Ang mapikto pa, maraming nagagalit sakin simula nang malaman nilang 'tayo' raw. Eh tangna buti sana kung oo, edi katuwa ko pa eh kagaya nga ng sabi ko. HINDI TAYO.
Una, yung may gusto sayo ng six Years, nagalit sa akin at hindi ako pinansin ng ilang linggo. Puno nga ng patama ang twitter nya e. Tapos lagi nya akong iniiwasan. Hanggang convo nga nila ng pinsan nya sa comment sa instagram eh dawit pa ako. Kung di ko nga lang sinabi na di totoo yun galit parin siguro yun.
Pero ayos din nangyari yun. Edi sana hindi rin mangyayari yung nangyari noong simbang gabi.
Alala ko pa yung gabing yun.
Katatapos lang ng practice natin sa sayaw nun. Hindi ako umiimik nun kase may kanya kanya kayong usapan ng iba nating mga kaibigang lalaki sa church. Pero sa huli nag usap usap rin naman tayo. Nag kaayaan tayong pumunta sa 7-eleven nun. Niloloko pa nga kita na ilibre ako ng cadbury nun kahit yung tig si-sixteen lang.
Tayo yung magkasabay maglakad noon, kaya nga kinakantyawan tayo ng mga barkada natin noon e. Na tayo raw, pero sympre todo tanggi naman ako. Kasi, wala naman talagang 'tayo'.
Habang umo-order sila kase nga libre ng mama ng bestfriend mo kaya ayun sila kuha ng kuha. Kaya naiwan tayong dalawa sa lamesa. Habang nakaupo nga tayo, umiisip ako ng sasabihin ko sayo. Kaya ang sinabi ko na lang
'Uy! Libre mo nga akong cadbury!'
Laking tuwa ko naman nung binilhan mo 'ko ng cadbury ata?'Di ko kase alam... kung sa akin talaga yun... O nag aasume lang ako.
Pero sa kakaisip ko nun. Boset! Pagtingin ko sa chocolate. Ubos na ng dalawang ugok na kaibigan natin! Badtrip. ▔□▔)/▔□▔)/▔□▔)/
Naglokohan tayo konti. chinallenge ka pa nga namin na bumili ng condom e. Haha.
Pero ang pinaka di ko makakalimutan na nangyari nun eh noong sinabi kong
'Brrr. Nilalamig ako.' Eh kung sa malamig nga sa 7-eleven e. Tapos ang sagot mo.
'Eto jacket ko oh.' Yun na e. Huhubarin mo na kaso niloko ka kase ng dalawang ugok. Di tuloy natuloy pag bibigay ng jacket mo sakin.
