Chapter 5- UFO

75 5 0
                                    

Diary,

Nagising ako kanina ng mga 2:13 to be exact ng madaling araw. Bigla kasi akong nagising sa ilaw mula sa bintana ng kwarto ko, natakot naman ako kasi bukas rin yung bintana tapos napaka lakas ng hangin. Nasa labas na yata yung mga alien, nandyan na yata yung space ship na sasakyan ko. Jusko po! Wag naman sana, baka sinusundo na ako ng totoo kong pamilya!

Natulog na lang ako kunyari patay na ko para di na nila ako kunin, tutal wala naman silang mapapala sa akin kapag patay na ko. Habang nakapikit ako, iniisip ko na pumasok na yung mga alien sa bintana, mga wala silang manners may pintuan kaya! Lalong lumakas yung hangin tapos nagulat ako kasi biglang lumiwag, kahit nakapikit ako alam kong maliwanag, special powers ko yon diary wag kang maingay ha? Kung ayaw mong sunugin kita.

Akala ko non kukunin na ako ng spaceship ko nung biglang lumiwanav, diba ganun yung sa tv kapag nanga-abduct ang mga aliens may ilaw na lumalabas tapos aangat yung kukunin nila hanggang sa makuha na nila ng tuluyan?

Kumapit ako non ng mahigpit sa bed sheet ng kama para paginabduct ako ng mga kamag-anak ko may dala akong kama, baka di kasi nila alam na uso kama sa earth.

Tapos-- ay mamaya na lang pala diary, tutulungan lang namin si Jungkook sa assignment niya.

-

Diary ni TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon