Chapter VIII - My Knight

40 8 8
                                    

"Aaack!"

Halos lahat yata ng kinain ko mula kagabi ay naiduwal ko. Natitikman ko pa ang mapait na likido mula sa sikmura ko nang halos lahat ay maisuka ko.

Nakakaramdam pa ako ng pagkahilo. Naghuhuramentado pa rin ang tiyan ko ngunit wala na talaga akong maisuka.

"Ecka? Okay ka lang ba? Eto ang Vicks oh."

Naramdaman ko ang paghaplos ng isang kamay sa likod ko na sinundan pa ng paghagod doon.

Para bang sandaling nawala ang sama ng pakiramdam ko. Doon ko unti-unting napagtatanto ang lahat.

Napatingin ako sa supot ng pagkain na hawak-hawak ko pa rin. Nabalot na sa suka ang sa wari ko ay hotdog, siopao at Chuckie na aalmusalin yata ni Nicky.

Napakagat ako sa labi ko at dahan-dahan kong tinagpo ang mga mata ni Nicky. Kita ko roon ang pag-aalala sa sitwasyon ko ngayon. Ni hindi man lang niya yata naalala na sinukahan ko ang binili niya.

"N-Nicky. P-Pasensya ka na. P-Papalitan ko na la—"

"Shhhhh.." Binilisan niya nang konti ang paghagod sa likod ko. "Wag mo akong intindihin. Kumusta na ang pakiramdam mo?"

Iniiwas ko na ang tingin ko kay Nicky sa pagkakataong iyon. Bakit ba kasi sa lahat ng pagkakataon e nagkakatagpo kami sa tuwing may nakakahiyang nangyari sa akin? Hustisya naman, oh.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinahid ko ang bibig ko. Lihim ko pang sinulyapan kung may tumalsik bang something sa damit ni Nicky. Mabuti naman at wala. Nakakahiya kasi kung meron.

"Okay lang ako, Nicky." Ihhhh. Gusto kong kiligin pero mas nangingibabaw talaga 'yung hiya. Kainis kasi. "Teka, bababa na ako. Bibili lang ako ng pagkain na ipapalit sa... sa... ahh.. Ahm, alam kong nagugutom ka na. Wait lang ha?"

Tumalikod na ako at akmang bababa nang tawagin niya ang atensiyon ko.

"No. Sit down here. Ako na ang bibili ng pagkain natin."

Natin? Big word! Ihhhhh.. Enebe, Nicky. Naiinlab ako lalo tuloy.

Inihawak ko ang kamay ko sa sintido ko. Actually okay na ako nang konti. Umaarte lang kasi nandyan si Nicky e. Gusto ko lang ulit makita kung paano siya mag-care. Hihi.

Ang landi mo, Ecka! Haha.

"See? I told you." Nakalapit na agad si Nicky at inalalayan niya akong makaupo sa upuan ko. "Dito ka lang. Bibili lang ako nang mabilis."

Tumango-tango ako at nang masiguro kong nakababa na siya ay doon ko na inilabas ang lahat ng pinipigilan kong kilig.

Ihhhhhhhhh!

Siyempre medyo pigil pa rin. Baka kasi may makakita sa akin e sabihan pa akong naluluwagan na ako ng turnilyo. Haha.

Sampung minuto ang nakalipas ay nakita kong umakyat na ang bestfriend kong si Gecel. Kabuntot niya ang apat na tropa ni Nicky.

"Oh, Bestie. Pinapaabot ng prince charming mo." Sinundan iyon ng malakas na tudyo ng magtotropa.

Sinuklian ko sila ng isang tipid na ngiti. Yung ngiting hindi abot sa mata. In short, fake smile. Kinuha ko na ang supot na iniabot ni Gecel. May laman 'yung isang supot ng pancake, one cup of hot chocolate at tatlong tuna pie sandwich. Napangiti ako at nakaramdam ng kuryenteng nagmula sa puso ko na dumadaloy sa ugat sa buong katawan ko. Kakilig, promise!

Umupo na ang magtotropa sa dati nilang upuan. Ganoon din naman si Gecel sa tabi ko na agad kinuha ang headset. Mukhang magpapatugtog yata.

Iniangat ko ang tingin ko. Wala si Nicky? Hindi nila kasama pag-akyat? Bakit hindi siya ang nag-abot nu'ng food?

Reciprocated [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon