Chapter 2

8 2 2
                                    


Love Nerdy written by Chologsabogsa

Chapter 2: Trust

Juliana

Maaga akong pumasok dahil sa maaga rin siguro akong natulog. Pagpasok ko sa room nakita ko agad si Ella na kasalukuyang nagsasagot, hindi ko alam kung ano yung sinasagutan nya pero sa tingin ko assignment namin 'yon.

Magkatabi kami ng upuan ni Ella kaya nung naupo ako agad syang napatingin sa akin. Yung tingin na may kailangan.

"Pakopya ako." Diretsang sabi nya.

Nagpantay ang kilay ko sa narinig sa kanya. Hindi naman sya laging nangongopya at madalas namang gumagawa itong si Ella kaya minsan kapag nangongopya sya nagtataka talaga ako at nagtatanong kung bakit hindi nya nagawa.

"Anong bang ginawa mo? Ba't hindi ka nakagawa?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Hindi ko kasi feel magsagot kagabi kaya tamang soundtrip lang ako sa kwarto ko kagabi." Sagot nito.

Anong trip nya? Hindi sya gumawa ng assignment para lang makinig buong gabi?

"As in magdamag ka nakinig?" Paniniguro ko.

"Mamaya kana tanong ng tanong! Pakopya nako!" Sabi nito.

Hindi nako nakaangal pa kaya kinuha ko na lang sa loob ng bag ko ang notebook ko at iniabot kaagad sa kanya ng makuha ko. Tahimik na lang akong nag aantay sa Lec, paminsan minsan tumitingin pako kay Ella habang sinisiguro nito na tama ang sagot ko.

Nangopya pa sya sa 'kin kung sinisiguro nya edi sana hindi na sya nangopya at sya na mismo naghanap ng sagot.

Bigla ko tuloy naisip si Roshiro. Nakaramdam ako ng pananabik ng maisip ko na magkikita kami mamaya. Haist. Feeling ko antagal ko syang hindi nakita. Feeling ko antagal kong hindi sya na kakwentuhan.

Oo. Madalas kami mag kwentuhan nitong si Roshiro pero about sa mga kalokohan o mga natutunan lang nya. Hindi pa sya nag oopen sa akin about sa past relationship nila. Magaganda kaya yung mga naging ex nya? Siguro.. sa gwapo nya ba namang iyon. Malamang sa malamang magaganda ang mga 'yon.

Pagpasok ng Lec nabigla ako ng biglang inihagis sa akin ni Ella ang notebook ko kaya nahulog iyon sa lapag. Gusto kong singhalan sya sa ginawa nyang pagtapon. Takot na takot?! Pero pag mangongopya hindi?!

Nahulog iyon sa lapag dahil sa hindi ko nasalo. Kaya yumuko ako para kunin ang nahulog kong notebook. Tumingin pa muna ako kay Ella para simangutan sya sa ginawa nya pero napakunot ang noo ko ng makita ko ang notebook ko sa arm chair nya. Lumipat ang tingin ko sa notebook na nahulog sa lapag. Ang gaga nagkamali ng bato kaya yung notebook nya siguro ang naibato. HAHAHAHA! Tanga! Diretsong nakatingin si Ella sa harap na akala mo napaka aktibong studyante.

Napangiti ako kaya lang agad nawala iyon ng may napansin akong nakalitaw sa notebook nya. Isang picture siguro. Kinuha ko ang notebook kasabay ng pagkuha ko sa picture na nakaipit sa notebook. Umarko ang kilay ko ng makitang punit ang picture.

Si Ella lang ang nasa pic pero mukhang may kasama syang lalaki na nakaakbay sa kanya. Sinadya kayang punitin nitong si Ella ang picture na 'to?

Biglang may umagaw sa akin ng hawak kong litrato. Si Ella. Kinuha rin nito yung notebook.

"Ang dami mong pinapakelaman." Sabi nito saka inipit muli sa notebook yung litrato. Pagtapos ng ginawa nya ay sya na mismo naglagay ng notebook ko sa upuan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Nerdy LIS#3 (OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon