U N O

17 3 0
                                    


Haidie's POV

Nag mulat ang aking mga mata, hindi ko maintindihan kung bakit may lalaking biglang lumabas sa aking panaginip. Ang nakakaloka pa neto niyakap ko pa.

Kinuha ko ang isang maliit na board kasama na ang sticky notes ko at ballpen. Sinulat ko ito.

[On a road, at night]

[I hugged a man I've never seen before.]


Habang sinusulat ko ang napanaginipan ko biglang bumukas ang pinto at niluwal ng pinto ang papa ko.

"Gising ka na pala, bangon ka dyan" malambing na sabi niya, lumapit siya sa bintana at binuksan niya 'to.

"Pa?" Nag aalangang tawag ko sa kanya na agad naman niya kong nilingon.

"Hmm? Bakit?"

"Pa, nanaginip ako" nanlaki ang mata niya.

"Oh ano nangyare? May namatay ba? May naaksidente ba? Ano?" Sunod sunod na tanong ni papa. o.O

"Pa ang O.A mo, pero wala naman po may niyakap lang akong lalaki sa panaginip ko" napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Mabuti naman but who's that guy?" Curious na tanong niya at naupo sa tabi ko na handang makinig sa kwento ko.

"I don't know him pa, di ko nga alam kung bakit ko siya niyakap pero ang alam ko lang umiiyak ako nun then niyakap ko siya" kwento ko kay papa.

"Baka naman si Zack yun di mo lang masyadong naaninag" pag kokorek niya sa kwento ko. Wao pa ikaw ba nanaginip? HAHAHAHA

"HAHAHA Pa kilala ko naman ex-boyfriend ko jusq" nag tawanan kaming dalawa at pinalabas ko na siya kasi mag aayos pa ako dito sa kwarto ko.

Pilit na bumabagabag sakin kung sino ba yung napanaginipan kong lalaki, never ko pa talaga siya nakilala.

Lumabas nako ng kwarto ko at umupo sa may sofa na malapit sa bintana, bukad ito kaya kitang kita ang labas.

Papalapit sakin si Papa na may dalang tinapay at kape, nakiupo siya sa tabi ko. Kinuha ko ang dala niya at tumingin sa labas.

Natuon ang tingin ko sa mag kapatid na lalaki't babae na sa tingin ko'y bagong lipat sa katapat naming bahay.

"Balita ko may bagong lipat daw na mag kapatid diyan sa tapat" singit ni papa.

"Kita ko..." Natigilan ako sa pag sasalita ng makita yung lalaking bagong lipat.

"P-pa, y-yung lalaki... Siya, siya yung nasa panaginip ko" agad namang namintana si papa upang tingnan.

"Naks naman anak galing mong pumili ah." Natawa ako sa sinabi niya, tumingin ulit ako sa lalaking nasa kabila.

Sa bagay tama nga si papa, he has the look na talagang gugustuhin ng mga babae. Medyo messy hair pero bagay sa kanya, matangkad, pouty lips tska mejo singkit.

Tumalikod ako, sinandal ang likod sa sofa at inisip muli yung napanaginipan ko. 'Bakit kaya kami sugatan nung gabing yun?'

Aish.

Nakakainis bakit ko ba iniisip yun?

*ding dong*

May nag doorbell kaya naman ako'y napilitang tumayo at pumunta sa gate.

Hindi pako nakakatuloy sa may gate nakita ko yung lalaki sa panaginip ko na may dalang pag kain, agad akong nag tago sa may halaman at bumalik sa may pintuan namin para tuluyang makapagtago.

"WALANG TAO DITO!" Sigaw ko na sa tingin ko naman ay narinig niya.

Infairness effective HAHAHAHA kasi umalis siya habang kinakamot ang batok niya.

"Hoy!"

"Ay palakang tumakbo! Pa! Ano ba naman kasi yaaan" inis na saad ko kay papa kasi nagulat ako bigla nung sumulpot siya sa likod ko at naki-silip din siya.

Bumalik ako sa pag kakaupo sa may sofa.

Urgh kakairita.

---

Lincoln's POV

Maaga kaming nag ligpit ng kapatid ko ng mga gamit namin para diretso na pag lumipat kami. Mamaya na kami lilipat so we need to fix our things.

"Yah! Bruh sayo ba 'to?" Inis na saad ng kapatid ko sabay bato sakin ng medyas ko.

"Ang arte mo naman psh di ka ba nag memedyas?" Tinarayan ko din siya.

"Nag memedyas ako pero jusq naman kuya labhan mo naman yung medyas mo!" Tumalikod na siya hatalang badtrip na sakin.

"HAHAHA asar bleh" pang aasar ko sa kanya. Binato niya ko na tsinelas pero nasambot ko. Matalas ata mata ko HAHAHAH.

"Bilisan mo na dyan at nasa labas na ang sasakyan natin" sabi ko sa kanya kaya dinala na niya ang mga gamit niya.

Nasa sasakyan na kami habang yakap yakap niya yung picture ni mama. "Do you miss mom?" Tanong niya sakin.

"Ah eh... O-oo naman" nag aalangang sagot ko sa kanya.

After 4 hours nakarating na kami sa bahay na lilipatan namin at kung susumahin maganda naman tska may kapit bahay na agad kami.

"Hey Lylia take this then ibigay mo sa kapitbahay natin." Utos ko sa kapatid ko, habang hawak ang Tupperware na may pag kain sa loob.

"Aish kuya it's old-fashioned, di na uso yan ngayon na pag lilipat ka mag bibigay ka ng pag kain" iritang saad niya.

"It's not old-fashioned, it's a way of kindness" pag papaliwanag ko sa kanya

"Edi ikaw mag bigay, utos mo pa sakin psh" malditang saad niya sabay pasok sa loob ng bahay kaya wala akong nagawa kundi ako nalang ang mag bibigay.

Nag lakad ako palapit sa gate ng neighbor namin at nag doorbell ako.

"GOOD DAY KAMI PO YUNG..."

"WALANG TAO DITO!" Isang sigaw na nag mumula sa bahay ang narinig ko.

Wait... Walang tao pero may sumigaw? Ang weird ng mga tao dito. Aish nakakasira ng ulo.

Kinamot ko ang batok ko feeling ko nakakahiya ang ginawa ko, tama nga yata si Ly.

Aish

Pumasok nalang din ako sa bahay at nag ayos ng mga gamit.

----

Keep on reading...

Thankyouuu( ˘ ³˘)♥



WAKE ME UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon