Second Snap

70 5 0
                                    

SNAP 2: Small Talk


I am currently here at San Juan's biggest beach. Tumutuloy muna ako sa isang resort dito para hindi hassle. Medyo malayo rin kasi ang bahay namin dito. Kailangan kong kumuha ng "perfect picture" ng sunset para sa love column ng school newspaper namin.


Binigyan ako ng isang linggo ni John para makakuha ng "perfect picture" at nagliwaliw lang ako dito for the first five days kaya ngayon two days nalang bago ko ipasa ang "perfect picture". Goodluck nalang sa 'kin!


Habang nag-aayos ako, tumunog na naman yung cellphone ko. Siguradong si John yan. Mangungulit kung nakuha ko na ba yung "perfect picture" na sinasabi niya. Instead of answering his call, I got dressed in my favorite pair of jeans and a black t-shirt then off to beach na!


Pagdating ko, agad akong naghanap ng magandang pwesto para kunin ang "perfect picture". Buti nalang meron pang place dito na wala masyadong tao. 


Andito ako ngayon nakaupo at nakasandal sa isang coconut tree. Haays. Ilang minuto nalang ang hihintayin bago mag-sunset. Pinunasan ko muna ang eyeglasses ko bago ko nilagay sa lalagyan pagkatapos ay yung lens naman ni Tuff. Yes, I named my camera. Call me weird, that's okay. Old camera 'to ng mama ko bago siya mamatay. Pareho kami ng hobby, photography.


I inherited her love for developing films.


It was almost more than my love for Kristoffer Montaverde.


He was just soooooo perfect infront of me. At sa tuwing makikita ko siya, pakiramdam ko lumulutang ako sa alapaap. Cloud 9 ang feeling!


Alam niyo rin ba yung pakiramdam na may mga paru-paro sa loob ng tyan nyo? Oo na, ako na OA. Pero ganun talaga ang nararamdaman ko whenever he's around.


At ayun nga, malayo palang alam ko ng siya yun kahit hindi ko pa suot ang eyeglasses ko. Built in palang ng katawan niya, alam ko na.


Ten years old ako nung una ko siyang nakita. Transferee siya sa school. Tahimik din siya at napaka-misteryoso kaya nga ang daming babaeng nagkakagusto sa kanya. 


Isa na ko dun.


He was with a group of other kids from school. Sila Nathan, Jackson, Andrei, Faye and Cielo ang mga kasama niya. At parang gusto ko ng hilain ang buhok ni Faye ng makita kong nilalandi na naman niya si Kristoffer, na lagi niyang ginagawa.


Wala na akong chance kay Kristoffer kung palagi siyang nandyan. Pero kung wala kaya siya, may chance nga ba ako? He's one of the popular guys in school and I'm just a nobody.


Nakuntento na ko sa panonood ko sa kanilang magkakaibigan. Faye splashed water on Kristoffer and she giggled. Naaaah. I really wanted to pull her hair.


"Let's race!" sigaw ni Nathan. At ito namang Faye na 'to, tuwang tuwa.


I looked away. Kailangan ko ng umalis bago pa nila ako makita dito. Yeah, kilala nila ako. Sino bang hindi makakakilala sa isang Elise Sanchez na nagkaroon na ng dalawang girlfriends? Not to mention, yung mga ex-girlfriends ko ay habulin ng mga lalaki sa school.

His Confession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon