Ang Babaeng mukang mangkukulam!

141 1 0
                                    

Isang araw ako'y napadaan,

Doon sa tindahan, ni Aling Susan

Nagulat ako sa aking nasilayan 

May babaeng mukang mangkukulam

Sumitsit siya sa akin,

At ako nama'y napatingin, 

Sinabi niya, "Halika, neng. Lumapit ka sakin."

Nangatog ang tuhod ko sa sobrang kaba

Napaisip ako, "Kilala ko ba siya?"

Dahan-dahan akong lumapit,

at nagsimulang magsalita

sabay tanong ng,

"Ate, may problema po ba?"

Bigla siyang ngumiti,

at ako'y kinabahan,

"Tae! tatakbo ba ko?

o Maghihintay na lang?"

Lumabas siya sa gate

at tinawag muli ako 

"Ali ka ineng, may ipapakita ako sayo!"

Ngayong lumabas siya

mas lalo akong kinilabutan

"Takte! Tao nga ba to?, o isang mangkukulam?"

ngipin niya'y kulay itim

Nanlilisik ang kanyang mata

nakakamatay ito

pati na ang kanyang hininga

papalapit na siya

hihimatayin na ako

"Bwisit kasi! Ba't pa ko pumunta dito?"

Tumigil siya saking harapan

at kuha sakanyang likuran

"TRICK oR tREAT!"

"Kuha ka ng kendi jan!"

Alam kong mukang ewan,

tong tulang pinaghirapan

maawa kau!

I-like nio naman

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Babaeng mukang mangkukulam!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon