CHAPTER 40: MOVING UP

220 45 11
                                    

FINALLY, dumating na ang nakatakdang araw para matapos ang mga paghihirap namin sa loob ng apat na taon namin sa junior high school

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FINALLY, dumating na ang nakatakdang araw para matapos ang mga paghihirap namin sa loob ng apat na taon namin sa junior high school. Magkahalong kaba, excitement, tuwa, at lungkot ang nararamdaman ko habang tinatahak namin ang daan papunta sa Carreon East Academy.

"Anak, bakit ganyan ang mukha mo? Aren't you excited?" tanong sa akin ni Daddy. Umuwi pa sila ngayon kahit na marami pa silang dapat asikasuhin dahil isa raw itong espesyal na araw para sa akin.

"Excited po ako, nalulungkot lang ako dahil hindi ko na ulit makakasama ang mga classmates ko," sagot ko. Apat na taon din ang pinagsamahan namin at parang mahihirapan akong masanay nang wala sila.

"Don't worry, anak. Sa CEA ka pa rin naman mag-aaral next year, pwede mo pang maging classmates ang ilan sa kanila," sabi naman ni Mommy sa akin.

"Pero hindi po kami sigurado kung magiging magkakaklase pa kami, pwede na kasi kaming ma-shuffle dahil hindi na kami Science Class," tugon ko. Ngayon, malalaman na namin ang pakiramdam ng napapalitan ang classmates every school year.

"Kinakabahan lang po 'yan na baka hindi na sila maging classmates ng boyfriend niya," pang-aasar sa akin ni Yaya.

"Oo nga po, hindi na sila makakapag date pagkatapos ng klase nila," panggagatong pa ni Kuya Japeth habang nagmamaneho. 'Yung feeling na nage-emote ako rito tapos bigla silang mang-aasar!

Nang makarating kami sa campus ay napakaraming tao na kaagad ang naroon at abalang-abala sa paghahanda para sa espesyal na raw na ito. May mga estudyanteng abala sa pagkuha ng larawan habang ang iba ay nag-aayos ng kanilang make up, may mga magulang na busy sa pagkukwentuhan habang ang mga stuffs ng school naman ay nagpe-prepare para sa moving up ceremony.

Namataan ko naman sina Angela at Shnnyn mula sa 'di kalayuan kaya nagpaalam muna ako sa parents ko at pinuntahan sila. Nang makalapit sa isa't isa ay hindi namin napigilang magyakapan kaagad, ito ang huling araw namin bilang magkakaklase.

"Grabe, hindi ko ma-imagine ang sarili kong pumapasok sa school nang hindi na kayo at ang mga classmates natin ang kasama ko," emosyonal na sambit ni Shannyn.

"Sana nasa iisang section pa rin tayo next year," wika naman ni Angela.

"Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang, nagkakahiyaan pa tayo sa isa't isa," sabi ko habang inaalala ang unang araw namin noon bilang high school students.

"Basta walang limutan ha? Ang nangalimot, never na talagang magkakajowa!" biro ni Shannyn.

"Ang unfair naman, si Joanna may jowa na kaagad," panunukso ni Angela sa akin. "Nasaan na nga ba siya?" tanong niya pa.

"Busy 'yun. Alam mo naman, malaki ang role ng mga top students sa moving up ceremony," sagot ko.

"Nagre-ready 'yun sa welcome remark niya, chill ka lang," wika ni Shannyn.

My Intelligent Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon