CHAPTER 18: PEACE OFFERING

222 48 26
                                    

Habang naglalakad kami sa mall ay sinikap kong magkaroon ng atleast one meter na distansya mula kay Luke

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Habang naglalakad kami sa mall ay sinikap kong magkaroon ng atleast one meter na distansya mula kay Luke. Mahirap na, baka may makakita sa amin at ma-issue kami. Hindi na ako nakipagsagutan kanina sa kaniya at sumama na lang, miss ko na rin namang magpunta sa mall. Simula kasi nang mag-start ang pasukan ay rare na lang kaming mag-mall. Nagpaiwan naman sa sasakyan si Mang Greg dahil masakit daw ang ulo niya.

"Ano ba kasing bibilhin mo? Sumakit na ang paa ko kakalakad dito," reklamo ko kay Luke dahil kanina pa kami naglalakad dito pero parang wala namang patutunguhan.

"I have to buy books," sagot niya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Books na naman? Ang dami mo na ngang binabasa eh," pamumuna ko. Every week yata ay may bagong books siyang binabasa.

"I need them for the quiz bee," tugon niya. Ang swerte ng coach niya sa kaniya dahil halatang nag-e-effort talaga si Luke para rito.

"Fine," wala nang masabing sagot ko.

"Do you want to buy anything?" pagtatanong niya.

"No, nagtitipid ako," pagsisinungaling ko.

Ang totoo niyan ay kanina pa ako maraming gustong bilhin pero hindi ko magawa dahil hindi ako nakapagdala ng pera. Hindi kasi ako mahilig magdala ng pera sa school. Hawak ko naman ang isang credit card ni Mommy pero gagamitin ko lang iyon incase of emergency.

"Okay. Pupunta lang ako sa bookstore, do you want to join me?" tanong niya ulit. Aba, at saan niya ako gustong magpunta kung hindi ako sasama sa kaniya?

"Malamang, anong gusto mo? Umikot-ikot akong mag-isa rito at mag-emote nang parang brokenhearted?" pangunguwestiyon ko sa kaniya. Binigyan niya naman ako ng "what are you talking about?" look.

"Okay, come with me then. You don't have to speak nonsense," sambit niya. Napikon ako sa tono ng pananalita niya.

"Ano? Ako? Nonsense?!" pinandilatan ko siya ng mata. Tinawanan niya lang ako.

"That's not what I mean," tanggi niya.

"Anong 'that's not what I mean' ka riyan? Eh kakasabi mo lang." Ginaya ko pa ang tono ng pananalita niya. Kung araw-araw ko talaga itong kasama, masasanay akong mag-english.

"Nevermind," walang ganang sagot niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pumasok kami sa bookstore pero sinundan ko lang siya dahil wala naman akong balak bilhin. Nagpunta siya sa section na may nagkakapalang mga educational books. Sinusuri niyang mabuti ang mga ito bago damputin.

"Ang tagal naman," reklamo ko. Nabasa ko na yata lahat ang title ng mga naka display na books dito pero hindi pa rin siya natatapos sa pamimili.

"Wait a minute," nakikiusap na tugon niya.

After 15 minutes ay natapos din siya sa pagpili. Tatlong makakapal na books ang kinuha niya. Matatapos niya lahat 'yun? Kung ako siguro ay aantukin na sa first page pa lang.

My Intelligent Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon