"Karen! Karen!!! Padaan sila ditooo!"
"Ingay naman neto. Sino ba?"
"Sino pa ba? Edi yung Click5!"
Ugh, Click5 again. Sila naman lagi yung bukang bibig ng mga babae dito sa school namin eh. Sila daw kasi yung mga "cuties" kuno. Ok fine, they ARE cute. Tipong lahat sila kacrush crush. Pero, wala lang. Hindi naman ako OA para mabaliw sakanila.
Click5. Obviously, has 5 members. Lahat sila cute.. Fine, gwapo! Almost all of them are athlete. Kilala sila parepareho dahil sa mga club nila. At higit sa lahat, nasa pilot section sila. Iba sila sa mga basta bastang sikat na tao. I mean, kapag sikat kasi ang isang tao, kadalasan masyadong mayabang. O kaya flirt. Tipong linggo linggo or buwan buwan, nagpapalit ng relationship status. Tsk. Pero ayun nga, iba yung click5. Mababait talaga sila. Saka seryoso pagdating sa mga relationship. Siguro 7mos. na yung shortest relationship sakanila. Bilang lang sa isang kamay yung mga ex niyan. Saka applicable din sakanila yung 3 month rule. Haha..
"Uyyy! Si JP!"
Si John Patrick De Guzman. "The Cutie Click5" member. Haha! Siya kasi yung pinakababy face sa Click5. Boyscout ASPL, parang Vice President. Varsity din siya ng Basketball. Ang alam ko may liniligawan na siya. Second year ata.
"Omooo! Si Jin!"
Jin Myung Soo. Yup, he's korean. "The K-pop Click5". Dun palang sa pagiging korean niya kilala na siya. Dati siyang A. Treas ng Student Coordinating Body pero sadly, talo siya this year. Kasali siya ngayon sa choir ng school namin at President ng Math Experts. Meron na din siyang liniligawan at mukhang MU na sila. Third year, I guess.
"Omg! Eto naaa. Si Andreiiii!"
Drew Andrei Legazpi. Captain ng Volleyball varsity saka Platoon officer sa CAT. Sobrang daming die hard fans neto. Siya kasi yung HOT talaga sakanila. "Click5 hottie" ika nga. Lean body, muscles, abs.. Haha! 5 months na silang wala ng ex niya pero mukhang wala padin siyang someone.
"Karen! Ayan na yung Jerome mo!"
Tss. John Jerome Fernandez. Err.. Siya yung crush ko sa Click5. Pero siyempre, pa-demure ako. Haha! Tulad nga ng sabi ko, hindi ako yung tipong maglulupasay diyan para lang makilala sila. Lalaki lang yan no! Anyway, si Jerome.. External VP yan ng Student Coordinating Body. Dagdag mo pa na Varsity din siya ng volleyball. Class president siya ng Section 1. Okay, siya na. Mestizo siya. Saka artistahin sa sobrang gwapo. Matagal tagal na din siyang walang ka-thing pero hindi ko alam kung bakit. Ikaw ba naman, ganyan kadaming responsibilities ang hawakan, ewan ko lang kung magkalove life ka pa.
"Uyy, tignan niyo si Ivan!"
Lastly, si Ivan Vincent Henzon. Gwapo, makulit, pala kaibigan. Editor in Chief siya ng The Flint, school paper. Secretary General din ng Boy scout. Siya lang din yung may official girlfriend sakanila. 4th year din, kabatch namin.
Odiba? Lahat sila big time! Hindi lang basta basta pretty face. Siguro sa lima, si Andrei yung pinakasikat. Hot eh. Tapos si JP yung least. Hindi siya ganun ka-showy eh. Pero makulit yan, sila ni Ivan. Si Andrei at Jerome naman madalas seryoso. Si Jin naman, chill lang.
Ok. Sabi ko nga hindi ako die hard fan. Alam ko lahat ng 'to kasi feature writer ako ng Flint. Tapos ako na-assign magsulat ng article tungkol sakanila. Buti nalang talaga kilala ko si Ivan dahil Flint din siya. Saka kahit papano, medyo close kami.
*sigh* "Click5! Stress reliever." Sabi nung dalawa kong kaibigan.
"Ang o-OA niyo. Stress reliever talaga?" Itong mga 'to talaga. Tsk.
"Wushu! Sobrang Kj mo talaga! Alam ko namang inlove ka na sa isa diyan." Arghh. Ayan nanaman sila sa pangaasar sakin kay Jerome. :|
"Haha!" Sarcastic. "Inlove ka diyan! Tara na nga, tapos na ang palabas. Baka mamaya ma-late pa tayo." Break namin, actually time na kaya yinayaya ko na sila paakyat.
Ah, siya nga pala. Yung click5 napakilala ko na lahat, samantalang yung sarili ko hindi pa. Karen Mae Lopez, 4th year. Simple lang, mabait, makulit, nerdy? Haha. Not really, gusto ko lang talaga maging 1st honor sa graduation para naman matuwa yung Mama ko. Sabi ko nga kanina writer ako. Ako ngayon yung Feature Writing Head ng Flint. Writer na kasi ako last year kaya promoted ako. Haha. Barkada ko yung kasama ko kanina. Si Hazel Bernardo, bestfriend ko, at si Catherine Dacanay na pinsan ko naman. Magkakaklase kami. 2nd year kami naging close ni Hazel, si Cath naman dahil pinsan ko, matagal na kaming magkakilala.
First week of classes palang ngayon. Sana naman maging ok 'tong year na 'to. :)