1

58 0 0
                                    


Francheska

" Please Kian don't leave me. I love you , you know that." Para akong tangang lumuhod sa harapan ni Kian ang boyfriend ko. Tatlong buwan palang kaming mag on pero sinabi niya sa akin na pinagkatuwaan lang daw nila ng mga barkada niya na gawin akong gitlfriend kapalit ng isang brandnew monterro sport. Pero kahit nalaman ko yun hindi ko magawang magalit sa kanya.
"Stop begging ches. Please. Tanggapin mo nalang ang katotohan na pinatulan lang kita para sa isang pusta. Ngayong tapos na sana.. Patawarin mo ako pero hindi kita mahal." Lalo pa akong napahagulhol ng dahil sa huling sinabi niya. I am damn hurt. Siya yung kauna unahang lalaking minahal ko. Siya lang yung taong pinahalagahan ko ng lubos bukod sa pamilya ko.

I was so stupid. Isang monterro sport lang pala ang halaga ko? Ang sakit sakit.

"Tell me Kian. Minahal mo ba ako kahit konti lang?" Napatungo siya. Sa loob ng tatlong buwan nakilala ko ng lubos si Kian. He was sweet ,kind and gentleman. Any woman would dream for him. Kaya nga ang swerte ko ng ligawan niya ako pero hindi lang katanggap tangap na dahil lang pala sa isang mamamahaling sasakyan kaya siya nakipag lapit sa akin. Kung alam ko lang sana na yon ang agenda niya hindi na sana ako nag assume na may isang Kian Rodriguez ang mag kakagusto sa akin. Im really really stupid para magpadala sa pagiging sweet niya sa akin.

Tumingin siya sa akin ng deretso. Walang emosyon. Pero nababasa ko sa kanyang mga mata na nalulungkot siya. Bakit ba kian? Naguguluhan ako.

"Im sorry ches." Tanging nasabi nito at nag lakad na palayo hangang hindi ko na siya ma aninag. Naramdaman ko nalang na umaambon na pero parang napako lamang ako sa aking kinatatayuan. Im still hoping na babalik siya at babawiin lahat lahat ng sinabi niya. Tuluyan nang lumakas ang ulan. Para bang nakikisimpatya ito sa sakit na nararamdan ko. Hindi ko namalayan na kusa na akong nag lalakad palayo sa lugar kung saan nawasak ako ng tuluyan.

~~~

5 years later...

Hello Philipines!!

Kakababa ko lang ng eroplanong sinakyan ko galing new york. Limang taon. Limang taon ang ginugol ko sa ibang bansa para lang makalimutan ang sakit na naranasan ko dito.

I am Francheska Guevarra. Graduate na ako sa college and now sikat na akong Fashion model sa New york.

Noon lahat lang nasaisip ko ay pag hihiganti. Later on napagod din ako sa kakaisip ng gagawin kong pag hihiganti sa lalaking nanakit sa akin noon. Instead of wasting time thinking of him I just enjoyed my stay in new york thats why naging successful ako. Ngayon I need a break. Gusto ko rin namang makasama ang pamilya ko dito kahit sa konting panahon lang.

"Hey cheska! Here!"

Naagaw ng isang lalaki ang attensyon ko. There I saw Francis Guevarra my oh so handsome brother.

Agad akong lumapit sa kanya tulak tulak ko ang cart na may mga bagahe ko. Medyo may jetlag pa ako dahil sa byahe ko.


Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ng kapatid ko. Well I admit it kahit lagi akong naiinis sa kaya noon namiss ko parin ang kakulitan niya. Isa kasi siyang jolly person. Para bang lagi lang masaya.

"I missed you little sis." Nakangiti nitong sabi pagkakalas niya ng yakap niya sa akin.

"I missed you too crazy brother." Medyo natatawa kong sambit. Yan kasi ang tawagan namin. Kahit na nakakausap ko sila through skype iba parin pala yung personal.

"You really look like a goddess. Iba pala talaga ang impact ng New york sayo. Nagmukha kanang tao. Hahahaha."

-_-

Is he really my brother? Makalait ha.

"Yah right. Ikaw rin mukhang tao nadin kasi dati mukha kang taong gubat. Yun bang sinaunang ninuno natin the cave man. Ha-ha-ha" I gave him my fake poker face.

"Ikaw talaga little sis di parin nag babago. Pikunin parin." Sabi nito at inakbayan ako.

"Same as you crazy brother. Mapang asar kaparin."

Ginulo niya lang ang buhok ko bago sinimulan ang pag pasok ng mga bagahe ko sa kotse niya. Nauna na akong sumakay sa kotse niya. Hindi rin nag tagal ay pumasok narin siya sa kotse at sinimulan ng magmaneho paalis ng airport.

Pareho lang kaming tahimik. Well palagi naman kasi kaming nag kakamustahan through internet. Medyo marami narin palang nagbago sa pilipinas sa loob ng limang taon. Marami nang nakatayong buildings dito. Napahinto kami dahil red na yung stop light.

Nagulat ako ng may mahagip ang mata ko. Hindi ako maaaring magkamali. It was him. Ang lalaking modelo ng pabango sa builbord. Limang taon na ang lumipas pero gwapo parin siya. Correction mas naging gwapo pala siya. Mas maganda na yung hubog ng katawan niya. Bigla nalang nakapa ko yung dibdib ko. Oo nga't limang taon na ang lumipas pero meron paring kumikirot dito sa puso ko.

"He was the top model of bench." Bigla ay sabi ni francis. Napansin niya yata ang pagtitig ko don sa buildbord.

Napatingin ako sa kanya. "Girls are being crazy about him. Well hindi lang siya sikat na model sikat din siyang heartbreaker. Kahit model siya mas gwapo parin ako sa kanya. Haha!"

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. So? Hindi parin pala nag babago ang isang Kian Rodriguez. He's still the woman heartbreaker. Muli akong napatingin sa buildbord bago nagsimulang umusad na ang sasakyan.

Sana nga'y huwag na mag krus ang landas natin Kian Rodriguez.

The Man I Hated MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon