Isang linggo na ang nakakalipas nung mangyari yun.
Matapos ang pangyayari na yun ay hindi na ako lumabas ng kwarto ko sa kadahilanang alam kung alam na ng daddy ko ang nangyari sa akin. Malamang dahil close sila ng demonyong si Spencer. Kaasar lang talaga at ang matindi pa lalo akong naaasar kung bakit ako nagpayakap sa ugok na yun nung time na yun. Di man lang ako nagprotesta sa ginawa niyang pagyakap pero hayaan na nga siya lang naman kasi nakakaintindi sa akin nung mga time na yun e. Siya pa na tinuturing kong enemy ko!
**knock knock**
"Don't you dare to go inside my room!" sigaw ko sa kung sino man yun.
"Sabing---------"
"This is your father. Let me in." sabi niya at tuluyan ng pumasok. Inismiran ko lang siya.
"Why are you here?" walang mood na tanong ni Arah.
"You know why I'm here hija." sabi ng papa niya sabay upo sa kama ko.
"Hindi ko alam." sabi ko nalang kahit alam ko naman na gusto lang niya pag-usapan yung nangyari. Nagtalukbong ako.
I heard him sighed
"Hindi mo kailangang magkulong dito dahil hindi ka na namang banned. Hindi ganyan ang kilala kong anak ko. Ang isang Arah Danelle Moris ay isang pasaway na bata at hindi nagpapakulong sa kwarto niya." Nakikinig ako pero hindi ko siya sinagot.
"Come on Hija. Tumayo ka na dyan at pumasok ka na sa school niyo dahil isang linggo ka nang wala sa klase buti nalang at napakiusapan ko ang mga teachers mo na bigyan ka nang special test."
"Tss. Daddy may sasabihin ka pa ba? Kasi kung wala na pwede lumabas ka na sa kwarto ko at maghahanda na ako." sabi ko habang di na nakatalukbong yung kumot ko.
"That's my girl." sabay gulo niya sa buhok ko at kiss sa noo ko.
"Whatever dad." sagot ko at lalabas na sana ito ng magsalita ulit ako.
"Takot lang nila sayo na di nila ako bigyan ng special test e tayo kaya ang may ari ng Moris University." sabi ko at sabay pasok na sa banyo ko at narinig ko nalang na napatawa si dad at napangiti nalang ako.
Ang totoo niyan mahal na mahal ko ang daddy ko at tanggap niya na isa akong bratinella. Di ko nga alam kung bakit ako naging ganito e siguro may reason kung bakit naging ganito ako.
**SA SCHOOL
"Ang ganda niya talaga." chismaker 1
"Maganda nga pangit naman ugali." chismaker 2
"Ano ka ba baka marinig ka ni Arah at mapatalsik ka sa school nato!" chismaker 1
"Ui alam niyo ba na may usap usapan na ikakasal na daw yan pagka 18 niya." chismaker 3
"Oh? Kanino naman? Baka echoss lang yan a. San mo ba nakuha yan?" chismaker 4
"Sa sources ko. Basta tignan nalang natin ang mangyayari. Kumbaga sa tv Abangan bukas!" chismaker 4
"Hoy kayong apat dyan." sabi ko sa apat na chismosa at napaturo nalang sila sa mga sarili nila.
"Oo kayo nga. Kung pagchichismisan niyo ako siguraduhin niyo naman na di ko maririnig. Kaya di umuunlad ang Pilipinas e dahil sa inyo na mga chismosa. Saka sino nagsabi sa inyo na ikakasal na ko? Kung kayo kaya ipakasal ko sa isa't isa." Sabi nito na di pinapakita ang asar nito.
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: A love story of a gangster
Teen Fiction[ GANGSTER+ BRATINELLA = LOVE? ] "Every seconds, minutes and hours your name is the only one who beats my heart. I will always wait you kahit magmukha pa akong tanga na kahit alam nang lahat hindi na kita makakapiling kailanman." by: anonymous Read...