Kabanata XV

21 0 0
                                    

Mission: Retrieval of Memory

Nang marating nila Hera ang Greece, tulad ng pinlano ni Margarette ay ipinakilala sila bilang mga scientist ng isang lalaki na nagngangalang Silver.

Hinintay nilang matapos ang tatlong araw na pananatili nila sa lab bago ang dapit hapong pag-atake. Tulad ng nasa plano ay mag-isang lumakad si Hera, kasama naman ni Ace si Enola na nag-aabang sa pagsapit ng gabi para makuha ni Enola ang capsule na pakay nya ayon sa utos ni Margarette.

"Enola," pagtawag ni Ace sa kanya sabay hawak sa kamay nito

Kiming napa-ngiti si Enola sa turan ni Ace - "I'm with you. I won't let anything happen to you." saad ni Ace kasabay ang paghalik sa noo ng dalaga

"Geez, Asero ang keso mo." saad ni Blue mula sa intercom nila

"Mind your own business Asul!" halos sigaw nito kay Blue na syang ikinatawa ni Enola.

"Position." saad ni Mojo na naka-agaw ng pansin ng dalawa

Nasa central lab naman si Hera at tila anino sa dilim na nag-iintay sa pagsapit ng katahimikan. Nagactivate naman na ang C4 na itinanim ni Mojo sa paligid ng lab na anumang oras ay maari nyang pasabugin. Habang nag-iintay si Hera na mamatay ang ingay sa paligid ay nakita nya si May na suot ang usang lab coat at ang relos na tulad sa kanya. Nang mamatay ang ingay ay lumabas si May sa lab at nagpahuli sa paglabas, nakita sya ni Hera -

"What are you doing here?"

"Helping you out." ani nito at dumiretso sa isang lab na pinaglalagyan ng capsule na kukunin ni Enola

Iniwan ni May na bukas ang pinto at nilagyan nito ng picture ng isang malinis na lab ang lugar, sakto namang hindi nakatingin ang security at abala sa paglalaro ng baraha. Binuksan nito ang pinaglalagyan ng capsule at tinggal ang anumang alarm sa paligid. Nakikita ni Hera ang nangyayari mula sa cellphone na binigay ng tiyahin nya, habang si Mojo naman ay nasa gubat malapit sa lab na syang nago-overlook sa mga kasama nya, nakatago si Blue sa isa sa mga poste sa lugar na handang maging resbak kasama ang ilang agents ng RAE na sumalubong sa kanila. Ang double A na si Silver ay prenteng kasama ang mga kalaban na akala mo ay isa sya sa mga ito.

Sa hudyat ni May na mensahe ay dumiretso si Enola sa lugar at walang hirap na kinuha ang capsule, nagtulugtulugan si May at hinyaang maganap ang mission. Kita din mula sa HQ ng RAE ang kaganapang di lingid kay Margarette, katabi nito si Mal na syang primera assassin ng RAE at nag-ensayo sa tatlong sundalo, si Pláme ay naro'n din katabi ni Mal, sya ang nagturo kay Enola ng combat skill at medisina.

"Swift." puna ni Margarette

"Mal, I'll be going back to the palace, you overlook here and tell me if anything happens."

Tumuwid si Mal ng tayo na tila sundalong sumaludo at hinintay na mawala sa paningin nya si Margarette bago tumalikod, yumuko naman si Pláme.

Saktong labas ni Enola mula sa lab ay di nya maasahang makakasalubong ang isa sa mga kalaban na syang nag-alarma sa mga kasamahan nito, pumasok ang ilang kalaban aa loob at pinasabog ni May ang tear gas, agad syang lumabas habang suot ang isang gas mask pero may humila sa kanya at hinampas sya sa batok dahilan upang mawalan sya ng malay.

Dali dali namang tumakbo si Enola hanggang marating nya ang linalalagyan ni Hera, tinulungan sya nito - tulad ng turo ng kanuang tiyahin ay di ito nagdalawang isip na kalabitin ang gatilyo. Lumundag sya at bumagsak sa harap ni Enola dahilan upang mapa-atras ito. Nang mag-angat ng ulo si Hera ay agad nyang hinablot ang pala-pulsuhan ni Enola at tumakbo sa ligtas na lugar.

Nang pagliko nila aa isang kanto ay tila ba nawala si Hera sa paningin nya at isang makapal na usoknang nanggaling mula sa kung saan kasabay ng isang pagsabog at pagputok ng baril na tila ba dumaan sa hilid ni Enola.

Cling Unto My Heart Lieutenant I Rae-Mon Sequel 1 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon