Chapter 4

9 1 0
                                    

Tested and Proven

"Galit na galit si Seven sayo" bungad sakin Dari habang papasok ako ng bahay. Kakauwi ko lng galing school.

Patay malisya ko syang tiningnan. Saka naupo sa tabi nya. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng juice saka uminom.

"Wala akong ginagawa sa kanya. Masyado lng syang over reacting" sagot ko.

"You knew his a bully right" tanong nito. "He bully girls he hates".

Kibit balikat ko syang tiningnan saka ibinalik sa iniinom ang paningin.

"I'm not afraid of him. Sa ganoon ka payat na lalaki may gana talaga syang mang bully ng babae".

"Ganyan lng talaga yan, but Seven is actually nice medyo pilyo lng talaga. He hates girls drooling over him." Saka uminom rin ito ng juice sa basong hawak hawak nito.

"Nice my ass. He don't hate that girls papansin lng talaga yang feeling Jun Pyo mong kaibigan."

"Bakit ba mainit ang dugo mo sa kanya?" Nakangiting usisa ni Dari.

"I just hate him. Kumukulo talaga ang dugo ko sa tukmol na iyon".

"Whatever Kamilah. Basta iwasan mo na lng sya baka anong magawa non sayo pag tuluyang napikon yon. Kinuwento kasi ni Kenj yong nangyari kaninang umaga".

"Bat ko sya iiwasan. Sya ang umiwas sakin. Saka umayos kamo sya para hindi ko sya asarin. He is just so childish.''

"Tss... Pareho lng kayo dahil pinapatulan mo rin sya." Pinanlakihan nya ako ng mata. "Anyways where's Tito and Tita?''

"Out of the country as usual" then I sighed.

Close kami ni Dari gaya ko nag iisang anak lng din sya. Same village lng kami ng tinitirhan. Madalas sya rito at kinukumusta ako. His like a brother I never had.

Tinapik nya ang balikat ko. " You okay? Baka gusto mo sa bahay na mag sleep over? Andoon sina mommy at daddy at si Porsha."

Porsha is Dari's cousin pamangkin ng Daddy nya sa malayong kamag anak. Naulila ito ng 12 years old pa lng ito kaya kinupkop na nila ito at pinag aral. Nag tatrabaho na ito sa kumpanya nina Dari.

"Talaga nakauwi na pala sya galing Japan" nakangiti kong tugon.

"Yes kaya nga andito ako. Andami nyang pasalubong,. Actually kagabi pa sya dumating at sabi nya ay pumunta ka raw sa bahay. "

Mahigit isang buwan din si Porsha sa Japan may international convention syang dinaluhan roon. Close kami dahil sobrang inaalagaan nya kami ni Dari. Mabait ito at maganda iyon nga lng masyado itong madaling ma fall kaya sa tuwing broken hearted ito palaging to the rescue kami ni Dari rito.

"Okay. Magbibihis lng ako" saka ako pumanhik at mabilis na nag ayos.

Dari and Porsha are the few people na kilalang kilala ako. Isa sa mga taong lubos na pinagkakatiwalaan ko. It's been a year narin mula ng iwan ako ni Yaya Miya. She died in a heart attack. Mula noon Dari, Porsha and Candice na ang karamay ko.

My parents are always busy. Minsan dalawang bears isang buwan ko lng silang makasalo sa hapag kainan. Hindi ko nga alam kung naalala pa nilang may anak sila. Nagpapasalamat na rin ako at wala akong kapatid. Ayaw kong maranasan nya itong ganito ka lungkot na pamilya.

Dating Mr. BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon