Beg
The nerve of that girl. Yes maganda sya pero kung tingin nya eh mayabang ako lintik eh ano pang tawag sa kanya.
"Hey you look so pissed" tawag pansin ni Ate Stew. Mukhang kararating lng nya galing sa opisina nya. Matanda sya sakin ng limang taon. Kaka graduate lng nya last year at ngayo'y hawak nya ang Andrada hotel and resorts na nasa tagaytay. Subalit nandito sa Manila ang main office niya. Tuwing lunes at martes lamang sya naroon sa tagaytay.
Agad umaliwalas ang mukha ko at hinalikan sya sa pisngi. Saka muling nangunot ang noo dahil talagang inis na inis ako sa Valderamang iyon.
"May naka sagutan lng ako Ate".
"Haha ang bully na si Seven naiinis sa nakasagutan nya. Diba well known bully ka? Baka nahanap mona ang katapat mo. I told you brother tigilan mo na yang pang titrip mo". Sabay tawa nya na tila ba naaaliw sya nangyayari. "Is it a he or a she".
"She." Simpleng tugon ko.
Nakangisi nya akong tiningnan saka biglang natawa. Ito iyong isang bagay na naiinis ako sa kanya. Masyado syang advance mag isip at kung ano anong conclusion na ang nabubuo sa utak nya kapag ganitong aliw na aliw sya.
"What are you thinking ate?" inis kong tanong. Saka humalukipkip sa sofa ng living room.
"Maganda ba sya Seven?" ngisi nito.
"Oo, maganda naman" sagot ko agad sa tanong nya huli na ng mapagtanto ko iyon. Nang muli ko syang tingnan ay hindi na matanggal tanggal ang ngisi nya. "What's with that face ate? Ano na naman ba yang iniisip mo ha".
"Nakahanap ka na ng katapat mo kapatid. Haha. Saka mukhang kaabang abang ang mga susunod nyong paghaharap" saka ito tumayo at kinindatan ako bago pa man ako makasagot at pumanhik na sya sa itaas habang tumatawa parin.
Kapatid ko ba talaga iyon. The heck. Katapat my ass. Humanda ka talaga Valderama. Buti na lng hindi kami classmate dahil nakaka pundi ang hitsura nya.
Kinabukasan maaga akong pumasok. Graduating na kami sa highschool. Kaya dapat magseryoso rin ako. I don't want to disappoint my parents.
"Anong mukha na naman yan Andrada bakit lukot na lukot parin?" ani kenj. Nagkasalubong kami sa may gate.
"Gwapo parin ako kahit ganito ang mukha ko" bulyaw ko rito.
"Ge sige lng pre, mukhang tulog kapa ata nanaginip ka eh". Biro nito na sinimangutan ko lng.
Maya maya pa napalingon ako ng may narinig akong tawa galing sa likuran ko.
"Talaga ba? Akala ko may bagyo na, mukhang signal number 7 eh hahaha" bungisngis nito na halata namang napaka sarkastiko.
"Wala namang binalita Kamilah ah" mukhang lito na sagot naman ng kaibigan nito.
"Ah wala bang, advisory?" natatawang anito sa kaibigan saka mabilis na sinulyapan ako at muling ibinaling sa kausap ang tingin .
Damn that girl. Nagpupuyos na naman ako sa galit. Wala na talagang gagawing maganda ang babaeng ito kundi asarin at high bloodin ako sa kanya. Lakas talaga ng loob magparinig.
"May bagyo ba pre" mukhang tanga at paniwalang tanong ni kenj. "Wala rin kasi akong napanood na advisory, ikaw baka may alam ka?''
"Seriously Kenji, nagpapaniwala ka sa babaeng iyan. Obviously pinaringgan Lang ako nyan para asarin. Signal number 7 huh!"
"Ha! Ganun ba pre. Diba pinsan ni Dari yan?" Bulong nya subalit hindi ko na sya pinansin agad akong naglakad palapit sa mayabang na babaeng ito. Kamilah pala ang pangalan nya. Pwe ang bantot ng pangalan kagaya ng hitsura at ugali nya.
"Hoy" sigaw ko rito. Tulala namang napatingin sakin ang kasama nito samantalang gaya kahapon mukhang walang interes nya akong dahan dahang nilingon. Nangunot pa ang noo na akala moy ipinagtataka talaga nya kung bakit nasa harapan nya ako at nagpupuyos sa inis.
"Bakit?" nakangiti pang tanong nya.
Balak atang mag artista ng babaeng ito ang galing umakting parang beterana lng talaga.
"What the heck did you say awhile ago?" Sikmat ko dito.
"What? I dunno what your talking about." Tila clueless talaga na sagot nito.
"Tsss... Spare me the drama please. I heard you miss. Bagyong signal number 7 talaga ha. Nananadya ka ba?" Saka aastang susugurin sya. Mabilis namang lumapit si Kenji at hinawakan ako sa braso.
"Let's go Seven, hayaan mo na yan" pigil nito sakin.
"No kenj nananadya na talaga ang babaeng ito eh".
"What the hell are you talking about?" Sabat naman nito na pinamaywangan ako.
"K-Kamilah tama na" ani kaibigan nito.
"Eh ang lakas ng sapak nito nag uusap tayo, bigla bigla na lng sasabat at galit na susugod. Naka drugs kaba ng ganto ka aga at mukhang sabog ka ata" pang aasar nito.
"Anong sabi mo?" Akmang susugurin na sya subalit dalawang braso ko na ang hawak ni Kenji. Saka ako kinaladkad palayo.
"Let go Seven." Bulyaw ni Kenjie sakin. "Wag mo ng patulan babae yan."
Matalim ko syang tiningnan. Mula ulo hanggang para ang sarap sakalin dahil nakakairita ang ngisi nya. Kung di ka lng talaga babae baka nasuntok na kita.
"You'll pay for this." Banta ko sa kanya.
"Sho..." Taboy nito samin. "Wala akong utang sayo kaya wag mo akong sisingilin".
"You'll beg for me one day" sigaw ko sa kanya bago tuluyang nakalayo. Rinig na rinig ko pa ang nakakaasar na tawa nya.
BINABASA MO ANG
Dating Mr. Bully
RomansaSometimes people are afraid of falling in love, because it sometimes comes in a way we never expected. Seven is a school bully. He enjoys playing around with girls he hates. Kamilah won't let Seven bully her. That makes him hate her even more...