Naranasan mo na bang magkaroon ng crush?

Kasi ako, oo.

And I swear that it's the weirdest feeling that you will ever feel.

Simpleng titig at ngiti lang kasi nya sayo, may unexpected butterflies na agad ang biglang lilipad sa loob ng tyan mo. Yung parang kulang yung araw mo pag hindi mo sya nakita. Sya pa nga ang nagiging dahilan mo para bumangon sa kama.

At sa ayaw mo o sa gusto, makakagawa't makakagawa ka talaga ng mga cringey things dahil sa pagkabaliw mo sa kanya. Isang nakakadiring pangyayari na pagdating ng panahon ay matatawa ka na lang at hihilinging lamunin ka na lang ng lupa sa sobrang pagsisisi kung bakit mo nagawa yon.

Tulad ng naiisip ko ngayon. I know that this is going to be weird but I wanna do this dahil desperada na akong mapansin ng ultimate crush ko!

Hay, Luigi Nigel Bautista, akin ka na lang please.

Kanina pa ako nag iisip kung anu-ano ba ang mga pwede kong gawin para tuluyan na akong mapansin ng crush kong ilang taon ng walang pakiramdam! Napakamanhid ng lolo nyo! Jusko ang tagal ko nang may pagtingin sa lalaking yon pero hanggang ngayon, di pa rin yata nya ako kilala, piste. It r3aLly hUrt$

Actually, marami rin namang nagkaka-crush sa manhid na yon kasi makalaglag panty naman talaga sya! But because ang update is single sya, hindi susuko ang lola nyo!

Habang may buhay, may pag-asa!

Habang sya ay single, pwede ko pa syang ma-mingle!

May the best woman win.

Charot!

Sa gitna ng pag-iisip ko, napahawak ako sa ID ko without reason. Napatingin ako dito at nakita ang 2x2 kong picture na hagas. Nabasa ko rin ang buong pangalan ko. Binaliktad ko ito upang makita ang kabilang side kung saan nakalagay ang contact no. ko.

A glimpse of smile formed on my lips. Tila may bumbilyang umilaw sa taas ng ulo ko dahil sa ideyang nabuo sa isipan ko.

Okay, so it's time for OPLAN CRUSHBACK!

NUMBER ONE PLAN.

Hihintayin ko sya sa hallway kung saan sya paniguradong maglalakad papunta sa classroom nya. He's 2 years older than me kaya magkahiwalay ang classroom namin eh. At kapag naglalakad na sya sa hallway, tsaka na natin i-execute ang unang plano.

But... Wait a minute, kapeng mainit!

Hagas na hagas nga pala ang itsura ko sa picture na nasa ID na to. Baka imbes na ma-inlove sya sakin eh pagtawanan pa nya ako sa eyebugs kong malalaki at bangs kong hindi pantay-pantay dito.

Buti na lang, I have an extra 2x2 picture na dala. Medyo matino-tino naman to kahit papaano. Nakaliptint ang Zandra mo girl dito. Fresh from the bath, bagong suklay at higit sa lahat, naka-IG filter.

Dali-dali kong kinuha ang glue sa bag ko at itinapal sa ugly duckling ang transformed beautiful swan photo ko.

Oras na.

Nang makarating ako sa hallway kung saan ko sya hihintayin, saktong nag-ring ang bell. A sign that lunch time is done and it's already time for class.

Gaya ng inaasahan, dumating na sya. Naglalakad habang nagpupunas ng pawisan nyang buhok at leeg, halatang kakalaro lang ng basketball.

Wet look ang peg and to be honest mas lalo pa syang naging hot! As usual, ang gwapo talaga nya. Makapal yung kilay, kissable yung lips, matangos na ilong, maputi ang balat, at — at nagagawa ko pa syang i-describe kahit may plano pa pala akong kailangang gawin!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Legend of The EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon