じゅうに

217 18 69
                                    

Dalawang araw lang ang lumipas simula nung naghiwalay kami ni Winter. Sobrang sakit pa rin sa akin 'yon, I even lied to him. Gosh, God knows hiw much I love him.

Nichero is recovering na pero hindi ko magawang bumisita doon na hindi sinisisi ang sarili sa nangyari. I never talked to any of my parents, parang gusto ko nalang na mag-isa palagi at umiyak. Hindi ko gustong may madamay sa problema ko kaya kahit sina Hyacinth ay hindi ko sinasabihan nito. I don't want to burden other people kaya nga I let him go. Kaya nga kahit masakit sa akin, binitawan ko siya kasi alam kong tama 'yon.

Alam kong nasaktan ko rin siya, pero ayokong sumama siya sa pagbagsak ko. Ayokong makita siyang nahihirapan. Winter deserves better. He deserve someone else na will stay with him. Kasi ako hindi ko kaya, kasi baka dahil kapag nandiyan ako sa tabi niya, maapektuhan rin ang buhay niya. I never wanted that.

Nandito ako ngayon sa garden ng school, nakatingin sa kalawakan at iniisip ang lahat ng nangyayari. Habang nasa room kanina, pinipilit ko na ngumiti para naman hindi nila mahalata na may problema ako. Life is like this, hindi lahat ng pangyayari ay nasusunod sa gusto mo. Posibleng ang pagmamahal ko kay Winter ay isa lang trial para mahanap ko ang tunay na para sa akin.

Maybe the accident involving Chero is just a challenge to test my faith. To test my capacity to what my life is trying to bring.




"Cheska...."






Akala ko si Winter 'yon, pero hindi 'yon ang perfume niya. Alam ko ang amoy niya kaya panigurado hindi siya 'yon. Pero mabuti na rin 'yon para hindi kami magkita and he will move on. O nakapagmove on na nga ba talaga siya?

I saw Ashton standing in front of me. Malungkot at seryoso ang ekspresyon niya. Tumabi siya sa'kin saka bumuntong hinga. Ngumiti ako sa kanya ng pilit but he just shook his head. Probably napapansin niya na peke ang ngiting 'yon.

"Huwag ka ng ngumiti." Sambit niya saka sumandal sa bench na inuupuan ko. Pinikit niya ang mga mata niya. Siguro matutulog lang siya, pero sa dinadami ng lugar, dito pa talaga.

Aalis na sana ako, when he said something that made my heart beat so loud and made my knees weak.





"Naka-catch up si Winter sa pasahan ng project. Hindi na siya babagsak. Alam kong naghiwalay kayo. Minsan ko lang kasi 'yon nakitang umiinom, at kahapon na nilunod niya ang sarili doon, alam kong wala na kayo. Ayaw niya namang sabihin."




Bumalik ako sa upuan saka nakinig sa kanya. Gusto kong malaman ang lagay niya, sobrang namimiss ko na siya. I want to know what is happening to him kahit hindi na kami. Gusto ko siyang makita pero it's not the time yet. Gusto kong huwag muna niya akong makita, I want him to hate me. I want him to unlove me kahit na masakit. Sobrang sakit.

Tumingala nalang ako sa langit para pigilan ang mga luha ko. I don't wanna cry in here, knowing na pinapahirapan niya ang sarili dahil sa akin. Why is he doing this to himself?!




"You know what, Cheska. Nung araw na hiniwalayan mo siya, nalaman din niya na nag-aagaw buhay ang ate niya. Alam ko na alam mo na ikaw nalang at ang ate niya ang masasandalan niya, but you.... you chose to push him away. Alam ko na nasasaktan ka, pero Ches, look at the two of you, pareho lang kayong nasasaktan."




Kaya pala gusto niya akong hindi siya iwan. Kaya pala he really needed me that day, but I broke his heart once more. Parang dinagdagan ko lang yata ang sakit na nararamdaman niya.

Pero mabuti na 'tong ganito. Mabuti ng mawala ako sa buhay niya kasi alam kong mapapahamak lang din ang buhay niya. Alam kong kapag kasama niya ako, sasabay siya sa pagbagsak ko.

Now It's YouWhere stories live. Discover now