いち

688 18 49
                                    

Call me crazy if I would always know saan siya palagi nagpupunta, pero hindi ko alam ang family background niya. So, hindi pa ako complete stalker. Slight lang. Nakaupo lang ako ngayon sa isang seat na malayo sa mini stage ng mini bar nila. Nakatitig sa kanya na kumakanta sa gitna, gathering every girls' attentions. He never failed making every inch of me fell for him much more.

Ang gwapo niya. His voice was deep yet soothing. 'Yon lagi ang nagpapatibok ng puso ko. 'Yon lagi ang nagpapangiti sa akin. Siya lagi ang nagiging sanhi ng kaba ko. Siya lang. It would always be the one and only Winter Jeon.

Pero ang sakit lang kasi sa tuwing lumalapit ako sa kanya, he would always push me away. Not by his gestures, but with the emotions on his eyes. Ganyan naman siya sa lahat, aside from his friends and the one he loves. Sa tuwing nakikita niya ako parang tinataboy na ako ng mga titig niya. Inaamin ko na sobrang sakit nun pero I won't give up on him. Kasi kapag mahal mo ang tao kahit pa na hindi siya iyo ay matututunan mong mahalin siya ng walang kapalit. Pero sometimes, kailangan mo rin naman ang atensyon niya. Kailangan mo kahit katiting man lang na pansin niya. Love is complicated, love might scar your heart pero parang sa sakit na 'yon ay sasaya ka pa.

Pero ang mas masakit pa nito, he is still in love with my bestfriend kahit pa hindi naman naging sila. Ganon ba niya kamahal si Autumn? Yes, niligawan niya si Autumn. Saksi ako kung paano niya ginawa ang lahat para kay Autumn pero he was left with pain. Kasi may ibang gusto si Autumn at hindi siya iyon. I saw him cry. Mukhang ilang araw nga siyang umiyak doon sa park, so alam kong dahil kay Autumn 'yon.

Matalino naman si Winter. Sobrang talino niya pero sobrang bobo naman niya sa pag-ibig. Nagpakatanga siya sa taong hindi naman siya kayang mahalin pabalik. Baka nga sobrang unconditional ng love niya kasi kahit harap-harapan na siyang nasasaktan, nagpapatuloy pa rin siya.

Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero hindi ko kaya. Palagi ko man siyang nakikitang nakangiti kasama ang mga kaibigan niya, it's too visible that he's sad kasi nasasaktan pa rin siya sa ginagawa ni Autumn. Can you imagine seeing the one you love giving her attention to someone else? Ang sakit diba?

Iyon ang nararamdaman niya at iyon din ang nararamdaman ko. Ang kaibahan lang ay alam ko na nasasaktan siya, pero hindi niya alam na nasasaktan ako para sa kanya.

Nakakatawa bang pakinggan na gusto kong sampalin ang bestfriend ko? Gusto ko siyang sampalin kasi sinaktan niya yung taong nagmamahal sa kanya ng totoo. Yung taong binibigay ang lahat sa kanya. Winter loves her so much. Masakit pero tanggap ko. Hindi naman kasi siya sa akin. Hindi ko siya pag-aari.

That song will always remind him of her, 'That Should Be Me' pa nga. Ganyan ba talaga siya magmahal? Yung tipong kapag nagmahal siya ng isang babae, yun lang talaga? At sa lahat pa ng pwedeng mahalin niya, yung taong ayaw pa talaga sa kanya. Bakit ba kasi hindi nalang ako?

Gosh, I'm being delusional. Hindi naman kasi magkakagusto sa akin yan. Simple lang ako, mukhang di nga yata ako kilala ng lalaking 'to. Anak ako ng isang doktor at fashion designer, pero halata naman na walang pake si Winter sa mga 'yon. I love him pero parang hindi niya yata alam na nag-e-exist ako. He's a year older than me, kaya senior ko siya. Kaya mas naging imposible na makikilala niya ako. And again, masyado niyang mahal si Autumn. Siguro para sa kanya rin ang kantang kinakanta niya ngayon.

I can't take off my eyes over him. Nakatitig ako sa kanya while he's closing his eyes at dinaramdam ang kanta. I won't give up on him also. Sana nga ako na nga lang at siya. Sana nga ako na lang ang mahal niya.

Maybe now that Autumn made you wounded maybe I can heal it and bring your smile back again. Tandaan mo 'yan, Winter.

Baka kahit hindi man niya ako mahalin pabalik, at least diba, baka mapangiti ko pa siya kahit man lang sa loob ng isang millisecond.

Now It's YouWhere stories live. Discover now